Dear Cid,
Kakabasa ko lang ng sulat mo sa akin. Pasensya ka na at ngayon lang ako nakasagot. Sa totoo, napakarami ko kasing natatanggap na ganung sulat galing sa iba't ibang tao. Napakaraming katulad mo lalo na dito sa Pilipinas. Kaya sana ay maintindihan mo kung bakit ngayon lang ako nakasagot.
Kakabasa ko lang ng sulat mo sa akin. Pasensya ka na at ngayon lang ako nakasagot. Sa totoo, napakarami ko kasing natatanggap na ganung sulat galing sa iba't ibang tao. Napakaraming katulad mo lalo na dito sa Pilipinas. Kaya sana ay maintindihan mo kung bakit ngayon lang ako nakasagot.
Una sa lahat, bakit kung ano-ano ang pinagsasasabi mo sa sulat na yun? Siguro naman ay nalalaman mo na karamihan sa mga sinabi mo doon ay hindi totoo?! Pasensya ka na kung sabihin ko sa iyo ito pero isa kang sinungaling!
Ilang buwan na ang nakakaraan simula ng sinulat mo yun. Pero isa lang ang tanong ko, at ang gusto ko sana at sagutin mo ito ng nakatingin sa aking mga mata* - ano ang nangyari? May ginawa ka ba na bago? O tinupad mo ba yung mga sinabi mo sa sulat na yun? HINDI!!!
Sa halip, aba eh mas naging mahilig ka pa sa akin, lalo na nitong mga nakaraang araw?! Tapos ang lakas ng loob mo kung magsalita ka na iwasan mo na ko. Aba eh kagabi lang, alas-onse na nang gabi - por dyos por santos - pero hinanap mo pa rin ako! Iba ka!
Ang sa aking lang eh itigil mo na ang pagpapanggap na kesyo ikaw eh nagdyedyeta o umiiwas na sa akin. Kasi umaasa lang ako eh. Naniwala ako sayo nung una pero bigla na lang akong nagulantang ng, isang madaling araw eh bigla mo kong ginambala habang tahimik akong umiidlip sa loob ng rice cooker! Hindi tama yun! Labag yun sa karapatan kong pangbigas! At ilang beses mo pa ko inabuso Cid. Hindi ko na babanggitin lahat dahil hindi ako ganong uri ng nilalang. Hindi katulad mo!
Masama ang loob ko sa'yo. Siguro naman eh napapansin mo dahil sa tono ng aking pagsusulat. Kasi, kung yung iba eh giniganahan lang kumain kapag nandun ang paborito nilang ulam, o di naman kaya eh ginaganahan sila pag may sabaw sila at sawsawan, IKAW EH GINAGANAHANG KUMAIN BASTA MAY PAGKAIN!!! At kung ubusin mo ko eh feeling mo meron kang sariling palayan!
Ititigil ko na ang sulat na ito. Masyado na kong nagiging emotional. Masama pa naman daw sa akin yun sabi ng duktor ko. Hanggang dito na lamang at sana ay magpakatotoo ka na.
Nagmamahal,
Kanin
*Teka lang, nakalimutan ko na wala nga pala akong mata. Kaya sagutin mo na lang yung tanong habang nakatitig ka sa aking mga butil.
4 comments:
ganda ng blog mo. no wonder nainlove sa you fren ko hehehehe!!! keep up the good work.
aba sino kaya ang malas na frend ni alex potato?hahaha!
alex, salamat sa comment mo ha. pero tama si dowa, habang maaga pa eh payuhan mo na yung friend mo. medyo kulang-kulang ako eh. hehe. ty ulit.
Sagot
Di man kita kilala cid pero ang totoo, dahil sa sense of humor mo, napapatawa ako ng kabaliwan mo… at dahil don, marahil, iisipin ng mga kasamahan ko sa trabaho na isa na rin akong baliw dahil sa sarili kong mundo at sa di malamang dahilan kung bakit ako nag-iisang tumatawa… Tama sinabi sa akin ng mga barkada ko, makakatulong ka sa akin, basahin ko lang blog mo… Nwei, ganda… ganda ng istorya nyo ni kanin,…. Sana, wag mo na syang saktan sa halip mahalin mo na lang sya pero wag sobra, di ba, para di ka rin mahirapan…
Post a Comment