Ang talagang plano ko eh magsulat ng blog ngayon tungkol sa lakad ko kahapon. Madami kasi akong pinuntahan kaya naisip kong piktyuran lahat ng dadaanan ko. Nasira nga lang ang plano ko dahil sa bwiset na internet connection dito. Kung itutuloy ko ang pag-upload ng mga pics, baka baog na ako bago pa man matapos.
Paano ko ba ma-iilustrate ang connection nmin dito sa office? Parang ang hirap eh. Basta sobrang bagal. Sa sobrang bagal nya eh mas nauuna pa yata ang pagdating ng mga sulat na pinadala ko via post office, kesa sa mga emails na pinadadala ko. Sa katunayan, kanina lang eh nakatanggap ako ng email galing dito sa office, na nagsasabing tanggap na daw ako. HA?!*
Gusto ko nga sanang i-convince ang mga bosing dito na magpa-DSL na. Hindi na kako uso ang Dial-up sa office setting. Jologz na kako yun. At isa lang naman ang reaction/tnong nila - "Ano yung jologz?" Mahirap ipaliwanag ang term na yun kaya ang ginawa ko na lang eh kumuha ng salamin at pinaharap sila dun. Pagtapos nun eh getz na nila. **
Ito ang hirap pag masyado ng matanda ang employer. Dito kasi sa office eh talagang matanda na ang majority ng mga partners. In fact, ung isa kong boss dito eh nagkuwento na ang paborito nya raw na alaga eh yung batang brontosaurus. Ung isa naman eh bestfriend ni Rizal. At karamihan sa kanila ay abacus pa din ang ginagamit.
Nde na tuloy nila naiintindihan ang kahalagahan ng magandang internet connection sa work -
1. Mas madali mag-friendster.
2. Mas mabilis ang sagot sa chat.
3. Mas Masarap mag-upload ng pic sa blog.
4. Etch..etch....
To digress.
Kahapon, after ng aking hearing sa Las PiƱas eh dumiretso na ko sa work at tinapos na lahat ng deadlines ko. Well yun sana ang plano ko. Kaso, naiba eh. Naisip ko na imbes na bumalik ako sa opisina, parang mas makakabuti sa opisina kung tutuloy na lang ako sa Southmall at manonood ng Sine. At dahil mas mahalaga sa akin ang kalagayan ng opisina kesa sa sarili kong kaligayahan, kahit ayaw ko eh napilitan akong manood na lang.
Dpat sana eh Fantastic Four ang panonoorin ko. Kaso eh masyado na ko gagabihin kung yun. 6:50 pa kasi ang start. Kaya Charlie and the Chocolate Factory na lang.
Nde ko gano nagustuhan yung pelikula eh. In fact, may part dun na nakatulog ako. Nagising lang ako kasi yung bata sa likod ko eh sinisipa yung upuan ko. Gusto ko nga sanang patulan at sipain din eh. Kaso napansin ko na malaki pala yung kasama nya kaya naging pasensiyoso kong tao.
Anyway, eto ang naging epekto ng panonood ko ng pelikulan yun...***
**Well yun ang gusto ko sana gawi kaso baka nde ako makakuha ng backpay eh.
***Wish ko lang eh meron pa ngayon pag-uwi ko. Wag sana kong maunahan ng mga pac-man.
***Wish ko lang eh meron pa ngayon pag-uwi ko. Wag sana kong maunahan ng mga pac-man.
No comments:
Post a Comment