Isang Toyota Revo ang namataan kanina ng mga traffic enforcers ng Makati, na nagcounterflow sa kalye ng Dela Rosa. Gamit ang kanilang tatlong libong taon ng masusing training, namataan nila ang nasabing Revo at kaagad na sinita sa tapat ng Sterling Building. Napansin nila na ang driver pala ng nasabing Revo ay isang poging-pogi at machong-machong lalake. Kaagad nila itong hinuli at kinausap. Gamit ang hidden recorder, ganito ang kanilang naging pag-uusap:
Enforcers: Sir, magandang hapon po. Nag-one way po tayo ah.
Lalake: Tayo ba o ako lang?
Enforcers: Ikaw lang pala.
Lalake: Bawal ba ang one way?
Enforcers: Oho eh. Bawal yun.
Lalake: Kung bawal eh bakit meron pa nun?
Enforcers: Nde rin ho namin alam eh. Tinuro lang sa amin.
Lalake: So, ano ang mangyayari nito?
Enforcers: Eh kailangan ho naming kumpiskahin ang lisensya nyo.
Lalake: Ha?! Naku eh paano ako makakapagdrive nyan?
Enforcers: Meron naman kaming ibibigay na tiket eh?
Lalake: Pede ba tayong meet halfway?
Enforcers: Pano yon?
Lalake: Kasi di ba kahit tiket lang eh pede pa din ako magdrive?
Enforcers: Oo naman.
Lalake: So, parang may lisensya rin ako di ba?
Enforcers: Tama.
Lalake: Eh di ang gawin na lang natin eh ganito, wag nyo na kunin yung lisensya ko tutal parang ganun din naman. Bigyan nyo na lang ako ng tiket. Promise, babayaran ko.
Enforcers: Gago. Ano tingin mo sa amin? Tanga?
Lalake: Oo.
Enforcers: Mas tanga ka kasi nagpahuli ka sa amin.
Lalake: I rest my case. Eto na ang lisensya ko.
Enforcers: Nde ito. TIN ito eh.
Lalake: Ay...sorry. Eto na oh.
Enforcers: SSS ito!
Lalake: Sorry...tao lang.
Editors Note: Ang tanga ko grabe.
1 comment:
Grabe, jologs ka pa rin hanggang ngayon, sa tingin ko wag ka ng mag contact lens,kase nde mo mabasa ang mga signs, kala ko ba dun ka d best sa sign language? Alam ko na gift ko sau sa b-day mo, MAPA ng Makati, okay ba?
Post a Comment