8:51 pm na.
Sa maniwala kayo sa hindi eh nandito pa rin ako sa opisina. Meron akong kailangang tapusin na nde ko matapos-tapos. Hindi ko naman ito pedeng iwan dahil baka ang buhay ko naman ang matapos.
Anyway, pahinga muna.
Kanina eh nagpunta ko sa makati square. May hinahanap kasi kame na software para sa opisina. At dahil labis-labis ang pag-galang namin sa intellectual property code, naisipan naming dun na lang bumili sa mga muslim dun. Ang sabi kasi sa amin eh original daw ang mga softwares dun.
Nung nakabili na kami ng original na cd na worth P90.oo, bumaba kami para naman tumingin ng mga DVD. Balak kasi ng kasama ko na bumili ng isang buong set ng Boston Legal (original din ciempre). At habang nagtitingin-tingin ako dun, di ko naiwasan na mapansin yugn isang mama na lumilibot din.
Una nyang hinanap eh yung "Lawrence of Arabia" daw. Sabi nung tindera meron daw sila. Tapos sunod naman eh "Under Siege Part I" daw. At meron pa din daw sabi ng tindera. Tapos..sabi nya, and i quote, "eh Triple X meron kayo?" Nung sinabi ng tindera na meron, saka niya tiningnan lahat.
Natatawa ko sa kanya kasi ang dami nya pang intro. Ang dami nya pang hinahanap eh lam na naman pala nya bibilhin nya!
Anyway, ako kasi eh buong buhay ko hindi pa ko nakakapanood ng mga ganyang kalaswaan...
Hindi talaga! Mamatay na!!!
AARRGGHHHH........
2 comments:
once,nkpanood n ko,introduced by a frend kung frend ngabang mttwag un????hehehe.
hindi man lang ako uminit, aaaaah, uminit ang dugo ko sa mga taong gumgwa ng gnun.
biruin mo, wala akong nkita na pinagkaiba nila sa hayop.
para sakin,sinsasayang nila pagiging tao nila....
un lang po at tabi-tabi po sa mga tatamaan.
super serious ka naman.
Post a Comment