Tuesday, January 31, 2006

Anticipated Insanity

Nararamdaman ko na aabutin ako ng madaling araw dito sa opisina ngayon. Katulad nung nakaraan, mukhang alas-dos ako makakauwi. Madami ang kailangan kong tapusin para manatili akong parte ng opisinang ito. Kundi eh, sabi nga ni Ichan, deadcock ako.

Pero bakit ako nagsusulat pa ng pang-post kung meron pa kong tapusin? Ewan ko din. Palagay ko eh dahil alam ko na kapag nagsimula na kong magtrabaho, masisira na naman ang ulo ko sa kakaisip. Kaya bago ako matuluyang masiraan ng bait, at mawalan ng ulirat, gawin ko muna ito.

Kaninang umaga eh galing ako sa Pre-Trial ng kaso ni Yoyoy. Hindi ko akalain na masasaktan pala ko sa maririnig ko dun. Kasi, gusto nang aregluhin ang kaso nya. May offer ang kalaban at tinanggap naman ng tyahin ko.

Nasaktan ako kasi kung pag-usapan nila si Yoyoy eh parang commodity. Tawaran at taasan ng presyo. Buhay yun ng pinsan ko! At, sa isang parte, buhay ko din yun. Dahil ng nawala siya, may parte ng pagkatao ko ang nawala kasama nya. Para sa akin, hindi kayang bayaran ng pera yun. Hindi kayang bayaran ng kahit na sino.

Hindi ako galit sa tyahin ko. Alam ko na kailangan na talaga nila ng pera para makapagsimula ulit. Naiintindihan ko ang sitwasyon nila. At bilang mga kliyente ko din, obligasyon ko na sundin ang kagustuhan nila. Kung gusto nilang aregluhin, desisyon nila yun. Wala akong magagawa.

Pero hindi ko matanggap na ganun na lang kadali...

Siguro dahil yung pinagdaanan ko, at patuloy na pinagdadaanan ngayon, hindi naging madali. Napakahirap bigyan ng presyo ang mga alaala ng dati, at ng mga saya na hindi ko na kailanman mararanasan ng kasama si Yoyoy.

May mga oras na naluluha pa din ako pag naaalala ko si Yoyoy. Mahigit apat na taon na ang nakakaraan mula ng mawala siya. Pero hanggang ngayon eh nandun pa din yung espasyo na iniwan nya sa puso at isip ko, na sa tingin ko ay hindi na pedeng punan. Mahirap ipaliwanag. Corny sa mga hindi nakakaintindi. Pero yun ang totoo.

Kaya ganun na lang ang epekto sa akin ng mga naririnig ko kanina. Handa akong dalhin ang kaso kahit saan. Handa kong ipaglaban si Yoyoy hanggang sa abot ng makakaya ko. Kaya kong gawin yun dahil alam ko na yun din ang gagawin nya para sa akin - siguro nga eh mas higit pa.

Kaso wala na sa mga kamay ko ngayon. Nagdesisyon na sila. Sana maintidihan ng pinsan ko kung bakit nagkaganun. Dahil kulang ang talino ko para maipaliwanag yun sa kanya, pagdating ng oras na magkita kami ulit.



Sunday, January 29, 2006

Love Story

Nandito ko sa opisina kahit linggo. Nagpapakabayani kami ng mga kasama ko dito. Nagdecide kasi kami na kailangang magkaroon ng general cleaning dito sa office. Kaya nandito kami para mag-vacuum atbp.

Tinitingngan ko yung mga dati kong posts dito. Natawa ko sa mga dati kong pinagsusulat na kadramahan. Kung tutuusin pala, buo ang love story ko dito sa blog na ito. Kaya naisip ko nga na buuin sa isang post. Sa mga trip makabasa ng love story ng isang payaso, click nyo ang mga link sa baba ayon sa pagkakasunod-sunod.

  • Part One

  • Part Two

  • Part Three

  • The End

  • Masaya din na balikan yung dati. Paminsan-minsan, healthy din naman na pag-isipan ang mga bagay na tapos na. Lalo na kung wala namang bitterness o kung ano pa man.

    Sa'yo, maraming salamat....

    NO REGRETS...

    :)

    Wednesday, January 25, 2006

    The Last Time

    Wala akong maisip na i-post ngayon. Pero gusto kong mag-post eh, bakit ba?!? At dahil nga wala akong maisip, gusto ko lang ilagay dito ang isang kanta na madalas kong pakinggan ngayon. Ito ay kinanta ni Eric Benet.....

