Isa na siguro ito sa pinakamalungkot na blog ko sa buong kasaysayan* ng blog ko.
Kagabi eh sobrang lakas ng ulan. Hihintayin ko sana na tumila muna bago ko umuwi kaso nagmamadali na ako dahil wala ng makain sa office at gutom na ko. Wala akong kamalay-malay na pag-uwi ko pala eh sasalubong sa akin ang isang balita na habang-buhay na magpapabago ng inog ng aking mundo. Hindi ko alam na ang ulan pala eh simbolo ng pagluha ng langit.
Pagdating sa bahay eh nomal lang naman. Naghanap ako ng ulam pero wala na raw natira. Pinakain na daw kasi sa aso. Tama ba yun? Unahin ba naman ang aso kesa sa sariling anak? Pero ibang istorya un. Tsaka na yun at balik tayo sa malungkot na blog na ito.
Dahil nga walng makain, naisipan ko na lang na manood ng TV. Channel 7 ang bumungad sa akin at, sabay sa paglabas ng mga larawan sa screen, ay ang pagpatak ng aking luha...
Patay na si Darna.
OO mga kaibigan. Hndi ako madalas manood ng Darna pero parang nalapnos ang kada isang ugat ng aking puso ng makita ko si Darna na nakahiga at wala ng buhay. At siya ay nababalot ng watawat ng Pilipinas.
Pero ang kalungkutan ay napalitan ng ngitngit ng aking makita ang sumunod na tagpo.
Bakit ganun ang funeral ni darna? Binilang ko ang mga dumalo at natitiyak kong hindi sila tataas sa kinse!** Nasaan ang milyon-milyong Pilipino na dapat ay nandun?! Nasaan ang libo-libong taong natulungan ni Darna, simula nuong siya ay palabas pa lamang sa sine, hanggang sa siya ay tuluyan ng maging palabas sa TV? At bakit wala akong nakikitang lumuluha? BKIT??!!***
Wala ba tlagang utang na loob ang mga Pilipino? Aba eh nde hamak na mas marami pa ang umatend nung nilibing ang sikat na kubrador ng jueteng sa amin eh! And to think na nde nakakalipad yung kubrador na yun! (Pero aminado ako na para siyang si Flash tumakbo pag may pulis)
Napakasakit tlaga. Namatay si Darna ng nde ko man lang siya nagiging girlfriend.
*Nung April ako nag-start ng blog kaya humigit kumulang apat na buwan na ang nasabing kasaysayan.
**Sa aking pagtatanong, nalaman ko na ang nilaon na budget para sa nasabing funeral eh six hundres pesos. Kaya ang nakuhang extra eh anim na solvent boys at pitong basurero.
***Ganun yata tlaga kapag nde artista ang taong nilagay mo para gumanap na artista.
1 comment:
Ang dahilan kaya walang katao-tao sa burol o libing ni Darna eh nasa simbahan hinahabol nila si Imang, mukhang mas okay kase ang talent fee sa abs kesa sa gma, at saka mas mahaba ang exposure nila dun, dahil kagabi lang sumakabilang buhay si Imang, ilang araw din ang burol nun.
Post a Comment