Sa ngayon gusto kong huminto muna sandali ang mundo
At wala muna akong makita kahit na nakadilat ako
Kung kaya kong pigilan ang pagtakbo ng oras
Sana ay noon ko pa ginawa, upang kahit papano ay nakaiwas
Ss isang lihim at malayong silid ko itinago
Ang damdaming maraming ulit ng naging ugat ng pagkabigo
Ngunit mababaw ang rason, kulang ang timyas ng salita
Kaya’t sa dakong likod ng silid na yun, muli akong nadapa
Mailap ang panaginip, hindi naging mabait ang pagkakataon
Pagka’t sa isang walang kasing-bagal na iglap, nagdilim ang panahon
At naranasan ko na namang muli kung pano pagsarahan ng tadhana
Nakita ko naming nakabinbin ang inaantabayanang pag-asa
Wala ng mas didilim at mas liliwanag pa ng sabay ngayon
Dahil lahat na yata ng inipon kong pagsinta dapat ng ikahon
Bago pa man magdapithapon, nagpaalam na ang araw
Haharapin ko pansamantala ang gabi, ng walang bituing matatanaw.
Saan ka nakakita ng bilanggo, na gumawa ng sarili nyang rehas?
O isang taong itinali ang sarili, matapos ay nagpupumiglas?
Madaling sabihin na sige, kahit alam mong ayaw
Ang sayaw…bow.
Saturday, September 24, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hindi kayang unawain
ang malalim mong damdamin
sa tulang inilantad
na sa akin ay bumungad.
ang tangi ko lamang nalaman
dala nitong kalungkutan
sa bawat linya at salita
ng maganda mong lathala.
lagyan ng indayog ang sayaw,
letra 'wag sanang pumanaw.
di kayang unawain
ang malalim mong damdamin
sa tulang inilandtad
na sa akin ay bumungad
tangi ko lamang nalaman
dala nitong kalungkutan
sa bawat linya at salita
ng maganda mong lathala
bigyan ng indayog ang sayaw,
letra'y 'wag sanang pumanaw.
Post a Comment