Thursday, September 03, 2009

Habang umiinom ng kape at naghihintay....

Hindi na ako iinom kahit kailan.

Yan ang pangungusap na ilang libong beses ko nang binitawan. Pero hanggang ngayon eh wala pa ding kuwenta ang koleksiyon ng salitang iyan. Dahil hanggang ngayon eh umiinom pa din ako. Pero dahil sa nangyari sa akin kahapon, kailangan ko na talagang ipangako sa sarili ko na itigil na ang masamang bisyong iyan.

Noong Tuesday ng gabi eh nasa Bulacan ako. Wala naman akong balak uminom. Pero gusto kong linawin na hindi totoo yung huli kong sinabi. May balak talaga kami uminom. Hindi ko nga lang binalak na malugmok at mabangenge ng ganun. Nakasampu kasi kaming bucket ng blue ice. At ang maganda pa dito, tatlo lang kaming umiinom. Awa ng Diyos, nawalan tuloy ako ng malay.

Sa totoo lang, hindi ko ugaling manisi. Hindi ko ugali na ipasa sa iba yung kasalanan ko. Pero sa pagkakataong ito, kailangan kong sabihin na hindi ako ang may kasalanan sa sobrang pagkalasing ko noong gabing iyon. Ang may kasalanan sa nangyari ay walang iba kundi ang letcheg pritong itik na iyan! Ang sarap kasi niyang pulutan kaya hindi ko na namamalayan na nakakarami na kami. Huli na nang mamalayan ko na wala na pala akong malay. At kung hindi dahil sa itik na iyon eh hindi ganoon ang mangyayari.

Anyway, hindi doon nagtatapos ang istorya.

Dahil nga sa sobrang kalasingan, hindi ako nakauwi ng Cavite. Sa Tondo ako nakatulog. Ang problema, may hearing ako kinabukasan ng 8:30am sa Cavite. Nagising ako bandang 8am na kaya, halos liparin ko ang Cavite, ng hindi naliligo. At ang mas malala p, wala akong barong. Sa halip, ang suot ko ay isang itim na t-shirt kung saan naka-print ang salitang BAGNET AND PINAKBET FROM VIGAN. Kahit apat na taon pa lang akong abogado, medyo alam ko naman na hindi katanggap-tanggap ang ganoong attire. Unless na lang siguro official endorser ako ng mga produktong iyon.

Habang nagmamaneho ako papuntang Cavite, nag=iisip na ako kung ano ang idadahilan ko sa judge. Ang ilan sa mga naisip kong dahilan ay ang mga sumusunod:

(a) Judge, nasunugan po ako. Wala po akong naligtas na gamit kundi ito lamang suot ko ngayon. Incidentally you Honor, kasamang natupok sa bahay ang alaga kong aso. (Sabay dapa, iyak ng sobrang lakas, at mag-tantrums na parang bata)

(b) Your Honor, I was raped on my way here. They took away my barong. Luckily, they left me this shirt. I have reason to believe now that my rapists were Ilocanos.

(c) Judge, gusto niyo bagnet?

Pagdating ko sa korte, siyempre tinawag na yung mga kaso. Nung tawagon na yung kaso ko, siyempre tayo ako. Bago pa ako magsalita para mag-enter ng apperance, sabi sa akin ng judge - "Where's your lawyer?"

(Itutuloy dahil nandiyan na ka-meeting ko)

2 comments:

Anonymous said...

Yun lang! Ü

joanne wolcott said...

dahil sa wala ako magawa... anu ngyari pag katapos? bitin ang kwento. wag ka mag alala saten saten lang ito... hehehe ;)