Kasama ang post na ito, 150 na lahat-lahat ang nasusulat ko sa blog na ito. Kanina binalikan ko yung mga sinulat kong iba. Nakakatuwang malaman na kung ano-ano lang pala talaga ang pinagsusulat ko dito. May mga seryoso din naman, pero karamihan ata eh mga naiisip kong kagaguhan pag wala akong magawa.
Hindi ko alam kung ilan talaga ang nagbabasa nito. Pero nakakataba ng puso pag naririnig ko iyong ibang tao na nagsasabi na natatawa daw sila sa ibang sinusulat ko. Minsan nga, nagugulat ako kasi yung mga taong hindi ko iisiping magbabasa dito, eh yun pa pala ang nagtitiyagang sumilip sa mga iniisip ko. Masaya ang pakiramdam pag nalaman mong nakakapagpasaya ka kahit papano. Isa kasi sa mga natutunan ko sa buhay eh hindi ganoon kadaling makapagpasaya ng iba. Kung tutuusin, mas madaling makasakit.
Pero ngayon yata eh hindi na kaya ng isip ko na makapagpasaya. Dati kaya ko, kasi masaya din ako. Ngayon, medyo nabalutan ng agiw yung buhay ko. Kailangan kong maglinis. Kailangan kong mag-ayos ng mga bagay na magulo. Higit sa lahat, kailangan kong hanapin ulit yung tao na nagsusulat dito. Pakiramdam ko kasi, parang wala na siya. Masyado atang madilim ngayon kaya parang hirap akong makita siya.
Hirap akong makakita ng dahilan para tumawa ngayon. Hindi na ganoon kadaling ibuka ang bibig para tumawa. Nakakalungkot isipin na, sa lahat ng tao, naubusan ako ngayon ng patawa. Ligaw akong naghahanap ngayon. Lito akong umiikot sa isang bilog na hindi ko mapasok-pasok.
Alam ko namang may katapusan lahat. Sa dinami-dami ng dinanas ko, alam kong hindi naman buong buhay mo eh tatabunan ka ng problema. Pero sa ngayon, kailangan ko lang talagang mag-isip. Kailangan kong abangan yung katapusan ng pinagdadaanan ko.
Hindi ko alam kung kailan ulit ako susulat dito. Siguro, kapag nahanap ko na kung ano man ang nawawala sa akin.
Sa lahat ng mga nagtiyagang magbasa dito - salamat.
Magkikita ulit tayo....sana.

7 comments:
Alam mo nakakalungkot ang desisyon mo na yan, sayang, nde lang ikaw ang nakakaramdam ng ganyan, dapat maging masaya ka kase mapalad ka nde lahat ng tao eh naging katulad mo, nde na ba mahalaga sau ang mga taong nag-mamahal sau, segurado sila lang malaking blessings na, hwag mong isipin na ang mga pinag-daanan mo eh walang magandang maidudulot sa pagkatao mo, maaring may mga bagay ka lang na nalimutan kaya ganun na lang ang kalungkutan mo, pero ang lahat ng mga yun eh maaari mo naman balikan, tama ka linisin mo ang mga ilang bagay bagay sa buhay mo pero hwag mong kalimutan na ang lahat eh may kabuluhan at higit sa lahat ang lahat ay biyaya galing s MayKapal.
congrats! 150 na pla ang ala kwentang post na nababasa ko, hehe joke, sa totoo lang, eto lang yung blog na binabasa ko, completo eh, me love story, comedy, action, drama..pro mas marami atang pang rated r.. as in ROCK!!!!
alam ko na nawawala sayo, yung bangka!!!! hehehe kulang ka lang sa pork chop at balat ng lechon..
seriously, goodluck and God bless!!! sana buhay pa blogsite mo pagkasilang ng mga apo mo...yan eh kung makakapag asawa ka, hehehe joke peace! Yngat!!!!
i dunno what to say... kahit naman nagchange ako ng blog address at i mo na ko nadadalaw, am still passing bye here... di ko din alam what is happening to you right now... basta ang alam ko is that, i know in my heart, though we hardly know each other, i can sense that you're a better person that what you think you are... go on and save yourself from the dark... then comeback... it will always be worth giving yourelf extra time... minsan ganyan talaga...
u know what...i've been there that's why i've come up with these philosopy... "what does kill you only makes you stronger and whatever you're into, someone else out there has been through worse." go on with the flow sbi nga nila... time heals...
Uy! Miss ka na namin! Gising!
tama s "anonymous" ( na parang c darryl ang sumulat).
cid, kung ano man yan, wag mong talikuran ang bata..kung nkabuntis k man, blessings un.(joke lang, hindi ko po alam pinagdadaanan ni tasyo)
mamimiss k nmin. balik k agad.bilis.bilis.bilis.
Pare (if i may call yout that)
My two cent's worth kasi 51 anyos na ako (more than half a century)... things will pass.
Huwag ka naman magmukmok. Avid reader at fan mo na ako. You are not the unluckiest person in the world. Consider the problems and plagues being suffered by the dying children and minorities in Africa. Snap out it! Please.
Our prayers are with you. Life goes on.
Post a Comment