Wednesday, October 26, 2005

Ang Sagot

Dear Cid,

Kakabasa ko lang ng sulat mo sa akin. Pasensya ka na at ngayon lang ako nakasagot. Sa totoo, napakarami ko kasing natatanggap na ganung sulat galing sa iba't ibang tao. Napakaraming katulad mo lalo na dito sa Pilipinas. Kaya sana ay maintindihan mo kung bakit ngayon lang ako nakasagot.

Una sa lahat, bakit kung ano-ano ang pinagsasasabi mo sa sulat na yun? Siguro naman ay nalalaman mo na karamihan sa mga sinabi mo doon ay hindi totoo?! Pasensya ka na kung sabihin ko sa iyo ito pero isa kang sinungaling!

Ilang buwan na ang nakakaraan simula ng sinulat mo yun. Pero isa lang ang tanong ko, at ang gusto ko sana at sagutin mo ito ng nakatingin sa aking mga mata* - ano ang nangyari? May ginawa ka ba na bago? O tinupad mo ba yung mga sinabi mo sa sulat na yun? HINDI!!!

Sa halip, aba eh mas naging mahilig ka pa sa akin, lalo na nitong mga nakaraang araw?! Tapos ang lakas ng loob mo kung magsalita ka na iwasan mo na ko. Aba eh kagabi lang, alas-onse na nang gabi - por dyos por santos - pero hinanap mo pa rin ako! Iba ka!

Ang sa aking lang eh itigil mo na ang pagpapanggap na kesyo ikaw eh nagdyedyeta o umiiwas na sa akin. Kasi umaasa lang ako eh. Naniwala ako sayo nung una pero bigla na lang akong nagulantang ng, isang madaling araw eh bigla mo kong ginambala habang tahimik akong umiidlip sa loob ng rice cooker! Hindi tama yun! Labag yun sa karapatan kong pangbigas! At ilang beses mo pa ko inabuso Cid. Hindi ko na babanggitin lahat dahil hindi ako ganong uri ng nilalang. Hindi katulad mo!

Masama ang loob ko sa'yo. Siguro naman eh napapansin mo dahil sa tono ng aking pagsusulat. Kasi, kung yung iba eh giniganahan lang kumain kapag nandun ang paborito nilang ulam, o di naman kaya eh ginaganahan sila pag may sabaw sila at sawsawan, IKAW EH GINAGANAHANG KUMAIN BASTA MAY PAGKAIN!!! At kung ubusin mo ko eh feeling mo meron kang sariling palayan!

Ititigil ko na ang sulat na ito. Masyado na kong nagiging emotional. Masama pa naman daw sa akin yun sabi ng duktor ko. Hanggang dito na lamang at sana ay magpakatotoo ka na.

Nagmamahal,

Kanin

*Teka lang, nakalimutan ko na wala nga pala akong mata. Kaya sagutin mo na lang yung tanong habang nakatitig ka sa aking mga butil.

Monday, October 24, 2005

Goodbye Blog

They say that “one” is the loneliest number. If “one” is the loneliest number, I think “goodbye” is the loneliest word.

I never really learned how to properly say the word goodbye. Considering that it is only a two syllable word, and although I can pronounce it correctly, I never learned how to mean it.

When you say goodbye, it means you have to leave. You have to let go of so many things. But in my case, there are a lot of things that I hold on to. And that is where my problem lies. Well, at least that’s what I think.

Much of the sadness that I’m feeling right now can be attributed to my inability to give-up on certain things in my life. Although “not giving up” may sometimes be considered as a good characteristic, it is not so when it comes to dealing with things that are irrefragably out of reach. Though I am possessed with the ability to discern between those which I can do, and those things which I can’t, I still have to work on the skill of accepting the things that I have done, but have nevertheless lost. It’s a skill that we all have to learn because losing something is an unavoidable fact of life.

I keep remembering things and thoughts that I have so desperately tried to forget. But the more I try to forget, the more I remember. It’s futile. Really, it is. It’s like trying to breathe underwater. You inhale thinking that doing so would relax you. But as soon as you do, you realize that holding your breathe is far better than trying to breathe-in water. I don’t know if that makes any sense at all. But at least to me it does.

Everybody has to say goodbye. That may not be an acceptable proposition for others but that is the truth. No matter how much we love someone, no matter how much we care for somebody, there will come a time when we have to bear the burden of separation; we will have to suffer the hurt caused by letting go.