    "The Last Time"

    The first time I fell in love was long ago.
    I didn't know how to give my love at all.
    The next time I settled for what felt so close.
    But without romance, you're never gonna fall.
    After everything I've learned;
    Now it's finally my turn.
    This is the last time I'll fall... in love.

    The first time we walked under that starry sky,
    there was a moment when everything was clear.
    I didn't need to ask or even wonder why,
    because each question is answered when your near.
    and I'm wise enough to know when a miracle unfolds,
    this is the last time i'll fall in love.

    Now don't hold back, just let me know.
    Could i be moving much too fast or way too slow.
    'Cause all of my life, I've waited for this day.
    To find that once in a lifetime, this is it, I'll never be the same.
    You'll never know what it's taken me to say these words.
    And now that I've said them, they could never be enough.
    As far as I can see, there's only you and only me.

    This is the last time I'll fall in love.
    Last time i'll fall in love.
    The last time i'll fall... in love.

    Hmmm.....balang araw magiging theme song ko din ito. Pansamantala, "Lupang Hinirang" muna ang theme song ko.

    Friday, January 20, 2006

    Brrrrrr....

    Dumating na ang katabi naming tenant dito sa 3rd floor. At dahil nga nandyan na sila, pinagana na ang lahat ng aircon dito. Syete! Isangdaan yatang aircon ng barko ang nakakabit dito sa floor namin eh. Hindi ako madaling ginawin pero ngayon talaga eh kailangan ko ng aminin na unti-unti na kong nagsesebo.

    Uulitin ko lang - ANG LAMIG!

    Nararamdaman ko na unti-unti ng nagyeyelo ang dugo ko. Hindi na siya gumagalaw as in! Balak ko sanang magsunog ng mga libro pansamantala para lang medyo uminit pakiramdam ko pero baka magalit ang may-ari. Ayoko kasing yung libro ko ang masunog, siyempre! Kaya ngayon eh nagpapagulong-gulong na lang ako sa carpet na parang asong bagong paligo. Sinunog ko din yung isa kong daliri para medyo uminit pakiramdam mo.

    Syete...kung ganito kalamig sa langit mahihirapan mag-adjust.

    Thursday, January 19, 2006

    Kuya

    Alas-tres na ng umaga ako nakauwi kagabi. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa gimik. Nagyaya kasi ang tiyuhin kong balikbakyan na lumabas. Gusto nya daw mapanood yung NYPD. Noong una eh litong-lito ako kung ano yung NYPD na sinasabi nya. Pero kalaunan eh nakuha ko na kung ano ang gusto nyang panoorin - MYMP pala.

    Naghanap ang mga kapatid ko sa internet kung san may tugtog ang MYMP. Wala silang nakita pero nalaman nila na may tugtog ang Freestyle sa 19th street*. At dahil adik ang mga kapatid ko kay JinkyVidal, dun kami nagpunta.

    First time kong magpunta sa lugar na yun. Maganda pala dun. May view na para kang nasa Antipolo na din. Mas trip ko sana sa labas dahil mas tahimik. Pero dahil sa loob tumutugtog ang Freestyle, dun kami sa loob nanood.

    Magaling tumugtog ang Freestyle. Bilib din ako kay Jinky. Pero hindi tungkol dun ang post na ito. Ito ay tungkol sa paglalapastangan sa aking pagkatao, na naranasan ko sa pagpunta ko sa lugar na yun.

    Nung tapos na kasing tumugtog yung banda, nagpuntahan yung mga kapatid ko kay Jinky para magpakuha ng picture. Halatang hindi handa ang mga kapatid ko, as in nabigla lang silang magpakuha ng litrato, as in wala iyon sa kanilang plano, dahil may dala silang digicam. Ako ang naging officila photographer nila. Anyway, na-tempt na kong magpakuha na din ng picture. Pero naudlot ng lumapit sa akin si Jinky at sabihing - "kuya, patingin nga kung kita kami".

    KUYA! Kuya ang tinawag nya sa akin? Syete! Parang biglang gumuho ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yun. Ganun na ba ko katandang tingnan?! Alam kong gumagalang lang siya kaya niya sinabi yun pero, por dyos por santo, ANG NAKATATANDA LANG ANG GINAGALANG! Sa mga ganung pagkakataon eh mas gusto ko pang bastusin na lang ako.

    Haaayyyyy......

