Kaninang umaga eh kinailangan ko na namang sumakay ng MRT dahil pupunta ko ng Banawe. Kelangang ko kasing umattend ng mediation* dun. Kung ako kasi ang papipiliin, iiwasan ko ang pagsakay sa MRT. Hindi dahil nag-iinarte ako. Kundi dahil tanga lang talaga ako sa mga istasyon dun. As in hanggang ngayon eh nde ko pa din kabisado ang pagkakasunod-sunod ng mga istasyon sa MRT. Buti pa sa LRT eh kabisado ko.
Kaya nga ilang beses na na-reject ang tiket na nabibibili ko eh. Paano madalas eh lumalagpas ako sa istasyon na babaaan ko. Kung hindi naman reject, tanggap nga pero kaya pala natanggap eh dahil malayo pa yung bababaan ko. Pag ganoong sitwasyon pa namn eh masyado akong ma-pride. Kaya ang gagawin ko na lang eh tuluyan ng bababa at palihim na aakyat ulit para bumili ng panibagong tiket.
Paano kasi sobrang tipid ng mga signboards dun eh. Ano ba namang punuin nila ng sign yung kada isang istasyon. At least nde nagkukumahog basahin yung kakarampot na signboard, ng mga pasaherong medyo mababa ang IQ (pero mataas ang EQ at pogi pa). Tsk. Tsk. Ibang-iba talaga sa amin sa France.
Minsan naman eh tinatamad yung mga driver ng tren. Hindi talaga nag-aanounce kung anong istasyon na. Minsan naman eh nag-aanounce nga, pero nde ko nman naiinitindihan sinasabi nya. Ang naririnig ko lang:
"tssshhhkk..station. tssshhhkk....station.**"
Anyway, kanina eh tumama naman ako ng binabaan. Sakto lang na quezon avenue na nung maisipan kong magtanong sa katabi ko kung nasaang lupalop na ko. Nuong pabalik na eh wala namang naging problema kasi mas kabisado ko na ang MRT pag pabalik na. Hindi ko maintindihan nga kung bakit ganoon eh. Basta pag pabalik eh nadadalian ako sa MRT. Siguro dahil nga pag pabalik na ko eh binabaligtad ko na ang damit ko para sureball.
Maiba ko ulit.
Parang ilang araw ko na yata hindi nakikita ang araw ngayon. Kung tama ang pagkaka-alala ko, simula pa nuong biyernes eh ulan na ng ulan. Huli kong nakita ang araw eh nuong thursday pa. Nde ko lang sure kung umaga ko siya nakita o gabi na.
Sa akin eh wla namang problema kahit umuulan. Nde naman kasi kalakasan eh. Tsaka nakakadagdag siya sa kasarapan ng pagtulog ko. Kaso kapag forty days ng ganito eh mukhang dapat na yata tayong kabahan. Binibilang ko eh wla pa namang forty. Medyo tatantyahin ko na lang. Kapag 25 days na, sasakay na ko sa ARKO assuming na nde pa yun sarado. Kung sarado na, magpapanggap na lang akong hayup. Problema ko na lang eh kapares para papasukin. Kaya kung sino man sa inyo ang gustong masagip...lam nyo na ang paraan. Kontakin nyo na lang ako.
*Para sa mga nde nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng mediation, ito ay ang legal term which means - "opening ng isang bagong parlor".
**Nde ko alam kung saan yung "tssshhhkk" na istasyon kaya nde ako bumababa eh
No comments:
Post a Comment