Dear Mayor Binay,
Isang mapagpalayang araw sa iyo!!!
Gusto kitang batiin sa ginagawa mo ngayong pagkontra sa preventive suspension na nais ipataw sa iyo ng rehimeng Arroyo. Tunay nga na ang rehimeng ito ay tuta ng kano.
Isa ka talagang matapang na tao dahil hindi ka gumagamit ng ibang tao para harangan ang mga nais mag-implement ng order laban sa iyo. Sa halip, walang takot mong hinaharap mag-isa ang pagsubok na ito. Hindi ka gumagamit ng mga bayaring tao para harangan ang city hall ng makati. Wala ka ring kasamang may armas na siyang nagbabantay sa iyo. Napakatapang mo talaga.
Matagal na talaga kitang idolo. Sa katunayan, hindi lang isang beses ako sumulat sa Ponds, sa Likas Papaya, sa Block & White, at marami pang kumpanya na nagbebenta ng whitening products. Sumulat ako sa kanila para i-rekomenda ka sa kanila para maging modelo, pero hanggang ngayon ay wala pa ding sumasagot sa aking liham. Hindi ko talaga malaman ang dahilan kung bakit. Maganda pa naman sana kung magiging modelo ka nila - ikaw yung "before".
Pero balik tayo sa totoong dahilan ng aking sulat...
Naniniwala ako na wala kang kasalanan na ginawa laban sa gobyerno, lalo na sa iyong mga constituents. Pinalalabas lamang talaga nila ang lahat ng iyan para mapagtakpan ang kanilang kamalian. Nag-imbento sila ng mga akusasyon laban sa iyo. Sinasabi nila na meron ka daw ghost employees eh wala naman talaga. Sa katunayan, nakakuha ako ng listahan ng ibang empleyado diyan sa Makati. Ang listahan na ito ang magpapatunay na walang ghost employees ang Makati. Narito ang ilan sa nakalistang empleyado ng makati:
1. Casper
2. Sadako
3. Sam Wheat (search sa google kung sino ito)
4. Spooky
5. Myrtle
Ngayon, sino ang magsasabi na kayo ay merong ghost employees?!? Wala talagang kuwenta ang gobyerno natin. Ang daming mayor diyan na masama! Kung sino pa yung walang condo units sa makati, siya pa ang napagbibintangang gumagawa ng mali. Hindi ka naman corrupt! Wala ka ngang gaanong kinukuha sa tuwing may gustong magtayo ng building sa makati eh. Malinis ka, as in.
Bilang tanda ng aking suporta sa iyo, araw-araw akong kakain ng barbeque sa baba. Araw-araw din akong maliligo at magsisipilyo bago pumasok. Samakatuwid, araw-araw kong gagawin ang lagi ko naman talagang ginagawa.
Sana ay wag kang umalis sa city hall ng Makati. Ang payo ko din eh mag-hunger strike ka ng dalawang taon. Wag kang kumain at uminom ng kahit konti, hangga't wala kang nakakamit na hustisya.
Lubos na hindi gumagalang,
Cidie
P.S. Bagay sa iyo ang naka-fatigue. Lalo kang pumuputi.

2 comments:
idolo mo nga ... panay ang puri mo eh! hehehe! welcome back, Atty! ",)
wag kang ganyan mayor namin yan...HAHAHHAHA!!!!!!!!
Nakakasabay ko silang buong pamilya sa Sacred Heart pag nagsisimba para syang yung Pariseo ba yun o Publikano sa bible pinapakita nya na isang bundle ang hinuhulog nya sa koleksyon!haha..joke. Grabe mag-shopping ang kanyang daughter in-law para sa kanayang apo...shopping galore sa rockwell with 2 yayas.
Post a Comment