Monday, April 25, 2005

The Useless Love Letter (Part One)

dear nde mo alam kung sino ka,

sa relo ng computer eh 3:30 am na. sa wall clock nman nmin eh 3:15 am p lng. nde ko lam kung alin sa knila ang tma. pero isa lng ang alam kong tama ngayon...tmang senti ako.

syete, maraming nagtatanong kung bkit nde nabibili ang pag-ibig. pwes alam ko kung bkit. matalino kasi ang Diyos. alam nya na kung nbibili ito, wala rin akong pambili. pero alam mo, P120 lng pera ko sa bulsa. at hnda akong ubusin yun lhat kung magbabago pagtingin mo sa kin. pero useless eh. kya pamamasahe ko na lang ito bukas. at least may mararating pa ko.

nde ko alam kung ito ay tama lng ng sobrang pagpupuyat, pero knina pa kita iniisip. actually, antgal ka ng naglalaro sa utak ko. problema lang eh nde ko alam ang rules sa larong ito. kya tuliro ako. andami ko gusto sbihin na nde ko masabi; gawin na nde ko magawa. minsan tlaga may disadvantage din ang pagiging duwag. kung pnong mahina ako sa math eh ganun din ang hina ng loob ko ngayon..lalo na pagdating sa iyo.

ganitong-ganito ang pakiramdaman ko nuon nung nag-aaral pa lang ako mag-sintas ng sapatos - litong-lito. ang dali kasi tingnan kapag iba ang gumagawa. suot mo lng sa isang butas, sa pangalawa, so on and so forth. pero nung ako na yung gumawa. syete! anghirap! ganun din sa'yo. ang daling tingnan ng iba na magsabi ng nararamdaman nila. pero pag ako na, parang nung una kong beses magsintas, kung saan2ng butas ko napapasok ung sintas.

wla akong sense no? tama ka dyan. senseless ako ngayon. ultimo sense of humor ko e malfunctioning. basta ang alam ko lng...mahal kita.mahal kita? parang ang bigat gamitin ng salitang yun eh. pro wala na kong ibang salita na maisip. para sa akin nga, mababaw pa yun. mas malalim siguro tong nararamdaman ko. mas malalim pa sa baha sa espana pag bagyo.

lagi kitang tinitingnan pro nde ako nagpapahalata. wala akong ready answer kung bkit. basta narere2lax ako pag nndyan ka. bihra lng tyo magkita..minsan nga nde pa. pero kada isang segundo nun kinakahon ko. tpos dinadala ko. pag depress ako, buksan ko lng yung khon, ayos na.nde mo ako paniniwalaan alam ko. cguro imposibleng pniwalaan mo na mag-seseryoso ang isang payaso. walang pinagkaiba pag naisipan ni "bobo the clown" na mag-ballet. puno't dulo, pagtatawanan pa rin. sawa na ko pagtawanin eh.

pero alam mo, ikaw lng nagpapahinto sa magulong ikot ng mundo ko. tawa mo lng ang nakakabura sa lhat ng stress ko sa buhay. siguro kung nakikita mo ang sarili mo sa paraan kung pano kita nakikita, nde ka magtataka kung bkit gnito ko ngayon sa'yo.

pag-ibig ko wlang utak! walang utak kasi nde na ko nag-iisip. bihira lang kasi yun. ako yung tipo na tamang analyze plagi. pero nde na pagdating sa'yo. walang puwang ang logic sa akin pag ikaw na ang pinag-uusapan. basta ang alam ko, mahal kita. at alam ko na hindi mo alam yun. at malamng eh hindi mo na malalaman. tma na napapasaya mo ko. tama na nga yun siguro.

knina lang pinakikinggan ko yung kantang himala. natatawa ako. ganun n ganun ang kailangan ko ngayon. pero mukhang malabo. mas malabo pa sa balat ng uling na sunog.salamat ha. salamat at nandiyan ka. sana lagi kng maging masaya. pnalangin ko yun...parati.
nabubuwang,

cidie the pathetic bozo

p.s. malamang eh hindi mo ito babasahin. at kung basahin mo man, malamang hindi mo alam na tungkol sayo to. maraming malamang sa buhay ko ngayon. isa na dun eh malamang n hindi mo ko gusto

2 comments:

Anonymous said...

sino sya?

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

secret.....