Wednesday, December 07, 2005

Senescence

Dati, ang tingin ko talaga eh hindi ako tumatanda. Kung tumatanda man ako, feeling ko eh hindi yata nakakasabay ang utak ko sa katawan ko. Kasi, noong 22 yrs. old pa lang ako, nagdesisyon na ako na hindi na lalagpas pa dun ang edad ko. Sabi ko noon, hanggang 22 na lang talaga ako. Pag lumagpas pa dun, hindi ko na aaminin.

Hindi naman ako takot tumanda. Kaso, ayoko lang tlaga nung mga rules na nilalagay ng kultura kapag hindi ka na bata. Ayokong bigyan ng limitasyon ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi, pag tumanda ka, nadadagdagan ka lang ng responsibilidad. Pero hindi naman ibig sabihin eh madami ka ng hindi pedeng gawin.

"Nahihirapan akong ipaliwanag kung ano ang gusto kong palabasin sa post na ito."

Anyway, nitong mga huling araw eh medyo unti-unti ko na yatang natatanggap na tumatanda na ako. Ewan ko lang pero may mga senyales akong naobserbahan eh. At ito ang ilang halimbawa ng mga senyales na yun:

1. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi talaga ako nag-eenjoy na panoorin ang Barney.

2. Sa department store, hindi ko nararamdaman ang matinding pangangailangan na magpunta sa toy store.

3. Hindi na ko naniniwala sa wrestling.

4. Hindi na ko sinasabihan ni Papa na "Bawal kang lumabas!!!"

5. Naging ugali ko na ang paliligo at pagsisipilyo na dati kong kinamumuhian.

6. Walang epekto sa araw ko kung hindi man ako nakapanood ng cartoons.

7. Hindi na ko takot sa bumbay at sa pulis.

9. Natuklasan ko na bihasa na ko sa pagsisintas ng sapatos.

The way things are going, mukhang hindi ko yata mapapanindigan na hanggang 22 lang ako. Well, kung magsuicide ako ngayon, hanggang 26 na lang ako. Hmmmm.....parang magandang ideya ah!?!

Kaso ayoko.

2 comments:

Anonymous said...

Tama ka dun, actually ang itsura mo lang ang tumatanda, pero kung iisipin mo at isasapuso mo na nde ka tumatanda eh, for sure nde mo talaga mapapansin. Ang tanong, bakit nga ba tayo takot sa pulis at bumbay?

Anonymous said...

we can nver really stop the time..but we can always act like we're still young! (at heart) heheh


pObs
http://pobs.blogdrive.com