Thursday, May 25, 2006

No Smoking

Parang kailan lang ng sinulat ko ito.

Pero ngayon, isa na iyang malaking kasinungalingan. Ilang buwan na rin ang nakakaraan, bumalik na naman ako sa pagyoyosi. Nagpa-member na naman ako sa PLCS, na mas kilala sa tawag na Philippine Lung Cancer Society.

Sayang din yung halos isang taon kong pagtigil. Sarap na ng pakiramdam ko nun kasi hindi ako madaling hingalin. Tapos pag gumigising ako sa umaga, hindi ganoon kabigat ang dibdib ko. Ngayon ang dali ko na namang hingalin. Bumubuhat lang ako ng yellow paper eh napapagod na ko. Tapos pag umaga pa, yung dibdib ko eh parang inapakan ni Ronald McDonald. Bad trip talaga.

Nagpaplano akong huminto ulit ngayon. Naghihintay ang ako ng tamang tyempo - yun bang tyempong butas na ang baga ko. Nakaya ko naman dati eh. So walang dahilan para hindi ko makaya ngayon. Mahirap kung sa mahirap. Pero mas mahirap siguro kung dumating ang oras na sa tubo na lang ako humihinga. Mahirap na manligaw pag nangyari yun.







2 comments:

Anonymous said...

May pinagkaiba sa ngayun?

Anonymous said...

sana nga magawa mo uling tumigil sa pagyoyosi. tama ka, mahihirapan ka ngang manligaw. bukod sa manilaw-nilaw ng ngipin e hindi pa kaaya-ayang halikan. bad breath kasi. hehe