Bakit ba nausopa ang genes? Bakit kelangan na meron pang DNA ang tao? Naisip ko kasi medyo unfair ata na, pinanganak ka pa lang, meron ng mga bagay sa'yo na hindi mo pede makontrol. Meron ka ng mga characteristics na nakatatak sa'yo. As in wala ka talagang choice.
Ok lang naman sa akin na hindi mo mapipili ang magulang mo*. Pero ang hindi ko matanggap eh kung bakit kelangan eh lahat ng katangian ng magulang eh mamanahin mo din.
Kagaya na lang ng kalagayan ko...
Simula sa unang ninuno ko**, hanggang kay papa, may kasaysayan na kami ng pagka-kalbo pagdating sa "certain age". Ok lang sana kung ang certain age na yung eh mga 60+ na - yun naman kasi ang normal na edad kung saan nagsisimula ka ng malagasan ng buhok. Pero sa lahi namin, nagsimula na kaming malagasan noong nagsimula kaming huminga. Kaya sa edad na trenta pataas eh inaasahan ko ng maging kagaya ni papa - tumitingin na lamang sa suklay at napapaluha.
Ngayon ay medyo nakakakita na ko ng senyales ng paparating na unos. Ilang taon na lang, alam kong magkakaroon na rin ng count-off sa buhok ko tuwing umaga. Kaya nga kailngan, bago dumating ang panahon na yun, meron na kong asawa. Kundi naman, kelangan ay mayaman na ko para makapagpa- hair transplant ako. Idudugtong ko sa kilay ko ang hairline ko para hindi na ko natutukson malapad ang noo.
Pero hindi na sana kailangan pa ang mga iyan kung perpekto lang sana ang mundo. Ang suggestion ko nga, sana pagpakapanganak mo, merong tindahan na mabibilhan mo ng genes na gusto mo. Parang isang 7-11 ng mga genes. Nandun ang gusto mong ilong, kulay ng mata, kapal ng buhok, etch. Kung merong ganun, malamang hindi kami magkakalayo ng itsura ni brad pitt. Ngayon din naman eh hindi din masyado nagkakalayo, wala lang naniniwala.
Sabi ng sikat na sai anonymous - "Experience is a comb that life gives you after you lose your hair." Ang sa akin na lang - "Sa inyo na lahat ng experience. Bigyan nyo kong buhok."
*Although ok lang kung naging anak ako ng hari ng Inglatera.
**Kung totoo na ang tao ay nagmula sa unggoy, ang ninuno kong unggoy ay tampulan ng tukso dahil siya lang ang unggoy na hairless.

2 comments:
Pareng Cyd (if i may call u that)
Salamat at nagbalik ka. Matagal akong nag abang sa iyong return ng panday. Salamat sa iyong pagbabalik marami ka na namang pasasayahin sa amin na mga avid readers mo.
Keep posting atty. And more power.
This is paggulong. Call me LONG, for short (altho am not sure kung papansinin mo ako. Pero OK lang).
By the way, I am old, wise and bald. Wise is debatable though. Har har har har...
Only the floor can stop falling hair (alam mo naman yun di ba?)
Yours,
Paggulong
Pareng LONG,
Salamat sa iyong comment. Marami pala tayong parehong characteristics. Medyo old na din ako, wise din (lalo na pag nde nagbabayad sa dyip), at...malapit nang maging bald. hehe.
Tama ka nga...only the floor can stop falling hair...hehe..
Balik ka lang ulit. :)
Cidpogi
Post a Comment