Monday, August 29, 2005

When everything else fails, there's always delusion...O' Brien

Dear Cid,

Hindi ko alam kong ano ang gagawin mo pagtapos mong basahin ang sulat ko na ito. Pero nilakasan ko na lang ang loob ko. Alam ko naman kasi na hindi ka mababaw na tao. Alam kong maiintindihan mo rin ito dahil nga bukod sa magandang lalake ka na, napakatalino mo pa. Bago ko sabihin ang gusto kong sabihin, nais ko munang pasalamatan ka.

Salamat Cid sa pagturo mo sa akin sa subject ko na Calculus. Kahit na busy ka sa iyong pag-aartista, nagawa mo pa din na tulungan ako. Salamat at napasimple mo ang pagpapaliwanag sa subject na iyon. Tunay nga na isa kang henyo sa Math. Hindi ko rin makakalimutan nuong nakaraang araw na inabot mo yung payong ko na nasa itaas ng cabinet. Kung hindi siguro 6'3 ang height mo eh malamang hindi ko nadala yung payong na yun. Lastly, salamat sa pagtuturo mo sa akin ng iba't-ibang uri ng exercises. Malaking bagay sa akin na turuan ng isang katulad mong Physical Fitness Instructor ng mga Physical Fitness Instructors sa Slimmers World.

Kanina ko pa tinitingnan ang picture mo sa friendster. Tinititigan ko ang kulay asul mo na mga mata, at ang iyong hairline na parang hindi nagbabago dahil hindi tumataas. Maaaring isipin mo na obsessed na ako sa iyo. Mahirap mang aminin pero talaga yatang ganoon na..nasisira na ang ulo ko sa iyo.

Mahal na kita Cid. Alam kong pagtatawanan ako ng mga tao dahil sa sulat na ito. Sino ba naman ako kumpara sa iyo? Ikaw na isang sikat na singer, kilalang bodybuilder, at bagong miyembro ng the hunks. At napakayaman at napaka-generous mo pa. Tsaka meron ka pang laptop na bago! Eh ako?

Wala akong maipagmamalaki sa iyo dahil nga nasa iyo na ang lahat. Wala akong maipagmamalaki na kahit ano sa iyo pera na lamang sa pag-ibig ko. Wala na sigurong magmamahal sa iyo kung paano kita minamahal ngayon.

Ayoko ng pahabain pa ang sulat na ito Cid. Basta ang sa akin eh nasabi ko ang bagay na dapat kong sabihin. Sana ay wag mo kong iwasan pagkabasa mo nito. Sana ay walang magbago sa atin. Hayaan mo nga palang iwan ko sa iyo ang larawan ko na kalakip na sulat na ito...


Naaalala mo pa ba yan? Ikaw ang kumuha ng picture na yan eh. Kaya kung mapapansin mo eh kakaiba ang ngiti ko.

Nagmamahal sa iyo,

Song Hye Kyo

P.S. Marunong na nga pala kong magtagalog. Baka kasi hindi mo pa alam.

3 comments:

Anonymous said...

Masama ang epekto ng pagkakagawa ng pc mo, lalo na cguro ngayon na malapit as in malapit ka ng magka-laptop. Baka si Angel na ang dyowa mo.

Anonymous said...

okay....napuno na ako!!! ayoko mang gawen to pero para sa akin.... yan ang buhay mo!!! hmmmmmn....ambisyoso!!! joke!!! nice artic...you're great!!! keep rockin!!!

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

anelatione, kakagulat at nag-comment ka. salamat sa iyong pang-aalaska..este...pagpuri. keep rocking din saung mga sulat. kelan ba susunod?