May virus ang Laptop ko!
Isa akong masugid na supporter ng Intellectual Property Law. Kaya naman lahat ng nilalagay ko na software dito sa aking Laptop ay talaga namang original. Lahat ng nandito ay galing sa Quiapo at binili ko sa halagang P70.00. Sabi ng muslim na binibilhan ko doon, original daw ang mga software na binibili ko sa kanya. Mura lang talaga siya magbenta dahil, bukod sa close sila ni Bill Gates, gusto niyang tumulong.
Dahil lahat nga ito ay original, nagtaka ko noong isang linggo kung bakit bigla na lang nag-expire ang Norton ko. Mga 2000+ days pa kasi ang remaining subscription ko dapat doon pero bigla na lang siyang nag-lock last week. Bigla na lang nag-message na kailangan ko raw i-activate chuva. Kailangan nya daw ng bagong serial. At dahil malamang ay wala na sa Quiapo ang pinagbilhan ko, naisipan kong maghanap na lang ng serial sa internet. Hindi naman kako masama yun lalo pa at original naman ang software ko.
Kakahanap ko sa google, meron akong nakita na norton keygen. Yun na kako ang hinahanap ko. Siyempre, dahil mahirap magtiwala sa mga files na galing sa internet, dinownload ko agad at in-execute.
Viola!
Bigla na lang may mga lumalabas na bold sa aking desktop. Bukod dun, bumagal ng todo ang aking internet connection. Gumanda din ang performance ng Word. Kasi, sampu na ang salitang nasusulat ko, isa pa lang ang lumalabas.
Grabe!
Ito ba ang napapala ko sa pagbili ng mga original na sotwares!?! Ang lumalabas pa yata eh ako ang may kasalanan sa pagsunod ko sa batas! Kung alam ko lang na ganito eh di sana puro pirated na lang binibili ko. Tsk! Tsk! Minsan talaga ay mahirap ang maging masyadong masunurin.
Susubukan kong ayusin itong laptop, miski ang kabisado ko lang tlaga dito eh kung pano magshutdown. Gamit ang kaalaman ko sa iba't-ibang kumplikadong program, tulad ng wordstar at lotus123, tatangkain ko kung kaya pa ba itong maayos. Kundi na - FORMAT!

2 comments:
Pare!you have somekinda of a curse with gadgets...and love (ay este) what I just came here to say is McAfee na lng install mo next time and stop browsing for free keygens & serials kse dun tlga makukuha ang mga virus na iyan.
tama lang na sumunod sa batas sa intellectual properties, diba attorney? kaya sobrang unfair yung nangyari sa laptop mo. dapat ata ihabla mo yung taga norton.
hehehe.
Post a Comment