I have come to realize that paths will not always cross the way we want them to. The road you choose will not always lead you to your destination. And that circumstances will not always occur the way we want it to.

I think I know why I’m finding hard it hard to say goodbye. I think it is because when you say goodbye to a person, what actually happens, what you actually do, is you bid farewell to the individual – that’s all. You don’t bid farewell to the memories. You don’t bid farewell to those feelings that you have come to associate with him or her. Bidding farewell to those things is, to put it bluntly, almost next to impossible. To that precise extent, I agree that there really are no goodbyes, only see you later ons.

“Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon…
Mula ngayon….
Magpapaalam na sa’yo ang aking kuwarto”
Kuwarto by sugarfree

Thursday, October 20, 2005

Programmer

Ang bagong kinababaliwan ko ngayon eh yung programming. Kapag walang ginagawa, na ngayon eh bihirang mangyari, sinusubukan kong magbasa ng mga programming guides chuva. Hindi ko alam kung bakit pero naaaliw ako sa mga pede mong gawin as website mo, o kahit dito lang sa blog, kung marunong ka lang ng html, java, atbp.

Ang dami ko kasing naiisip na mga design at iba pang kaek-ekan eh. Kaso mahirap yata talaga lalo na sa isang katulad ko na wordstar lang ang at lotus 123 ang kabisado. Kaya nga binabalak kong mag-aral sa MAPUA ng kahit basic programming . Nde para kumita kundi para may mapagtripan lang. O kaya ay may offer ako....

Kung sino man diyan ang willing na turuan ako ng programming, tuturuan ko naman siya nga batas. O ha! San k pa?!

Speaking of programming, ang mga babae ba ay pedeng i-program? Syete! Kung meron lang programming language na kakayanin ang powers ng mga babae, matagal ko nang pinag-aralan. Pakiramdam ko kasi, merong akong nde maintindihan sa current set-up ng program nila. Halimbawa....

1. Bakit ba napakatagal nila sa CR? Nde ko maintindihan kung ano ang ginagawa nila sa loob ng banyo at kailangan eh isang oras mahigit sila nandun. Pag natyempo ka pa na may kasama siyang kaibigan sa loob ng CR, kahit manood ka muna ng sine eh pede. Ano bang orasyon ang ginagawa nila sa loob?

2. Ano ang meron sa sapatos at na-oobsess sila dun. Pantakip lang nman yun sa paa at pangsuporta sa paglakad. Yun lang naman ang purpose ng sapatos eh. Pero bakit sa babae eh parang nagiging isang uri ng "anito" ang mga sapatos. At pag may sale...nakupo!

3. Bakit lahat ng kakilala kong babae, kahit gaano na kapayat oh ka-sexy, eh nagsasabi na she's on a diet? Pero pag kumain naman eh hindi mo mahahalata na umiiwas sila sa pagkain.

Ilan lang yan sa mga katanungan na gumugulantang sa aking isip ngayon. Marami pang iba pero tsaka na..


Justify Full

Wednesday, October 19, 2005

How to pass an interview (Tip No. 2)

Sa di malamang kadahilanan eh hindi ako nakakareceive ng mga text messages ngayong araw na ito. Tumawag nga ako sa smart at galit na pinagsisigawan ang customer service representative na nakausap ko. Nabuwisit kasi ako sa sagot nya na wala naman daw problema ang network nila. At akalain mo ba namang sabihan ako na kapag low batt daw ang cell eh hindi talaga ako makakatanggap ng mga messages. Para bang sa tono ng pananalita nya eh ako ang mali! Porke ba naka-off ang cell ko dahil drained na ang baterya eh nde na ko dapat maka-receive ng text?! Nagbabayad naman ako ah?! Parang ang lumalabas eh mali ako samantalang perpekto nga ako!

Anyway...

Balik ulit ako sa topic ko na nasa title ng blog na ito. Last time eh na-discuss ko na ang tamang pananamit kapag may interview ang isang applicant. Ngayon naman eh magbibigay ako ng tips kung paano sumagot sa pinaka-interview na. Napakahalaga ng parteng ito dahil ito ang mag-dedetermine kung ikaw ba ay matalino o nde. Ang mga sagot mo ang siyang magiging daan para makumbinsi mo ang prospective employer na kuhanin ka.

