Thursday, March 30, 2006

Headlines

Hindi na kami nagpapadeliver ng dyaryo ngayon dito sa office. Sayang naman kasi dahil walang nagbabasa. Ang binabasa ko lang naman sa dyaryo eh yung comics section. Tapos ang tinitingnan lang naman ng kasama ko sito eh yung crossword section.

Wala na talaga kong hilig na magbasa ng dyaryo ngayon. Hindi katulad dati na tuwing umawa eh yung agad ang hanap ko. Nakakabuwisit lang kasi pag nababasa mo ang mga balita na pare-pareho lang naman. Walang bagong nangyayari. Ang masama pa dun, nakaka-depress lang ang mga mababasa mo - lalo pa pag ang topic eh tungkol dito sa Pilipinas. Hindi naman sa wala akong pakialam sa Pilipinas pero, kung yun at yun lang din ang mababasa ko, mas gusto ko pang malaman ang mga pangyayari dito, gamit ang sarili kong opinyon. Kumbaga eh gamit ang sarili kong interpretasyon.

Pero hindi naman ibig sabihin na hindi na ko bibili ng dyaryo kahit kailan. Panata ko sa sarili ko, pag may nabasa na ko na kakaibang headline, magsisimula na ko ulit magbasa. Halimbawa ng mga kakaibang headlines na hinihintay ko ay:

1. "Lion Heart ng Carebears, involved sa the Coup Plot" - Sec. Gonzales

2. Isda, nalunod.

3. Santa Claus admits that his gay in PBB Christmas Edition.

4. Malabon, hindi na binabaha!

5. Mga Kongresman at Senador, sabay-sabay na nagpakamatay.

6. Kiera Knighltey, nagpakasal sa isang Pinoy (Cid Andeza)!

7. Kris Aquino, isa ng pipi.

8. Friendster Testimonial in favor of Cid, mandatory under the new law.

9. Philippines, world's NEW superpower.

10. Cid, world's sexiest man according to People.

7 comments:

Anonymous said...

ok you've maid your point...ayaw mo na talagang magbasa ng dyaryo, ever! (har, har, har)

Anonymous said...

haha..tama ka...kakasawa na kse news sa tv eh...if it were up to me...papa-diskonek ko na ung news channel...

i lik your healines
*wishful thinking*

i USED to like kiera knightly..
kaso lang uber-thin na sya ngayon eh..saka lalong umarte..well...kaya nga actress..but you get my drift...

Anonymous said...

yaiks, mali ang sinabi ko...i mean you've "made" your point :)

Anonymous said...

Mga Kongresman at Senador, sabay-sabay na nagpakamatay.

Kris Aquino, isa ng pipi

magdidiwang ang lahat kapag nabasa ang mga headlines na to! ayus!

Anonymous said...

Uy! Sobrang sikat mo na ah?

Anonymous said...

hmmm. pwedeng maging posible ang lahat ng un... maliban sa #6 & 10. :-)

Anonymous said...

hmmmm. posible naman ang lahat ng un... maliban sa #^ & 10. :-)