Wednesday, August 10, 2005

Women

Isa lang ang sigurado ko tungkol sa mga babae - wala akong kaalam-alam tungkol sa kanila. Kung merong subject tungkol sa babae* na requisite para makatapos ng pag-aaral, malamang eh mas pinili ko na lang ang mag-rugby sa kalsada kesa makagradweyt. Kasi sureball din naman na nde ako makakapasa duon eh. So, instead of wasting my time trying to pass a subject that is totally beyond me, mag-rugby na lang ako.

By the way, ang rugby ay isang magandang libangan. Sa kakarampot na pera eh makakatipid ka sa pagkain dahil hindi ka na gugutumin. At, ayon sa research na ginawa ng isang grupo ng Harvard Med Students, and dire-diretsong pagsinghot ng rugby ay nakakapagpaganda ng ipin. Although may chance na masira ang utak mo, at least maganda ipin mo.**

Balik na naman sa mga babae. Hindi ko maintindihan kung ako ba ang magulo o sila. Pero andami nilang mga senyales chuva na kailangang intindihin. Minsan sasabihin nila oo, pero ang ibig sabihin nila eh hindi. Minsan namn eh sasabihin na okay lang, yun pala eh hindi okay. Halimbawa:

BF: Hon, ok lang ba kung hindi muna ko makakapunta diyan sa inyo ngayon?
GF: Okay lang hon. Nainitindihan ko, malakas ang ulan eh.

Kung babasahin mo yan as is, parang malinaw naman di ba? Dyan kayo nagkakamali. Dahil pag ginamit mo na ang code ng mga babae, eto ang translation ng sinabi ng babae -

GF: Nde ok walanghiya ka! Pumunta ka dito kahit pa umulan ng bolang apoy kung talagang mahal mo ako!!! Kung hindi eh bukas na bukas din may iba na kong bf! Tamad ka leche!!!

Narito pa ang ilang mga halimbawa ng mga sinasabi ng babae, at ang actual translation nuon:

BF: Hon, nde muna kita masusundo ha. Medyo masama pakiramdam ko eh.
GF: Ok lang hon. Pahinga ka ha.
(Translation: Hindi mo ko susunduin? Hayup ka! Hindi ka naman comatose ah?! Batugan ka kasi! SUNDUIN MO KO NGAYON DIN!)

BF: Hon, wag na lang yang pelikula ni piolo panooorin natin, Star Wars na lang.
GF: Ok lang sa akin. Basta gusto mo.
(Translation: Subukan mo lang na bumili ng tiket dyan sa Star Wars at lalayasan kita! Magsama kayo ni Yoda! Magsasama kami ni Piolo!!!)

BF: Hon, ano gusto mong regalo sa anniversary natin?
GF: Kahit ano lang hon. Ang mahalaga magkasama tayo.
(Translation: Subukan mong wag magregalo at ipapalit ko sayo ung manliligaw kong may pera! Ibigay mo sa akin lahat ng ginto at dyamante sa mundo!!! BWAHAHAHA!)

Kitams? Di ba nakakalito?

Anyway, kapag may gusto akong babae eh nde ako makapagsalita as in. May nagsasabi na be yourself chuva pero imposible talagang mangyari yun sa akin eh. Kasi, kapag nagiging totoo ako duon sa babae na gusto ko, hindi nila ako nagugustuhan. WHOA! Nakakagimbal talaga!

Ganito ang kadalasang nagiging usapan kapag kaharap ko ang babae na gusto ko:

Situation 1:

Babaeng gusto ko: Hi Cid!
Ako: (Tatakbo)

Situation 2:

Babaeng gusto ko: Hi Cid!
Ako: Ahhh.. Bale..... Ummmm.... Hi
Babaeng gusto ko: Musta na?
Ako: Ahhh.. Bale.... Ummm. Ok lang. Ikaw? (Garalgal yan)
Babaeng gusto ko: Ok lang din. Para saan itong mga bulaklak?
Ako: Ahh... Bale.... Ummm Wala lang. (Sabay takbo!)

Situation 3:

Babaeng gusto ko: Hi Cid
Ako: (Mawawalan ng malay)

Ang ganda di ba? Pero kung may naiintidihan sana ako sa babae, nde sana ganyan ang kalalabasan. Siguor eh naging smooth talker ako. Kaya sana talga eh totoo yung pelikula na hitch. Malamang eh binenta ko ang lahat ng mabebenta ko para lang ma-hire siya.

So kung sinuman sa inyo ang makakapagpaliwang kung paano ba magsalita sa harap ng babae ng madali kang maintindihan, bigyan ako ng payo at ibibigay ko sa inyo ang lahat ng mamanahin ko.***

*Pede nating tawaging Women 101wh

**Nde ito totoo, alam ko. Pero ganda isulat eh.

***Kung susumahin, ang mana na ito ay humigit kumulang, minus the liabilities, three hundred pesos.

7 comments:

Anonymous said...

hahaha!!! natawa ako dun sa situation 2 (alam kong alam mo kung bakit) -- kahit si "anonymous" pa ako dito sa comment na ito (alam ko ring gets mo kung sino ako)..hehehe

Anonymous said...

walang pagkakakilanlan, kyo pala ni tasyo ang "close". :)
tasyo, 'sumbong kita sa mama mo. ;)

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

tahimik na bagyo, iba ang anonymous na nandito, sa anonynmous na nasa kabila. :) tsaka wag ka na magsumbong. secret lang itong blog na ito.

Anonymous said...

hehehe...
bkit kc meron pang "anonymous"....
sowi po Anonymous, 'kala ko kc ikaw c Anonymous.sowi at pasensya n po tlga. :)

Anonymous said...

silent_storm19 - kaya nga walang pagkakakilanlan eh, kahit si Tasyo eh nde rin me kakilala, saka yan si Tasyo eh napalaking sikreto kung bakit nilalang sa mundo, gaya ng kini-claim nyang isa syang imortal, at syempre si Darna ang kakontemporaryo nya!
tasyo - magpakilala ka na, ikaw talaga si Batman d ba?

Anonymous said...

Good entry. Ang galing mo palang magbasa ng hidden message ng mga babae. :)

Anonymous said...

mwahahaha!
gusto ko din yung hitch pero pwede mo naman akong i-hire to do the job. Kasi naman mali ka ng mga pinipili!!ever since....(*disclaimer nung college lng ang tinutukoy ko ewan ko ngayon) nyehehe.