Hindi ko maintindihan kung bakit ang nauuso naman ngayon na title ng mga pinoy movies eh pangalan ng mga lugar. Kailan lang eh pinalabas yung Milan, ngayon eh Dubai naman. Ano kaya ng susunod? Saudi? London? Blumentritt? O baka naman Santolan? Pede din na MRT para marami ng sakop!
Nanonood din naman ako ng mga pinoy movies in fairness. Pero ewan ko kung bakit pakiramdam ko eh wala akong bagong istorya na mapapanood sa Dubai. Kaya hindi din ako excited na panoorin siya.*
Anyway, since ang nauuso naman ngayon eh yung mga pelikula na kinuha ang title sa mga lugar, may mga naisip akong title ng movies na pedeng gamitin ng mga scriptwriters natin. Nilagyan ko na din ng konting buod ng istorya para hindi na sila mahirapang mag-isip.
ESPANYA
Ang istorya nito ay tungkol sa dalawang magsing-irog na nag-aaral sa UST. Naisip nilang mag-meet sa Espana kahit na signal No. 4 ang bagyo dahil namimiss na nila ang isa't-isa. Dahil nga malakas ang ulan, binaha sila at na-stranded. Ang ending na naiisip ko eh pareho silang nalunod.
MORAL LESSON: Hindi kayo bubuhayin ng baha sa Espana kahit gano pa kalalim ang pagtitinginan nyo sa isa't-isa.
TONDO
Love story din ito, pero with a twist. Ang lalake ay isang talamak na holdaper, at ang babae naman eh isang sikat na mandurukot sa recto. Gusto na sana nilang magpakasal pero, dahil pareho silang mahirap, wala silang pera. Dito nila naisipang magtayo ng sindikato at magbenta ng rugby sa mga batang kalye. Ang ending naman na naiisip ko eh na-adik ang anak nila sa rugby at isang gabi, habang tulog ang mag-asawa, ay nag-trip. Pag-gising ng mag-asawa eh pareho na silang nakadikit.
MORAL LESSON: Hindi magandang maging adik sa rugby.
AFRICA
Adventure naman ito. Pero may love story pa din kasi tungkol sa mag-jowa ulit. This time, naisipan nilang mag-honeymoon sa africa, kahit hindi pa sila kasal. Eh dun pala sa pinuntahan nilang tribo sa africa eh bawal yung ganun. Kaya ang ending eh kinain sila pareho.
MORAL LESSON: Hindi mabuting kaibigan ang mga cannibal.
Dami ko naiisip pero yan na lang muna. Mukhang nhahalata na ko sito sa office eh.
*Pero malamang eh mapanood ko rin.
5 comments:
magaling! :-) tyak na mapapangiti mo na naman mga babasa nito...
kung ganyan ba naman ang writer, eh di sana hindi nasasayang ang nagmamahalang entrance ticket sa movie houses.
sana makagawa k love story titled 'Jupiter'.
:)
jupiter? hmmm...cge mag-iisip ako. hehe.
Talaga lang ha? Manonood ka ng Dubai, bet oh for sure iiyak ka dun.:p
kahit kelan talaga di kita mapagkakatiwalaan sa pagkaseryoso... lakas talaga ng paltik mo sa utak!!! hehehehe!!!
anelatione, dati pa ko may sakit. hehe
Post a Comment