Thursday, October 20, 2005

Programmer

Ang bagong kinababaliwan ko ngayon eh yung programming. Kapag walang ginagawa, na ngayon eh bihirang mangyari, sinusubukan kong magbasa ng mga programming guides chuva. Hindi ko alam kung bakit pero naaaliw ako sa mga pede mong gawin as website mo, o kahit dito lang sa blog, kung marunong ka lang ng html, java, atbp.

Ang dami ko kasing naiisip na mga design at iba pang kaek-ekan eh. Kaso mahirap yata talaga lalo na sa isang katulad ko na wordstar lang ang at lotus 123 ang kabisado. Kaya nga binabalak kong mag-aral sa MAPUA ng kahit basic programming . Nde para kumita kundi para may mapagtripan lang. O kaya ay may offer ako....

Kung sino man diyan ang willing na turuan ako ng programming, tuturuan ko naman siya nga batas. O ha! San k pa?!

Speaking of programming, ang mga babae ba ay pedeng i-program? Syete! Kung meron lang programming language na kakayanin ang powers ng mga babae, matagal ko nang pinag-aralan. Pakiramdam ko kasi, merong akong nde maintindihan sa current set-up ng program nila. Halimbawa....

1. Bakit ba napakatagal nila sa CR? Nde ko maintindihan kung ano ang ginagawa nila sa loob ng banyo at kailangan eh isang oras mahigit sila nandun. Pag natyempo ka pa na may kasama siyang kaibigan sa loob ng CR, kahit manood ka muna ng sine eh pede. Ano bang orasyon ang ginagawa nila sa loob?

2. Ano ang meron sa sapatos at na-oobsess sila dun. Pantakip lang nman yun sa paa at pangsuporta sa paglakad. Yun lang naman ang purpose ng sapatos eh. Pero bakit sa babae eh parang nagiging isang uri ng "anito" ang mga sapatos. At pag may sale...nakupo!

3. Bakit lahat ng kakilala kong babae, kahit gaano na kapayat oh ka-sexy, eh nagsasabi na she's on a diet? Pero pag kumain naman eh hindi mo mahahalata na umiiwas sila sa pagkain.

Ilan lang yan sa mga katanungan na gumugulantang sa aking isip ngayon. Marami pang iba pero tsaka na..


Justify Full

4 comments:

Anonymous said...

Ewan ko ba naman parang ang mga babae eh talagang mahiwaga para sau, sa palagay mo ba kaya nga ginawa ang lalake at babae na mag-kaiba ay para maging magkatulad? Kitams pati tuloy ako, nahihiwagaan na. Basta kailangan yun.:P

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

Bakit ikaw ba eh nde mahiwaga?

Anonymous said...

Bakit ikaw ba eh nde mahiwaga?