Mas suwerte ako kumpara sa karamihan. Yan ang isa sa mga bagay na siguradong-sigurado ako. Yung ibang tao kasi, hindi nila alam kung saan sila pupunta pagkatapos ng buhay na ito. Hindi nila alam kung magiging ano sila pagtapos nilang malagutan ng hininga. Ako, pagbuga ko ng aking huling hininga, at pag ako ay na-reincarnate, natitiyak ko na ako ay magiging isang - baboy.
Masakit mang isipin, kailangan kong tanggapin na isa na kong baboy sa susunod na bahay. Yun ay bilang kaparusahan sa kakakain ko ng baboy sa buhay na ito. Nitong nakaraang dalawang buwan, madalas na lechon ang aking hapunan. Agahan ko naman ay kamto. Sa dami ng baboy na kinakain ko ngayon, mimura na ko ng Fairy Godmother ng mga baboy.
Ano na kaya ang kalagayan ng puso ko ngayon? Hirap na hirap na siguro siyang mag-pump ng dugo. Pero anong magagawa ko? The body is willing but the mind is weak.
Kahapon nga eh nangako ako sa sarili ko na puro gulay na lang kakainin ko. Kaso negative pa din eh. Kanina, pagdating ko galing sa hearing eh gutom na gutom ako. Ang oorderin ko nga sana sa baba eh yung ginataang gulay. Kaso, parang may kung anong hiwaga ang bumalot sa akin kanina. Parang na-magnet ako noong sinigang na baboy. Yun tuloy ang binili ko. Take note, kumuha pa ko ng kalahating lechon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ako ka-health concious.
Nag-iisip nga ako ng paraan kung pano malulutas ang problema ko na ito. Kung mag-muslim kasi ako, wala ding mangyayari. Malalabag ko lang ng paulit-ulit ang rule nila. Malamang eh mas lalo akong maging sureball sa impyerno pag nagkataon.
Di bale, simula sa araw na ito, nangagako ako na isang buwan akong walang ibang kakainin kundi gulay. As in gulay lang. At hindi ko na iisipin na gulay ang kanin.
Pero teka, bukas ko na lang simulan ang pagtupad diyan. Porkchop kasi ang niluto sa Tondo eh. Last na iyon.

4 comments:
hoy ulo! magpraktis naman tayo! san n b ofc nyo?
ano na??? san n b opis mo ulo? magpraktis nmn tayo! may gig ulit sa kolumns!
Basta tip ko lang sayo bilang nurse, pag sumakit ang batok mo sabay naihi ka ng hindi namamalayan tapos may liwanag kang nakita at boses na tumatawag sayo, sumama ka na, makakabuti un sayo. Pramis!
pare! tinatanong nako ni rody kung tutloy tayo tumugtog sa dec 3!!! tara na!!! text mo ko!
Post a Comment