Napakahaba ng bakasyon noong semana santa. Wednesday pa lang eh wala na kaming pasok. At kagaya ng iba pang ngayon lang ulit makakaranas ng mahabang pahinga, siyempre super excited ako. Napakarami naming plano ng mga kaibigan ko kung saan pupunta at magbabakasyon. Puno nga ang schedule ko para sa semana santa....
Thurs to Friday - Batanggas
Friday to Sunday - Baguio at Sagada
Ang saya talaga! Swimming sa Batanggas tapos eh palamig ng konti sa Baguio at Sagada. San ka pa?! Kaya wednesday pa lang eh preparado na ko. Nagpaalam na rin ako sa bahay para kako hindi na nila ko hanapin.
Pero dahil meron tlagang mga pangyayari na hindi mo aasahan, nagkaroon kami ng change of plans. Ang nangyari tuloy eh nabago ang schedule ko. Ang nangyari eh....
Thurs to Friday - Bahay
Friday to Sunday - Bahay (Noong Sunday eh office)
Habang naglilibot sa Pinas ang mga bakasyonista. Ako naman eh naglilibot sa bahay namin. Kahit anong libot ko, wala talaga akong makitang swimming pool sa amin kaya nde ako nakapag-swimming. Hindi din ako nakapagpalamig dahil wala naman kaming aircon. Suma tutal, ang nangyari sa aking "bakasyon" ay - wala.
Wala akong ginawa kundi manood ng DVD at maglaro sa PC. Ilang ulit ko pinanood ang Batman Begins, Sassy Girl, Windstruck, at saka Spiderman. Sobrang kabisado ko na nga yata ang mga pelikulang yun sa sobrang ulit ko. Napagpalit ko na nga sila - Spiderman Begins, Sassy Struck, saka Windgirl. Iba talaga ang nadudulot ng sobrang pagkabagot.
Hay....sayang na bakasyon.

3 comments:
Grabe, bakit anong nangyari sa sked mo? Buti na lang ako nde gumawa ng sked kaya kahit nasa bahay lang ako eh nde naman ako nagsisi kaya nga lang tumaba na naman ako.
sayang naman hindi ka nakatuloy sa sagada. marami ring ibang taong sa bahay din lang nagbakasyon, at naligo nalang sa sariling pawis.
kung hindi kalabisan, maaari bang i-share mo kung ano'ng nangyari? hmmm...curious. just curious.
Post a Comment