Ang mga tips dito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang specific tips. At ang general tips.

GENERAL TIPS:

1. Kapag nde mo alam ang sagot, magpanggap kang kinukumbulsyon. In this way, pede ma-resked ang interview sau. Meron kang time pa para makapaghanda pag nagkatao.

2. Lagi mong sasabihin na graduate ka ng Harvard kaso nga lang eh nawala ang diploma mo. I doubt kung i-confirm pa nila yun.

3. Wag mong papahalat sa nag-iinterview na bobo siya. Hngga't maari eh mag-act ka na kulang-kulang para nde mo maapakan ang ego ng interviewer.

SPECIFIC TIPS:

*Sample questions with corresponding intelligent answers.

1. Q. Why did you choose this company?

A. I did not choose your company. You chose me. You set the date for this interview remember?

2. Q. Why should we hire you?

A. Because I am the best. Everybody else are morons-in-suits. Also, if you hire me, you will automatically become more intelligent. You just have to stick your head near mine and you'll increase your IQ through the process called osmosis.

3. Q. Tell me something about yourself.

A. I dont want to. You cant force me.

4. Q. Use one word to desribe yourself.

A. Let me make that three - Better than you. But if you insist - Humble

5. Q. How much do you expect to earn here?

A. I am expecting a reasonable compensation. By that I mean that the pay should correspond to my worth as an employee. I think 1 million a day would not be bad.


OOPPppsss....time to work....

Tuesday, October 18, 2005

Entry

Nakikinig ako ng alanis morissette ngayon. Walang espesyal na dahilan kung bakit sinabi ko yun. Sinabi ko lang kasi yun naman talaga yung totoo. Kung sinabi ko na nakikinig ako ng Aegis, kasinungalingan na yun. Eh ako pa naman eh nde nagsisinungaling. Kaya nga hindi na tumangos ang ilong ko eh. Bigla ko tuloy naisip, kung buhay kaya si pinocchio ngayon, maayos kaya ni Dra. Belo ilong nya?

OK...tama na ang walang saysay na salaysay ko.

Kaninang umaga eh meron akong pandinig (hearing) sa Manila. Meron na naman akong na-realized - mali talaga na problemahin ang isang problema na hindi naman siguradong mangyayari. Sayang lang ang sobrang isip ko kagabi. Kung alam ko lang na chuva lang pala yung mangyayari eh di sana nagdisco na lang ako sa Mars o kaya eh sa Ozone. Kung alin man sa kanila ang bukas pa.

Meron kasi akong nakalimutan na i-submit. Nde yung application ko sa Starstruck Forgotten Generation ang tinutukoy ko. Basta meron akong nde nagawa. Kaya buong gabi eh namumrublema ako kung ano ang gagawin ko para makakalusot. Ako ay napatanga dahil na-realize ko na ang isang perpekto at imortal na kagaya ko ay nagkakamali din pala. Kaninang umaga eh naghahanda na kong masigawan ng judge (nde yung bubble gum). Isa lang ang masasabi ko - nadaan ko sa dasal.

Naayos naman.

Pagtapos ng pandinig ko eh dumaan kami sa SM MLA. Syete! NAtuklasan ko na naman kung gaano ko katanga pagdating sa tamang pagpili ng damit. Buti na lang at ang mga kasama ko eh may fashion sense. Tinuturuan nila ko ng mga tamang bibilhin para isuot.

Ako kasi eh WALANG FASHION SENSE AS IN!!! Common Sense meron konti pero yun lang. Kung bakit naman kasi nauso pa yang damit na yan! Bakit nde na lang tayo magsama-sama ng walang malisya sa katawan?

Sila Adan may kasalanan nito eh. Kung nde nila kinain yung mansanas eh di sana hindi na kinailangan pang matuto ng tamang pagpapares ng kung ano-anong damit...

Freeze muna....

Thursday, October 13, 2005

Pinocchio

8:51 pm na.

Sa maniwala kayo sa hindi eh nandito pa rin ako sa opisina. Meron akong kailangang tapusin na nde ko matapos-tapos. Hindi ko naman ito pedeng iwan dahil baka ang buhay ko naman ang matapos.

Anyway, pahinga muna.

Kanina eh nagpunta ko sa makati square. May hinahanap kasi kame na software para sa opisina. At dahil labis-labis ang pag-galang namin sa intellectual property code, naisipan naming dun na lang bumili sa mga muslim dun. Ang sabi kasi sa amin eh original daw ang mga softwares dun.

