Thursday, September 01, 2005

MGA ALIENS!!!

Kachat ko si dowadee . Hindi nya ito alam pero meron ciang sinabi sa akin na tumatak sa utak ko. Napakalaki ng epekto nun sa pag-iisip ko. Dahil sa kanyang nabanggit eh nabuo ang konsepto ng blog na ito.

Napag-usapan kasi namin ang topic na, katulad nga ng sabi ko, wala akong kaalam-alam. Pero ang sabi naman sa akin ni dowa, mali daw ako. Ayon sa kanyang pagsusuri, naiintindihan ko daw kahit papano kung paano tumatakbo ang kanilang utak. Ang sabi nya, nakaka-relate naman daw ako sa mga babae. Pero ng tanungin ko siya kung bakit ang mga miyembor ng kanyang kasarian eh nde nakaka-relate sa akin. Ang sabi nya ay - "baka kse mga nakakasalamuha mo tga ibang planet ano ka ba"*

Hindi ko naisip yun ah! Pero come to think of it, she is absolutely right. Taga-ibang planeta nga cguro yung mga yun. Syete, enlightened ako.

Actually, matagal ko ng hinala na baka nga taga-ibang planeta kako yung mga "dati kong nakakasalamuha". Pero alam mo naman kasi ako, masyadong scientific. Nde ako naniniwala sa mga UFO's "and all".**

Ngayon eh sigurado na ko na merong ngang mga aliens. At sa di maipaliwang na kadahilanan eh sila ang mga nakakasalamuha ko. Meron siguro akong alien magnet, o kaya naman eh meron silang grand conspiracy para masira ang ulo ko. Ano ang ebedensya ko***?

1. Si alien number one na nakipagbreak sa akin. Normal lang naman ang proseso ng break-up eh. Lalo pa at bata pa ako noon. Pero ngayon ko lang naisip na alien nga siya. Kasi nde yata gagawin ng taga-planet earth ang makikipagbreak, tapos isusulat ang kanyang dahilan sa christmas card. Parang weird di ba? Tapos ang huli pa nyang mensahe eh "Merry Christmas". Maaaring sa Pluto eh ganun ang kanilang tradisyon. Parang hindi tama di ba?

2. Si alien number two naman, sa di malamang kadahilanan eh bigla na lang nawala. Sa tingin ko eh bumalik na siya sa mercury. Paano ko nalaman na taga-mercury? Kasi di ba mainit sa mercury? Ngayon ko lang napagdugtong na kaya siguro sobrang init lage ng ulo noong alien n un eh dahil ganuon ang nakasanayang temperatura ng kanyang utak. Kumabaga sa eletric stove eh laging naka-high. Maaring warrior siya sa planeta nya kaya ang trip nya sa buhay eh ang "mag-war of the worlds".

3. Si alien number three naman eh sa tingin ko taga-jupiter. Malakas di ba ang gravity sa jupiter? Sobrang lakas ng hatak ng gravity kasi ng alien na ito sa mga lalake. Ano pa ba ang ma-expect sa isang alien na ganun?

Hindi ko na babanggitin ang lahat ng aliens dahil maaaring, dahil nga sa masyado ng advanced ang kanilang teknolohiya, baka mabasa nila ang blog na ito at bigla na lang akong i-laser. Ayokong matunaw na alng dito habang nagtatayp.

Basta ang masasabi ko lang eh tama ka Dowa.

Ang nakakapagtaka lang, parang lately yata eh puro aliens ang nakakasalamuha ko? Nde kaya tuluyan na tayong nasakop ng mga aliens na iyan? Meron bang nabibiling shades para malaman ang kaibahan ng humans at ng "others"?

*Verbatim yan.

**Natutunan ko ang phrase na "and all" sa aking kapatid na si christine. Lahat kasi ng salita nya ngayon eh included ang phrase na yan. Halimbawa: Grabe ka naman and all! Girl iba ka and all! Gawa mo naman akong testi and all! Hindi ko alam kung san natutunan ni christine yan. Pero ok naman and all eh.

***Not necessarily in order of appearance.

No comments: