Tuesday, June 08, 2010

A Filipino's Guide to Singapore

Mga dalawang linggo na ang nakakaraan, nagpunta ako sa Singapore. Nagpunta ako doon para mag-artista dahil ang balita ko eh pogi daw ang mga pinoy doon. Tanggap na sana ako kaso nga lang eh wala raw opening. Napilitan tuloy akong mamasyal tutal kako eh sayang naman ang pagpunta ko doon.

Anyway, gusto ko lang magbigay ng babala sa mga nagbabalak magpunta sa Singapore - wag na kayong pupunta! Napakapangit ng lugar na yun. At hindi talaga bagay ang mga pinoy dun para sa akin. At gusto kong ilahad ang mga dahilan kung bakit ganito ang nasabi ko....

Simulan ko sa airport.

Hindi ko matanggap na, sa kabila ng napakapangit nilang airport, may gana pang maningil ng terminal fee doon sa Singapore. Langya talaga! Kumpara sa ibang mga airport, aba ay hindi hamak na pangit ng airport nila. Madumi, magulo, saka masyado maraming tao. Pero sa kabila noon, aba eh akalain mong kailangan ko pang magbayad ng terminal fee! Bakit? Dapat nagkaroon na ako ng idea doon pa lang na wag na ituloy ang plano kong pagpasok sa bansa na iyon kaso wala na akong nagawa at nanghihinayang na ako sa pamasahe ko.

Bukod sa lekat na terminal fee, ewan ko kung bakit parang napakaraming sinisita ng airport officials dun. As in para mapabilis ka ata at hindi maabala eh kailangang maglagay. Pakiramdam ko talaga eh naghihintay sila na magbigay ako. Ang sa akin naman, wala akong maibibigay kundi isang dumadagundong na headbutt. Saka bakit ba ganoon sa kanila? Napapansin ko kasi na merong mga umaalis at dumarating na parang may special treatment. As in sinasamahan pa yung iba na manguna sa pila kahit hindi naman sila buntis or disabled. Hindi na tinamaan ng hiya ang mga walanghiya.

Taxis.

Akala ko, paglabas ko ng airport eh magsisimula na ang pag-ayos ng lahat. Nagkamali ako. Parang mas lumala ang karanasan ko nung kumuha na ako ng taxi. Siyempre, I was expecting na madali lang kumuha ng taxi doon. Siyempre ulet, nasanay kasi ako sa Pilipinas. Kaso iba pala sa kanila. Sobrang walang modo ng mga taxi drivers.

Yung una kong pinara, ang sabi sa akin eh masyado raw malayo ang pupuntahan ko kaya kontrata lang daw. Gulat na gulat talaga ako dahil first time kong makarinig ng ganun! Hindi ako pumayag. Para saan pang may prinsipyo ako kung papadala ako sa ganung sitwasyon.

Pumara ulet ako ng taxi. This time, ang style naman ng taxi driver eh tinanong muna ako kung saan ako pupunta. Tapos nung marinig niya na medyo malayo ang pupuntahan ko, akalain mong ayaw akong isakay! At ang dami pang dahilan. Kesyo traffic, out-of-the-way daw siya, at, ang pinakamaganda, pagarahe na raw kasi siya. Ha?!? Traffic sa pupuntahan ko? Ano ang ibig sabihin ng traffic? Hindi ko ata naririnig yan sa Pilipinas. Out-of-the-way? Puwede ba iyon eh samantalang taxi siya? Pagarahe na raw siya? Eh bakit niya ako hinintuan? Sobrang dumugo talaga ang ilong ko dahil hindi maarok ng pang-unawa ko ang nangyayari. Parang bigla ko tuloy na-miss ang Pilipinas.

Merong nakapansin sa akin na nahihirapan na akong kumuha ng taxi. Singaporean yata yun kaya sanay na siya sa bansa niya. Ang advice niya sa akin, maglakad daw ako ng malayo sa airport. Tatagain daw kasi talaga ako ng mga taxi drivers kung dun ako kukuha. Laking gulat ko! Laking gulat ko kasi, bukod sa hindi ko alam ang ibig sabihin ng tatagain ako ng taxi driver, marunong magtagalog yung singaporean!

Anyway, sinunod ko yung payo niya. Tama naman siya. Nakakuha naman ako ng taxi, five kilometers away from the airport. Yun nga lang, pagkapindot ng metro ng driver, sinabihan agad ako na dagdagan ko na lang daw siya dahil kakalabas lang niya. Tama ba naman iyon? Kasalanan ko ba na kakalabas niya lang? At kung kasalanan ko man, hindi ba ako puwede mag-sorry na lang kesa magdagdag?

Tinatamad na ako....