    Bagay, kung tutuusin, mas masagwa siguro kung tinawag nya kong manong.

    *O Avenue?

    Tuesday, January 17, 2006

    Diet Wars

    Last week, nanood ako ng pelikulang "dont give up on us". Tama, yung pelikula nga nila Piolo at Juday ang pinanood ko. Wag lang sanang malaman ni Papa dahil siguradong tatakwil ako non. Nagkataon kasi na ang kasama ko dito sa opisina ay isang panatiko ni Juday. Nanlibre tuloy siya ng sine para sumama kami.

    In fairview, medyo ok lang naman yung pelikula. Alisin lang yung mga sobrang ka-artehan na kadalasang kasama sa mga pelikulang pilipino, pede na din. Ika nga ng barkada ko nung college, kesa naman mag-drugs.

    Merong isang magandang moral lesson ang pelikulang yun na kailangan kong ibahagi sa karamihan. Pagkatapos kasi ng pelikula eh yung ang tumatak sa isip ko. At yun ay - kelangan ko ng magdyeta!

    Syete! Nakakahiya mang aminin eh para atang nainggit ako kay Piolo sa pelikulang yun. Pede kasi siyang magsuot ng t-shirt na fit, nang hindi siya hinahabol ng taong bayan para sunugin. Pag ako kasi ang nagsuot ng ganun, nagmumukha akong tinda na matatagpuan sa frozen meat section ng supermarket. Pero hindi naman ako nag-iisa. Ang isa sa kasama ko dito sa opisina ay magmumukha ding taga-frozen meat section pag nagsuot ng body fit.

    Kaya pagtapos ng pelikulang yun, nagdesisyon kaming dalawa na magdyeta. Bale ang usapan namin eh paunahan kaming magpayat. Simple lang ang rules - pagdating ng December, kung sino sa aming dalawa ang may "K" na magsuot ng fit, bibigyan ng kumikinang na Dalawang Milyong piso! Ok exaggeration na yun - Two Thousand lang. Pero pera pa din yun.

    So ngayon eh "no rice" na talaga ko promise. IBA NA ITO! Hindi na ito kagaya ng sinabi ko dito na hindi natupad.

    Mananalo ako sa pustahan na ito! Sa December ay papasok ako ng nakabarong. At hindi lang isang ordinaryong barong kundi - ISANG BARONG NA FIT!*

    *Kahit magmukha akong call boy na pormal eh ok lang

    Hope

    I have walked my life,
    with you nearby
    I have breathed in your air,
    when life gave me a reason to cry
    I sat and looked at my past,
    and saw that you were always there
    All of my life's trepidations,
    I'm sure you are most aware

    But now I stand here waiting,
    for your propitious signs
    For a fixed and wonderful omen,
    to confirm that you have not resigned
    I beg you to stay,
    and be more than ephemeral
    Help me make it through this day,
    and through the ensuing days' trial

    My eyes have failed to see you,
    much to my despair
    I tried so hard to find and feel you,
    but you were simply not there
    I am starting to shrink,
    into an irrefragably weak man,
    As your image becomes dimmer,
    I fear that one day I will cease to "become"

    You are my only hope.....

    Monday, January 09, 2006

    Eroplano

    Sa eroplano papuntang Manila, as usual, bago lumipad eh merong demonstration na ginawa ang mga stewardess para sa tamang pagsuot ng life jacket. Pinakita nila kung paano ito inflate. Tinuro din nila kung nasaan ang pito na pede mong gamitin na pang-signal. Isa lang naman ang tanong ko - aanhin ko ang lahat ng iyon pag sumabog ang eroplano? Kasi yun naman ang kadalasan na nagyayari eh. Pede ko bang inflate ang life jacket at gawing parachute? Mahihipan ko pa ba ang pito habang ang eroplano ay nagliliyab at ako naman ay natutunaw na sa apoy?

    Nung nakalipad na ang eroplano, mula sa Masbate hanggang sa Manila ay nakatingin ako sa ulap. Isa lang din ang obserbasyon ko - wala akong nakita kahit na isang miyembro ng carebears.

    Promdi

    Kagagaling ko lang ng probinsya ngayon. Last Friday eh nagpunta ko ng Masbate para samahan ang uncle ko na sunduin ang Lolo at Lola ko. So, halos tatlong araw din akong walang ginawa kundi kumain at matulog.

