Saturday, August 27, 2005

My First Blog

BWAHAHAHA!!!.....

Censya na at nde ko mapigilan ang pagtawa na para bang miyembro ng isang kulto at meron kaming bata na bagong alay. Hindi ko mapigilan ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon dahil nga nagawa ko na ang PC ko. Yup! Gumagana na siya at sa katunayan, kaya ko pinamagatan ito na "my first blog" ay dahil ito ang una kong blog gamit ang PC ko. Wala ng pede sumita sa akin na nasasayang ang oras ko sa trabaho dahil sa blog. Ultimo ang aking nanay ay hindi na pedeng sabihin sa akin yun. Kaya isa pang...

BWAHAHA!!!!

Dahil buo na ang aking PC, marami na ulit akong magagawang mga importanteng bagay na tiyak na makatutulog hindi lamang sa akin, kundi pati na rin sa aking pamilya, tulad na lamang ng mga sumusunod....

1. Makakapagblog na ulit ako.

2. Makakapagfriendster. (Speaking of friendster, nadedepress ako tuwing binubuksan ko yun. Wala na kasing nag-memessage sa kin..nde tulad nung kasikatan ko pa sa pinilakang tabing.

3. Makakapagbasketbol na ulit ako. (Hindi alam ng karamihan pero magaling ako sa basketball. Walang tumatalo sa akin...sa PC nga lang.)

4. Makakalimot na naman akong kumain dahil sa kakalaro.

5. Wala na akong maisip.

"Oo na! Bababa na ko." Ooppss...Sagot ko yan dahil nanggigigil na si mama. Kakausapin na daw ako sa baba kaya kailangn ko muna itong tapusin. "Eto na!!" Ooppss ulit. Hindi ito ang huli. Kaya isa pang.....

BWAHAHAHA!!!

2 comments:

Anonymous said...

hmmm... parang maganda nga ung no. 4. hehehe. joke lang! o basta, huwag masyadong magpaka-adik sa pc (mahirap na)...sabagay, kesa naman mag-drugs! :-)

Anonymous said...

Binabati kita sa iyong kahusayan, paki-usap lang maaari mo bang kumpunihin ang aming sirang kompyuter, sa palagay ko eh french fries lang katapat nyan. Salamat ng maaga.Isa pang tanong sino ang kasession mo nitong nakalipas na araw, masyado ka ng abala, mayaman na kase hectic na ang skedyul mo, ganun pala pag-nalalaos mas nagiging busy. :p