Friday, May 19, 2006

Fears

Lahat ng tao may kinakatakutan. Kahit gaano ka pa katapang, merong mga bagay na alam mong hindi mo kayang harapin mag-isa. At dahil normal lang naman akong tao, siyempre meron din naman akong mga bagay na kinakatakutan. Mga bagay na alam kong hindi ko kakayanin, tulad na lamang ng mga sumusunod:

1. MAMATAY NG NAG-IISA. - Hindi kaya ng isip at puso ko na mamatay ng mag-isa. Yun na yata ang pinakamalungkot na magyayari sa isang tao. Kaya kung ako sana ang masusunod, gusto ko sanang kamatayan eh yung masabugan ng nuclear bomb habang nasa SM Manila. At least, alam ko sa sarili ko na hindi ako mamatay ng nag-iisa pag ganun. Tiyak na marami kaming papanaw.

2. IPIS. - Kung anumang relasyon meron kami ng ipis, palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon. Basta ang alam mo lang, ayaw na ayaw ko siyang nakikita. Lalo na at papalipad na siya. handa kong ibuwis ang buhay ko para sa bayan, pero hindi ko kayang harapin ang isang ipis na lumilipad.

3. TUMANDANG BINATA. - Kailangan pa bang ipaliwanag ito? Palagay ko naman lahat ng tao eh ayaw tumadang nag-iisa. Bata pa naman ako kaya hindi pa huli ang lahat. Alam ko sa sarili ko na kahit na ano ang mangyari, meron akong babae na mapapakasalan. At bilang katunayan na hindi ako nagmamadali, pakakasalan ko yung babae na nakilala ko sa beerhouse noon isang araw. Mukhang gustong gusto niya kasi ko. Parang ayaw nyang humiwalay sa akin habang binibigyan ko siya ng pera. Yun na siguro ang matatawag na tunay na pag-ibig. Kaya hindi ko na siya pakakawalan.

4. MARAMI PANG IBA PERO TINATAMAD NA KO. - Marami pang iba pero tinatamad na nga ako.
4.

3 comments:

Anonymous said...

Magandang senyales, natutuwa ako at nasa tamang aspeto ka pa ng buhay, sana ganito ka araw araw, at sana wag mong kalimutan ang mga taong nagtitiwala sau at sa kakayahan mo, mabuhay ka kahit ipis lang ang katapat mo!

Anonymous said...

anong nagiisa ka jan? di ka b msya s simpleng buhay at kagwapuhang pinagkaloob sayo ng Maykapal? Well lahat ng tao may fears, pero yung mga fears na yun eh minsan sang kalokohan at dramahan ntin s buhay n sinisira lang diskate ntin.nagiisa ka ba? anong tiningin s mga tao s paligid mo?well kaguapuhan anong dramahan ang dumapong skit sayo ngayun?kulang k lng s lambing.lam ko tintawanan mo lng n rin yan pagkatpos mo maghimutok.lam mo mraming tao ang pinapasaya mo s maliliit n bgay. c God yaw nya n malungkot yung taong marami pang napapasaya.somebody would like u. God would definitely give some1 hus deserving for u.just w8 for d person deserving 4 ur fedelity, love and commitment, God is just prepering perfect serendipity 2 find that person.

Anonymous said...

haha...ano to? answer sa isang friendster survey? :)