Thursday, October 13, 2005

Short Story

Ito ang kauna-unahang short story na ginawa ko. Matagal ko na itong ginawa. Hindi na ito nasundan dahil, sa kasamaang palad, nde naging supportive ang mga kakilala ko. Lahat halos ng pamilya ko, pati mga kaibigan na din, matapos basahin ang istoryang ito, palagi na lang sinasabi na bitin daw. Kulang daw ang istorya. Kesyo nde raw sapat ang plot. Masakit yun para sa isang aspiring writer na kagaya ko. Lalo pa at pinaghirapan ko ito ng sobra. Todo ang effort ko ditto kaya masakit marinig na bitin daw itong istoryang ito. Sana dito sa blog eh merong maka-appreciate……

Palingon-lingon ako sa labas ng bintana ng opisina. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nararanmdaman ko na ilang saglit na lang ay babagsak na ang ulan. Pero kahit anong paghihintay ang gawin ko, hindi kakausapin ng patak ng ulan ang lupa ngayon. Masyadong mataas ang araw. Kulang sa tubig ang mga ulap.

Kanina pa ko nakatitig sa sulat na iyon. Sa sulat na dinala daw sa harap ng aking opisina kanin pang umaga. Pero dahil hindi na ko nakabalik kagabi pagktapos ng hearing ko sa laguna, ngayon ko lang nabuksan at nabasa ang sulat. Maingay sa plaigid ko ngayon, pero wala akong naririninig. Bihira lang dumating ang ganitong pagkakataon. Bihira lang na wala akong nakikita. Hindi ako nakapikit, pero madilim.

“Joel!”

Kung hindi ko pa narinig ang tawag na yun ni Mang Lando, mananatili siguro akong nakatunganga sa harap ng sulat na yun. Siguro ay walang kimi akong mapapaluha sa harap ng opisina.

“Joel, yan ba yung sa kaso natin sa Laguna?”

Kung ordinaryong araw ito, baka nainis ako kay Mang Lando. Ayoko kasi tlagang pinapakikialaman o inuusisa ako. Sa linya kasi ng trabaho ko, mas makabubuti kong mag-isa lang.

Pero hindi ordinaryong araw ngayon. At lalong hindi ordinaryong sulat ang natanggap ko. Kaya naging tagagising ko ang boses ni Mang Lando. Ito ang nagbalik sa totoong mundo. Tinantanong nya ko kung bakit ako tulala. Tinatanong nya ko kung gusto maayos lang daw ba ako.

Gusto kong sabihing hindi. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Napakarami kong salita na maaaring gamitin para sagutin ang mga tanong nya. Pero walang lumabas sa bibig ko. Tumango na lang ako at ngumiti. Kung kilalang-kilala siguro ako ni Mang Lando, nakita nya siguro yung pait ng ngiti ko na yun.

Kailangan ko munang umalis, sabi ko sa sarili ko. Kailangan kong magpahinga at hagilapin ang hangin sa labas ng aking opisina. Nagpaalam ako ng maayos sa boss ko. Nagtaka siya dahil, ilang taon ng aking pagtratrabaho, bihira lang ako kung magpaalam na hindi tatapusin ang oras ko sa opisina.

THE END

3 comments:

Anonymous said...

ehehe.... asan yung katapusan nito? anak ng.... binitin mo lang kame eh!!!!

Anonymous said...

Buti na lang, na-cc ako nung sulat na yun kaya mejo nde ako kasali sa nabitin, actually pinabasa mo kase sa aken yung sulat na yun kaya nde me apektado, kawawa naman sila kung nabitin sila, pero para sau eh wala lang!

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

anonymous, kung sino ka man, kinalulungkot ko pero nde ko naiintindihan sinsabi mo.