    Huli kong uwi sa probinsya namin eh halos isang taon. Wala namang nagbago simula nung huli kong uwi. Ganun pa rin ang takbo ng oras sa probinsya, di hamak na mas mabagal kesa sa takbo ng oras dito.

    Sa Masbate din eh nagawa ko ang paborito kong gawin kapag gabi* - ang mag-stargazing. Dahil nga konti lang naman ang ilaw dun, tsaka wlang pollution, para kang inuulan ng bituin kapag gabi na. Ewan ko kung bakit pero nakakaramdaman ako ng kapayapaan kapag nakikita ko ang mga bituin. Para kasing kapag tinitingnana ko sila, kumikinang lang sila para sa akin. Kahit sa isip ko lang, ang sarap pagmunimunihan na may mga bagay na nakalutang sa langit, na binibigyan ako ng pansandaling pagpapahalaga. (Syete! Drama na itesh!)

    Sa balkonahe din sa bahay namin sa probinsya eh may parang mini-greenhouse. Kapag umaga, dun ako umiinom ng kape. Habang nakatingin ako sa mga bulaklak dun, nakakapagpahinga ako ng sobra - higit pa sa pahinga na naidudulot ng mahimbing na pagtulog. Iilan lang ang mga pagkakataon na ganoon - iilan lang talaga.

    Marami akong alaala sa probinsya namin. Maraming masasayang oras ng buhay ko ang doon nabuo. Lagi kaming naglalaro noon sa ilalim ng buwan. Laging nagtataguan at nagkukuwentuhan kapag gabi na. Hindi ako nawawalang ng kasama noon.

    Pero napansin ko na nitong mga huling uwi ko sa probinsya eh kadalasan akong nag-iisa sa balkonahe. Tinitingnan ko na lang yung kalsada na dati kong pinaglalaruan. Hindi na maingay sa kalsadang yun, pero parang walang patid pa din ang ingay na dala ng masasaya kong araw sa probinsya. Wlang patid pa din ang tunog ng tawanan sa alaala ko. Ganoon yata talaga kapag nakikipaglaro ang tadhana.

    Wala na ang karamihang mga kalaro ko. Kagaya ng iba pang tao na minsang naging malaking bahagi ng buhay ko, sumabay sila sa agos ng oras - nagkaroon na din sila ng sari-sarili nilang buhay.

    Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko nung umuwi ako sa probinsya. Saya, dahil muli kong nagawa yung mga bagay na nakakapagbigay sa akin ng kapayapaan. Lungkot, dahil naalala ko yung mga bagay na wala na, na dati kong pinagkukuhanan ng saya.

    Merong naliligaw na bata sa puso ko. Ang takot ko lang, baka tuluyan ko na siyang hindi mahanap....

    *Mahirap kasi itong gawin sa tanghali.

    Wednesday, January 04, 2006

    Year of the Dog

    Lingid sa kaalaman ng karamihan, at minsan lingid din sa kaalaman ko, meron akong gift of foresight. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero nakikita ko ang hinaharap. Samakatuwid eh may kapangyarihan akong manghula. Hindi ko lang ito masyado pinagkakalat dahil takot ako sa magiging epekto nito sa aking buhay.

    Natuklasan ko ang gift ko na ito noong bata pa ako. Siguro eh mga Grade 5 ako noon. Nangupit ako kay papa ng 50 pesos para makapaglaro ng family computer. Nalaman ito ni papa at pinauwi ako agad. Wala pa ako sa bahay, parang nakikinita ko na na ako ay makakatikim ng gulpi. True enough, nagulpi nga ako. So doon ko na-realize na "I can see the future".

    Ngayong Year of the Dog, gusto kong ibahagi ang ilan sa mga predictions ko. Matagal kong pinagmuni-munihan ito at halos manghina ako ng todo dahil sa pag-gamit ko sa aking gift. Narito ang ilan lamang sa mga nakita ko na mangyayari sa taong ito, sa buong mundo:

    1. Merong manganganak.

    2. Nakakatakot man pero nararamdaman kong merong mamamatay. Hindi ko lang masiguro kung sino at kung saang bansa siya. Medyo blurry kasi ang nakita ko.

