Thursday, October 13, 2005

Short Story

Ito ang kauna-unahang short story na ginawa ko. Matagal ko na itong ginawa. Hindi na ito nasundan dahil, sa kasamaang palad, nde naging supportive ang mga kakilala ko. Lahat halos ng pamilya ko, pati mga kaibigan na din, matapos basahin ang istoryang ito, palagi na lang sinasabi na bitin daw. Kulang daw ang istorya. Kesyo nde raw sapat ang plot. Masakit yun para sa isang aspiring writer na kagaya ko. Lalo pa at pinaghirapan ko ito ng sobra. Todo ang effort ko ditto kaya masakit marinig na bitin daw itong istoryang ito. Sana dito sa blog eh merong maka-appreciate……

Palingon-lingon ako sa labas ng bintana ng opisina. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nararanmdaman ko na ilang saglit na lang ay babagsak na ang ulan. Pero kahit anong paghihintay ang gawin ko, hindi kakausapin ng patak ng ulan ang lupa ngayon. Masyadong mataas ang araw. Kulang sa tubig ang mga ulap.

Kanina pa ko nakatitig sa sulat na iyon. Sa sulat na dinala daw sa harap ng aking opisina kanin pang umaga. Pero dahil hindi na ko nakabalik kagabi pagktapos ng hearing ko sa laguna, ngayon ko lang nabuksan at nabasa ang sulat. Maingay sa plaigid ko ngayon, pero wala akong naririninig. Bihira lang dumating ang ganitong pagkakataon. Bihira lang na wala akong nakikita. Hindi ako nakapikit, pero madilim.

“Joel!”

Kung hindi ko pa narinig ang tawag na yun ni Mang Lando, mananatili siguro akong nakatunganga sa harap ng sulat na yun. Siguro ay walang kimi akong mapapaluha sa harap ng opisina.

“Joel, yan ba yung sa kaso natin sa Laguna?”

Kung ordinaryong araw ito, baka nainis ako kay Mang Lando. Ayoko kasi tlagang pinapakikialaman o inuusisa ako. Sa linya kasi ng trabaho ko, mas makabubuti kong mag-isa lang.

Pero hindi ordinaryong araw ngayon. At lalong hindi ordinaryong sulat ang natanggap ko. Kaya naging tagagising ko ang boses ni Mang Lando. Ito ang nagbalik sa totoong mundo. Tinantanong nya ko kung bakit ako tulala. Tinatanong nya ko kung gusto maayos lang daw ba ako.

Gusto kong sabihing hindi. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Napakarami kong salita na maaaring gamitin para sagutin ang mga tanong nya. Pero walang lumabas sa bibig ko. Tumango na lang ako at ngumiti. Kung kilalang-kilala siguro ako ni Mang Lando, nakita nya siguro yung pait ng ngiti ko na yun.

Kailangan ko munang umalis, sabi ko sa sarili ko. Kailangan kong magpahinga at hagilapin ang hangin sa labas ng aking opisina. Nagpaalam ako ng maayos sa boss ko. Nagtaka siya dahil, ilang taon ng aking pagtratrabaho, bihira lang ako kung magpaalam na hindi tatapusin ang oras ko sa opisina.

THE END

Monday, October 10, 2005

Blog na konti lang ang salita

Si Joseph at ako....

The Family Tree...



Nadagdag si aris, malou, at piqs...


Ryan and Dowa ulit...


Parang matino siya kung titingnan...


Friday, October 07, 2005

How to pass an interview (Tip No. 1)

Marami sa ating mga kabataan ngayon*, ang nahihirapang maghanap ng trabaho dahil sa hirap ng ekonomiya. Ang problema pa, marami sa mga young graduates ang hindi alam kung paano ang tamang paraan ng pagsagot sa mga job interviews. Marami tuloy sa kanila ang hindi natatanggap. Kaya sa halip na sa isang corporation sila napupunta, kadalasan eh sa rehabilitation centers ang kinababagsakan nila.

Naisipan ko tuloy na tumulong. Alam nyo kasi, pinanganak akong may maputing budhi. Kaya hanggat maaari eh gusto kong tumulong sa abot ng aking makakaya.

Maraming nagkalat na mga tips na nagututuro kung paano pumasa sa mga job interviews. Meron pang mga speakers na ini-invite minsan ang mga schools para dito.Pero chuva lang lahat ang mga tips na yun. Humility aside, ako ang pinakamagaling sa lahat ng tao sa buong mundo. Kaya ang mga tips ko lang ang tama.

TIP NO. 1 - TAMANG PANANAMIT

Isa sa pinakamalaking kamalian ng mga pumupunta sa mga job interviews, eh yung pagdadamit nila ng maayos. Yung iba eh bumibili pa ng mga bagong "formal" na damit. Isa itong malaking turn-off sa mga employers. Bakit? Simple lang.

