Friday, July 07, 2006

Fertilizer Scam

Note (Nota sa tagalog): Ang post na ito ay walang kaugnayan sa scam ng gobyerno. Ayoko ng magsulat sa mga bagay na alam na halos ng lahat. Saka wala akong kabalak-balak na mag-discuss tungkol sa pulitika. Artista ko eh. Hindi magandang pagsamahin ang showbiz at pulitika*.

May bagong padalang balikbayan box ang tiyuhin ko na nasa States. Isang malaking event yun sa bahay dahil madami na naman kaming makakain. Madalas kasi siyang magpadala ng mga pagkain sa amin. Alam nya kasi na naghihikaos kami kaya pinapadalan niya kami ng mga chocolates, de-lata, tsaka kung anu-ano pa. Pag sinuwerte ka pa, meron ding damit na kasama ang box.

Sa aming bahay, kapag dumating ang box, kelangan ay nandun ka. Kung minsan, kelangan din eh meron kang dalang patalim para ma-proteksyunan mo yung mga padala sa'yo. Kahit may mga pangalan na kasi yung mga padala, first come first serve ang policy namin dyan. Kaya kung wala ka, malas mo na lang kasi sticker na lang at extra ballpen ang matitira sau.

Anyway, itong huling padala ay wala ako sa bahay. At katulad ng inaasahan, pagdating ko sa bahay eh wala na ang mga para sa akin. Pero kahit papano ay medyo natuwa pa rin ako kasi may mga nakalimutan yata silang itago, na nakalabas lang sa lagayan ng mga pagkain. Hindi pa nangyayari ang ganun kaya sinamantala ko na. Kinuha ko agad yung isa tapos kinain ko. Ang pinili ko eh yung parang itsurang mani na nakalagay sa plastik.

Unang subo ko pa lang eh medyo nasagwaan na ko sa lasa. Pero inisip ko na baka naninibago lang ang panlasa ko sa stateside. Baka kasi kako sanay lang talaga ang panlasa ko sa boy bawang at sa pillows. Pero naka-ilang subo na ako, masagwa pa rin.

Kaya kinausap ko si mama kung bakit ganun ang lasa nun. Sabi ba naman sa akin - "Bakit mo kinain yan eh fertilizer yan sa halaman?" Parang galit pa nga yung tono nya dahil mamamatay na daw ang mga halaman namin, kinain ko pa ang fertilizer nila.

Anak ba talaga ako? Nag-alala pa sa halaman kesa sa akin. Eh pano kung may lason yun? Tsaka bakit nila nilagay sa lagayan ng mga pagkain??!!??

Comedy of errors tlaga.....

*Pero dito sa Pilipinas parang hindi applicable yun.

3 comments:

Anonymous said...

Baka nga di ka anak ng magulang mo. Mas mahal pa nila yung halaman nila. :-) Pinasaya mo kami dito sa opis. Buti naman at nagbalik ka na. :-) Welcome back!

Anonymous said...

Ai nako Cidie! Umiral na naman kasi siguro katakawan mo kaya nakalimutan mong basahin kung anong nakasulat sa supot at kung bakit basta basta mo na lang kinuha un. Nwei, kung wala namang nakasulat sa plastic, sana nagtanong ka muna, yan tuloy ikaw pang napagalitan ng mama mo. Eh sukat akalain mo ba namang agawan pa ung halaman?!!! Joke!

Nwei, sana walang nangyaring masama sayo ngayon dahil sa pagkain ng fertilizer... Ingat pa lagi!

Anonymous said...

pucha! haha....ganda nang post na to!

pero lam ko ibig mo sabihin...first come first serve pag pasalubong..nawawala lahat nang civility and morals pag may balikbayan box :)

haha...pero, shit...fertilizer...haha..you're never gonna live this down..

ps: looks like you're suffering symptoms of a neglected child :p