Masama ang loob ko ngayong araw na ito. Hindi talaga ako masaya. Bakit? Dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Meron na palang boyfriend si Barbie. Ang masama pa doon, hindi man lang niya sinabi sa akin. Kundi ko pa nabasa sa dyaryo eh hindi ko pa malalaman. Hindi naman sa pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanya. Pero hindi ba't meron naman akong karapatan na malaman ang katotohanan? Siyempre kung malalaman ko iyong totoo, mas mabuting magmula mismo bibig nya. Kaso hindi ganoon ang nangyari! Oo nga't hindi naman nya ko ng personal - nandoon na tayo. Pero bakit hindi man lang siya nag-exert ng effort para kilalanin ako? Ansama talaga sa loob ko. Parang napahiya pa tuloy ako dahil nagsulat pa naman ako sa kanya. Grabe! Pero di bale, nandyan naman si Kitchie eh.
2. Speaking of napahiya, napahiya ako sa korte kanina. Kahit na madalas akong hindi umamin ng kasalanan, parang kasalanan ko yata kanina kaya nagkaganon. Alam ko naman kasi kung kelan ako mali eh. Hindi ganoon kataas ang pride ko para hindi umamin ng pagkakamali. On second thought, hindi pala! Wala akong kasalanan kanina. Sila ang nagkamali kaya ako napahiya. Ayoko na lang i-detalye kasi nga nakakahiya. Basta sa susunod na pumirma ako ng slumbook, yung karanasan ko kanina ang isusulat ko na most embarrassing moment ko.
3. Mali na naman ang nasulat kong schedule kanina sa planner ko. Yung schedule na akala ko eh ngayon mangyayari, bukas pa pala. Ang ganda! Hindi talaga bagay sa kin ang may planner. Hindi yata talaga bagay sa isang taong walang plano sa buhay ang magkaron ng planner. Inconsistent kumbaga.
Bad trip tlaga ko ngayon. Buti na lang at medyo mature na ko. Hindi ako nagmukmok na lang sa tabi sa kabila ng mga nangyari kanina. Ang ginawa ko ay ang natural na ginagawa ng mga matured na tao kapag nadedepress - kumain ako ng kumain.

2 comments:
Mabuti naman at ok ka pa pala, akala ko kase eh nag-evaporate ka na sa earth, ituloy mo lang ang pag-bblog mo, kase feeling ko eh d2 na lang tau magpapangita, sad naman ako. Good thing may reason ka pa pala para mag-smile, at yun din seguro ang reason ko para mag-smile :P Kitchie pala huh!
anong kinain mo?
Post a Comment