Bakit ka ba naghahanap ng work? Kasi nga wala kang pera. At yun ang nasa isip ng mga employers - kailangan mo ng pera. Ang kadalasng tinatanggap nila eh yung mga nakikita nilang tlagang kainlangng-kailangan ng magkatrabaho; yun bang mga tipo na halos kaawaan nila. Eh kung mas maganda pa ang porma mo kesa sa nag-iinterview sayo, pano ka tatanggapin? Siyempre ang iisipin nun eh - "Eh mukhang mas may pera pa sa akin ito! Bakit ko ito bibigyan ng trabaho? Dapat nga ako bigyan nya ng pera."

Samantalang kung pangit ang suot mo, ang sasabihin nya sa sarili nya eh - "Kawawa naman ito. Bigyan kong nga ito ng work. Alam ko na, gagawin ko siyang manager!"**

Kitams! Di ang ganda! Kaya ang tamang damit na dapat isuot eh yung pinakapangit na masusuot mo. Plus pogi/ganda points din kung medyo mabaho ka at nangangalumata.

Sa mga susunod na blogs eh dadagdagan ko pa ang mga tips na ito. Ang mga tips na ito ay 100% effective. Tiyak na makatutulong ito sa inyong lahat. Tatapusin ko na nga sana ngayon ito, kaso maghahanap muna ko ng work.

*OO. Kasama pa ko sa kabataan.

**Malamang eh umiiyak pa siya habang sinasabi nya yan.

Thursday, October 06, 2005

Ako at Siya

Noong un eh nawawalan na ako ng pag-asa. Ang akala ko talaga eh nde na talaga ako magkakaroon ng girlfriend. Akala ko eh tuluyan na kong maglalaho sa mundo ng nag-iisa.

Pero nagkamali ako.

Nakilala ko siya sa isang drugstore. Isa yata siya sa mga nagbebenta dun ng gamot. Nagulat ako kasi nakatingin siya sa akin at nakangiti. Bihira lang mangyari ang ganoon eh. Kaya nakipagtitigan ako sa kanya. At dun nagsimula ang aming pagmamahalan. Aakalain mo bang sa gitna pala ng mga titig na iyon eh may pag-ibig na?

Ngayon eh masayang masaya na kami. Hindi ko alam kung ano ang meron ako. Dahil sa tuwing nakikita nya ako eh lagi siyang nkangiti sa akin. Lagi siyang nakatitig sa akin na para bang sinasabihan ako na masaya siya kapag nakikita niya ako. Napakasuwerte ko talaga.

Aaminin ko na hindi siya perpekto. Pero sino ba ang taong walang kulang? Ako nga eh kulang-kulang kung i-describe ng aking mga kaibigan eh.

Ang ayoko siya sa kanya eh may pagka-insensitive siya. Kasi hindi siya nagsasalita talaga tuwing kinakausap ko siya. Lagi lang siyang nakangiti. Kahit nga minsan ay nagagalit na ako sa kanya, nakangiti pa rin siya. Sa tingin ko ay dahil nga iyon sa sobrang saya nya sa piling ko.

Hayaan nyong i-share ko sa inyo ang aming larawan....






Sa larawan pa lang na iyan eh makikita na ang saya niya sa piling ko.

Wednesday, October 05, 2005

Dubai

Hindi ko maintindihan kung bakit ang nauuso naman ngayon na title ng mga pinoy movies eh pangalan ng mga lugar. Kailan lang eh pinalabas yung Milan, ngayon eh Dubai naman. Ano kaya ng susunod? Saudi? London? Blumentritt? O baka naman Santolan? Pede din na MRT para marami ng sakop!

Nanonood din naman ako ng mga pinoy movies in fairness. Pero ewan ko kung bakit pakiramdam ko eh wala akong bagong istorya na mapapanood sa Dubai. Kaya hindi din ako excited na panoorin siya.*

Anyway, since ang nauuso naman ngayon eh yung mga pelikula na kinuha ang title sa mga lugar, may mga naisip akong title ng movies na pedeng gamitin ng mga scriptwriters natin. Nilagyan ko na din ng konting buod ng istorya para hindi na sila mahirapang mag-isip.

ESPANYA

Ang istorya nito ay tungkol sa dalawang magsing-irog na nag-aaral sa UST. Naisip nilang mag-meet sa Espana kahit na signal No. 4 ang bagyo dahil namimiss na nila ang isa't-isa. Dahil nga malakas ang ulan, binaha sila at na-stranded. Ang ending na naiisip ko eh pareho silang nalunod.

MORAL LESSON: Hindi kayo bubuhayin ng baha sa Espana kahit gano pa kalalim ang pagtitinginan nyo sa isa't-isa.

