Kakatapos ko lang panoorin ang my sassy girl. At eto na naman ako, umaandar na naman ang utak ko na tamang isip. Matagal ko ng kinumbinsi ang utak ko na tumigil na sa pagiging tamang isip palage. Pero mukhang ngayon eh hindi siya nakikinig sa akin.
Hangga't maari sana eh ayoko ng maging masyadong senti. Parang mas maganda kasi yung takbo ng ikot ng mundo pag nde ka masyadong senti sa buhay. Noong college kasi ako eh ganun ako. Maraming bagay sa buhay ko noon, lalo na pag patungkol sa pag-ibig, ang masyado kong sineseryoso. Kaya tuloy sa tingin ko eh marami akong oras na sinayang noon. Maraming oras na, imbis na ginamit ko na lang sa pagtawa, eh naubos na lang sa kakadrama. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi na maulit yun. Hindi na kako mangyayari na masyado kong seryosohin yang pag-ibig na yan. Fad lang kako yan na hindi ko kailangang sundin.
Pero pagtungtong ko sa law school, ganun pa din ang nangyari. Nakita ko na lang ang sarili ko sa sitwasyon na iniiwasan ko na. Maraming beses ko na namang natagpuan ang sarili ko na kinakausap ang panyo.
Paano mo ba maiiwasan ang ganun? May nabibili bang gamot para maging manhid ka na lang? Wala yata eh. Minsan aabutan ka talaga ng lungkot...minsan aabutan ka ng pag-iisa. Aabutan ka kahit gaano ka pa kabilis tumakbo.
Dont get me wrong.
Masaya ako sa buhay ko ngayon. May mga problemang dumadating, pero kahit minsan eh hindi ko naisipan na mag-quit. Dala na rin siguro ng mga naranasan ko dati, natutunan ko na lahat ng bagay eh may hangganan. Kailangan lang talaga eh maging matiyaga ka. Hindi mo kontrolada ang ibibigay sa iyo ng bukas, pero napakalaki ng kontrol mo sa kung ano ang haharapin mo ngayon. At ang ngyon ang maigiging tuntungan papunta bukas. Kaya napakahalaga na maging masaya ngayon.
Still....
May mga sandali na nag-iisip ako kung kailan ba darating yung hinihintay ko. May mga oras, katulad ngayon, na naiisip ko na parang mas masarap maging masaya kung may kasama kang tumatawa. Marami akong nararamdaman na naka-reserve lang, marami akong idea na naghihintay ng mapagsasabihan, at lalong marami akong parating na magdamag, na naghihintay ng magiging kakuwentuhan.
Madami akong kaibigan na nagsasabi na hindi na nga raw uso yung mga kagaya ko. Hindi kasi ako yung "smooth talker" na uso na daw ngayon. Hindi na daw pede ngayon yung tula ang binibigay, sa halip na mamahaling damit; kanta, imbes na neclace. Hindi na daw ako para sa panahon na ito.
Pero ayokong makiuso. Kung hindi man ako para sa panahong ito, natitiyak ko na meron pa ding kagaya ko. Meron pa din nman sigurong sasakto sa ang konsepto ko sa pagmamahal. Kung sino man siya, eto lang ang mensahe ko sa kanya...
Hindi ko alam kung sino ka. Hindi ko alam kung ano ang itsura mo. Pero natitiyak ko na sa paningin ko eh wala ng mas gaganda pa. Hindi iikot ang mundo ko sa iyo, dahil ikaw ang magiging mundo ko. Sa mga mata mo ako kukuha ng lakas tuwing pinanghihinaan ako. Sa mga paliwanag mo ako kukuha ng sagot tuwing nalilito ako. At ang tinig mo ang magpapahimbing sa kin, kahit gaano pa kagulo ang mundo sa labas. Handa akong kayanin ang hindi ko kaya, gawin ang mga bagay na hindi ko dati ginagawa, para sa iyo.
Hindi ko sigurado kung kailan, pero nandito lang naman ako...matiyagang sabay na naghahanap at naghihintay sayo.
Samantala, habang wala ka pa. Bababa muna ko. Kakain muna ko kasi may lomi daw sabi ni mama.
8 comments:
anubayun? ang ganda na sana eh -- sobrang senti na ng dating .. tama ba namang hiritan ng lomi sa huli? anyway, nice one! iba talaga naging epekto sa iyo ng "my sassy girl" na iyan! :-)
Sa tingin ko eh nde yun manhid, nangangalay ka lang o numb ba? Napansin ko sa lahat ng mga blog mo eh text ang dating, in short wrong spelling. Ang masasabi ko lang eh, may "k" ang necklace. :p
tanggalin na natin ung lomi... maganda,puno ng damdamin.
:)
walang mangyayari sayo kung puro k ganyan. ipaalam mo na sa kanya.
hmmmm....naintriga ko sa huling anonymous. gano ka ka-anonymous? anyway, gusto ko lang ipaalam na ipinaalam ko na...at walang nagyari.
hehehe....lupit... sana you'll have your chance to her... i'll pray for you...naks!!! serious ito!!! hahaha!!! keep writing pal... you're great...
pre, ok lang kausapin yung panyo, kung sa ganun talaga tayo ginawa eh, may mga bagay na mahirap ipaliwanag na kapag ipinaliwanag na sa'yo hindi pa rin maliwanagan, nakuha mo? hirap no?hehehe.peace!-nico
pre, ok lang kausapin yung panyo, kung sa ganun talaga tayo ginawa eh, may mga bagay na mahirap ipaliwanag na kapag ipinaliwanag na sa'yo hindi pa rin maliwanagan, nakuha mo? hirap no?hehehe.peace!-nico
Post a Comment