    3. Isa sa mga buwang ito, uulan sa isang bahagi ng Pilipinas.

    4. Mananatiling matiwasay at sagana ang buhay ni Bill Gates.

    5. Sa taong ito, hindi ko magiging girlfriend si Kristine Hermosa.

    6. Merong isang pamilya (hindi ko din alam kung sino at kung saang lugar sila) na magkakaroon ng bagong TV.

    7. Wag sana ninyo itong ikagimbal pero, ayon sa aking mga nakita, merong masisiraan ng kotse.

    8. At ang final kong hula - madami akong makakain na kanin ngayong taong ito.

    Tip: Dahil nga Year of the Dog ngayon, magiging masuwerte ang pagpasok sa mga business - yun ay kung isa kang Dalmatian. Magkakaroon ka din ng kabiyak sa buhay na matagal mo ng hinihintay - kung ikaw ay isang Labrador. Kung ikaw naman ay asong kalye, iwasan mo ang mga lugar tulad ng Baguio, Ilokos Norte, at Tondo (lalo na kung piyesta), kung gusto mong humaba pa ang buhay mo.



    Tuesday, January 03, 2006

    Si Kristine Hermosa sa Blue Moon

    Maaga kami lumabas ng opisina kagabi. Kasi, maaga pa lang eh nagplano na kaming manood ng "Blue Moon". Alam kong marami sa mga nakakakilala sa akin ang magugulat pag sinabi ko sa ako ang nagyaya na panoorin ang pelikulang yun. Pero naintriga kasi ako sa trailer nya, at considering na palanca awardee ang gumawa ng screenplay, naisip ko na maganda siguro yun.

    Ang schedule ng "Blue Moon" sa Greenbelt 3 ay 7 pm. Sakto na mga 6:30 ay nandun na kami. Nagwithdraw ng pera si Aris sa ATM. Lumabas muna ako habang nagwithdraw siya, at habang nasa labas ako ay may nangyaring kagilagilalas - DUMAAN SI KRISTINE HERMOSA SA MAY HARAP KO!!! Syete! Hindi ko maipapaliwanag ang nangyari. Parang aparisyon lang. Parang panaginip. IBA!

    Sa mga hindi nakakaalam, dyahe mang aminin ay isa akong bentilador ni Kristine. Kaya ganun na lang ang reaction ko ng makita ko siya. Nung lumagpas na siya eh medyo napasayaw ako sa hindi malamang kadahilanan.

    Anyway, side story lang yun. Ang main event ng post na ito ay ang pelikulang "Blue Moon".

    Nagandahan ako sa pelikulang yun. Kahit palso yung ibang actors dun, nagandahan ako sa istorya nya. Matagal na akong hindi nakakapanood ng pelikulang pinoy na talagang masasabi ko na nagustuhan ko. Pero sa pelikulang ito ay masasabi kong sulit ang binayad ko na P140.00. (Syete! Katunog ko na yata si Cristy Fermin!)

    Sa mga hindi pa nakakapanood, hindi ko sasabihin sa inyo na ang Corazon na tinutukoy ni Manuel Pineda (ang karakter ni Eddie Garcia), ay yung ginampanan ni Jennylyn Mercado*. Hindi ko rin sasabihin na magkikita sila ni Corazon sa huli dahil sa isang television show. Ayokong sabihin iyon dahil hindi ko ugali ang magkuwento ng pelikula sa mga hindi pa nakakapanood. Hahayaan ko kayong manood at tumuklas ng mga bagay na iyon. At dahil hindi ako mapanglait, hindi ko rin sasabihin na ang taba ni Christine Bersola(-Babao) sa pelikula, at masyadong naging halata na siya ay nagbre-breastfeed. Hindi ko talaga sasabihin yun.

    Uulitin ko lang, maganda ang Blue Moon. Hindi masyadong magarbo. Simple lang at pede kang mapaisip. Yun ang gusto ko sa isang pelikula. Kung iisipin, parang yun din ang gusto ko sa babae. Pero hindi yun ang gusto kong isulat ngayon. Tsaka na.

    Balik sa Blue Moon. Sabi nga sa pelikula, ang blue moon ay tungkol sa "taking second chances". Kaya kung meron ka mang mga bagay na gustong gawin na hindi mo pa nagagawa, o sabihin na hindi mo pa nasasabi, so long as buhay ka pa, binibigyan ka pa ng pagkakataon na hindi mo dapat sayangin.

    Dahil sa pelikula, naisip ko tuloy yung mga bagay at pagkakataon na sinayang ko. Pero ngayon eh alam ko na hindi pa huli ang lahat.

    Na-inspire ako. Alam nyo gagawin ko?

    Tulad ng dati, wala....

    *Hindi ko alam kung tama ang spelling. Hindi ko naman kasi pangalan ito.