TONDO

Love story din ito, pero with a twist. Ang lalake ay isang talamak na holdaper, at ang babae naman eh isang sikat na mandurukot sa recto. Gusto na sana nilang magpakasal pero, dahil pareho silang mahirap, wala silang pera. Dito nila naisipang magtayo ng sindikato at magbenta ng rugby sa mga batang kalye. Ang ending naman na naiisip ko eh na-adik ang anak nila sa rugby at isang gabi, habang tulog ang mag-asawa, ay nag-trip. Pag-gising ng mag-asawa eh pareho na silang nakadikit.

MORAL LESSON: Hindi magandang maging adik sa rugby.

AFRICA
Adventure naman ito. Pero may love story pa din kasi tungkol sa mag-jowa ulit. This time, naisipan nilang mag-honeymoon sa africa, kahit hindi pa sila kasal. Eh dun pala sa pinuntahan nilang tribo sa africa eh bawal yung ganun. Kaya ang ending eh kinain sila pareho.

MORAL LESSON: Hindi mabuting kaibigan ang mga cannibal.

Dami ko naiisip pero yan na lang muna. Mukhang nhahalata na ko sito sa office eh.

*Pero malamang eh mapanood ko rin.

Monday, October 03, 2005

When God closes a door, I think He opens everything else in the house

May trabaho na ako!!!

Opisyal ko ng masasabi na kabilang na ulit ako sa pagkompyut ng GNP, at hindi na din ako ini-enterbyu ng NSO kapag kinukuha nila ang statistics ng unemployment rate dito sa bansa. At higit sa lahat, kaninang umaga ay tinawag ulit akong "anak" ni mama.

Ano ba talaga ang trabaho ko? Tutal ay wala namang naniniwala, sige aaminin ko na na hindi ako artista. Well, dati akong sikat na child star. Pero kailan lamang ay natuklasan ko na, kahit ano pala ang gawin ko, hindi na pedeng tawaging child ang 26 years old.

Maganda ang takbo ng trabaho ko dito sa opisina. Ito naman tlaga ang gusto ko eh, yung general practice. Dun kasi sa huli kong trabaho, puro na lang tax...puro na lang tax. Eh para sa isang katulad ko na ubod ng husay sa math, medyo mahirap yun. Kahit na hindi naman talaga puro math ang tax practice, siyempre hindi mo naman maiiwasan na minsan ay tatanungin ka kung ano ang ratio nito, o ano ang percentage nito? Tuwing may tanong na kasi na ganun, ang ginagawa ko na lang ay nagkukunwari akong may epilepsy na biglang inatake. Noong una eh lumulusot naman ako. Pero nung katagalan eh sa tingin ko nahalata na nila ko.

Ngayon eh masaya ako sa work ko. Although madaming deadlines na kailangang ma-meet, ok lang. In fairness kasi eh ok naman ang working environment dito. Dalawa lang naman kasi ang partners nitong firm na pinapasukan ko - isang lalake at isang babae. Sobrang bait ng mga boss ko. At napakapogi pa nung isang partner ng firm. Siyempre ang tinutukoy ko eh yung lalake.

OO! Aaminin ko na medyo nababading ako sa kanya kasi nga napakapogi nya. As in ano sinabi ng mg artista dyan! Bukod sa wala n ciang kasing-pogi, ang partner ng firm na pinagtratrabahuhan ko ay walang kasing galing. Grabe talaga and all. Gusto ko ciang halikan tuwing makikita ko siya.

Eto nga pala ang picture ng pangalan ng firm kung saan ako connected ngayon....

Kung mapapansin nyo sa picture na yan ay may parang aparisyon na makikita sa baba. Yun bang parang kulay puti na nde ko maintindihan kung ano. Gusto ko ngang ipadala sa "Nginig" o di naman kaya ay sa isang sikat na esperitista. Gusto ko kasing malaman kung meron bang isang ligaw na kaluluwa dito sa opisina na hindi matahimik. Sabi ng mga kasamahan ko eh Glade Air Freshener lang namn daw yan kaya walang dapat ikatakot. Pero miski na....kinikilabutan pa din ako.

LIBANGAN

Samahan mo akong mangarap
Na mahaplos ang abot-tanaw na bituin
At mayapos ng mahigpit na mahigpit
Ang nagdadaan at nagtatagong hangin
Ikaw ang libangan ng hapo kong isip

Tumakbo tayo ng walang pangamba
Sabay nating putulin ang tali ng pag-iisa
Kung kinakailangan, tayo ay gumapang
Upang muling makabalik sa paraiso ng saya
Ikaw ang libangan ng nakapikit kong kaluluwa

Lumayo tayo sa ideya ng pangungulila
Lalo pa’t kakambal niya ang pagkabalisa
Sa halip lakbayin natin ang landas na tiyak
Patibukin nating sabay, ang puso ng payapa
Ikaw ang libangan ng nangungusap kong puso

Ikaw ang libangan ko
Ikaw lang…