Dear Barbie Almabis,
Sigurado ako na hindi mo mababasa ang sulat na ito. Hindi dahil sa hindi ka marunong magbasa, kundi dahil alam kong masyado kang busy sa iyong mga gigs. Wag kang mag-alala, hindi mo man mabasa ito, hindi naman ako magtatampo. Kasi hindi naman ako matampuhing tao.
Kaya ko naisipang sumulat sa iyo eh meron sana kong gusto itanong - gusto mo ba ko maging boyfriend? Wala lang. Baka kasi kako naghahanap ka ng boyfriend. Kesa ibang tao pa, ako na lang. Sigurado ka pa na hindi kita lolokohin.
Alam ko na marami kang manliligaw. May guwapo, may mayaman, at may mga macho din. Pero ngayon pa lang eh sinasabi ko na sa iyo na walang halaga ang mga bagay na iyan. Aanhin mo ang guwapo, mayaman, at macho? Eh hindi mo naman yan madadala sa hukay. Ako, pede mong dalhin kahit saan. Mag-volunteer pa ko na mauna sa iyo sa hukay kung gusto mo. Tsaka isa pa, ang kagwapuhan ay kumukupas - ang kapangitan ay hindi. Pag tumanda ang guwapo, pangit na siya. Ang pangit, kahit tumanda, pangit pa din. Saan ka pa?
Iniisip mo siguro - "Eh sino ka ba? Ni hindi nga kita kilala tapos gagawin kitang boyfriend?!?" Barbie, yun nga ang punto eh, gawin mo kong boyfriend para makilala mo ko. Tinitiyak ko sayo na isa kong mabuting tao. Malakas lang ako kumain pero hindi ako salbahe. Sa katunayan, huli kong pakikipag-away eh elementary pa ko. Maaaring nangungupit ako dati, pero parte lang yun ng normal na paglaki.
Ano ang maipagmamalaki ko sayo, para gawin mo kong boyfriend? Hayaan mong isa-isahin ko sayo:
1. Hindi ako adik.
2. Marunong ako gumawa ng eroplano at bangka gamit ang simpleng papel.
3. Hindi ako mayaman, pero yayaman din.
4. Best in penmanship ako nung Kinder.
5. Tsaka hindi nga ako adik.
Ilan lang yan sa mga katangian ko. Kung isusulat ko lahat, baka magsara ang google sa kakainin kong space. Kaya kung ako talaga ang gagawin mong boyfriend, wala ka nang mahihiling pa*.
Nga pala, marunong din akong mag-gitara. Kumakanta din ako. Hinihintay ko lang ang pagsikat ng banda namin. Alam ko namang paparating na yun. Kahit sampung taon ko ng hinihintay, malakas talaga ang kutob ko na sisikat na kami itong taong ito. Kaya bagay na bagay talaga tayo.
Kung sakali na makita mo ang lohika ng pagpili sa akin bilang iyong boyfriend, wag kang mag-atubili na sulatan ako agad. Pinapangako ko na papansinin kita.
Umaasa,
Cidie
*Bukod sa magpapayat akong konti.

2 comments:
Kelan mo pa natype-an si Barbie, eh akala ko ba ang mga type mo eh ala Kristine Hermosa? Nakakapagtaka naman ang pagbabago mo ng gusto, saka si Barbie eh mukhang girlush din ang type nun, nde ba? Wala lang gusto ko lang mag-comment.
cid... ang sabi mo di ka adik... pero pano ko papaniwalaan yun kung ganyan ng ganyan ang mga sulat mo... aysus... daig mo pa tumira ng shabu sabay inom ng beer sa pinaggagagawa mo eh... para, iwasan ang droga... nakakatakot yan...!!!
Post a Comment