Nung nakabili na kami ng original na cd na worth P90.oo, bumaba kami para naman tumingin ng mga DVD. Balak kasi ng kasama ko na bumili ng isang buong set ng Boston Legal (original din ciempre). At habang nagtitingin-tingin ako dun, di ko naiwasan na mapansin yugn isang mama na lumilibot din.

Una nyang hinanap eh yung "Lawrence of Arabia" daw. Sabi nung tindera meron daw sila. Tapos sunod naman eh "Under Siege Part I" daw. At meron pa din daw sabi ng tindera. Tapos..sabi nya, and i quote, "eh Triple X meron kayo?" Nung sinabi ng tindera na meron, saka niya tiningnan lahat.

Natatawa ko sa kanya kasi ang dami nya pang intro. Ang dami nya pang hinahanap eh lam na naman pala nya bibilhin nya!

Anyway, ako kasi eh buong buhay ko hindi pa ko nakakapanood ng mga ganyang kalaswaan...

Hindi talaga! Mamatay na!!!

AARRGGHHHH........

Short Story

Ito ang kauna-unahang short story na ginawa ko. Matagal ko na itong ginawa. Hindi na ito nasundan dahil, sa kasamaang palad, nde naging supportive ang mga kakilala ko. Lahat halos ng pamilya ko, pati mga kaibigan na din, matapos basahin ang istoryang ito, palagi na lang sinasabi na bitin daw. Kulang daw ang istorya. Kesyo nde raw sapat ang plot. Masakit yun para sa isang aspiring writer na kagaya ko. Lalo pa at pinaghirapan ko ito ng sobra. Todo ang effort ko ditto kaya masakit marinig na bitin daw itong istoryang ito. Sana dito sa blog eh merong maka-appreciate……

Palingon-lingon ako sa labas ng bintana ng opisina. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nararanmdaman ko na ilang saglit na lang ay babagsak na ang ulan. Pero kahit anong paghihintay ang gawin ko, hindi kakausapin ng patak ng ulan ang lupa ngayon. Masyadong mataas ang araw. Kulang sa tubig ang mga ulap.

Kanina pa ko nakatitig sa sulat na iyon. Sa sulat na dinala daw sa harap ng aking opisina kanin pang umaga. Pero dahil hindi na ko nakabalik kagabi pagktapos ng hearing ko sa laguna, ngayon ko lang nabuksan at nabasa ang sulat. Maingay sa plaigid ko ngayon, pero wala akong naririninig. Bihira lang dumating ang ganitong pagkakataon. Bihira lang na wala akong nakikita. Hindi ako nakapikit, pero madilim.

“Joel!”

Kung hindi ko pa narinig ang tawag na yun ni Mang Lando, mananatili siguro akong nakatunganga sa harap ng sulat na yun. Siguro ay walang kimi akong mapapaluha sa harap ng opisina.

“Joel, yan ba yung sa kaso natin sa Laguna?”

Kung ordinaryong araw ito, baka nainis ako kay Mang Lando. Ayoko kasi tlagang pinapakikialaman o inuusisa ako. Sa linya kasi ng trabaho ko, mas makabubuti kong mag-isa lang.

Pero hindi ordinaryong araw ngayon. At lalong hindi ordinaryong sulat ang natanggap ko. Kaya naging tagagising ko ang boses ni Mang Lando. Ito ang nagbalik sa totoong mundo. Tinantanong nya ko kung bakit ako tulala. Tinatanong nya ko kung gusto maayos lang daw ba ako.

Gusto kong sabihing hindi. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Napakarami kong salita na maaaring gamitin para sagutin ang mga tanong nya. Pero walang lumabas sa bibig ko. Tumango na lang ako at ngumiti. Kung kilalang-kilala siguro ako ni Mang Lando, nakita nya siguro yung pait ng ngiti ko na yun.

Kailangan ko munang umalis, sabi ko sa sarili ko. Kailangan kong magpahinga at hagilapin ang hangin sa labas ng aking opisina. Nagpaalam ako ng maayos sa boss ko. Nagtaka siya dahil, ilang taon ng aking pagtratrabaho, bihira lang ako kung magpaalam na hindi tatapusin ang oras ko sa opisina.

THE END