Noong isang araw, sa klase ko, nag-usap kami ng isa sa mga estudyante ko. Marami kaming napag-usapan habang hinihintay namin ang iba pa nyang kaklase.
Napunta ang usapan namin tungkol sa edad. Hindi ko na maalala kung pano nakarating dun yung topic pero basta namalayan ko na lang na nakikipag-usap ako ukol sa isang bagay na ayaw ko na sanang pag-usapan.
Anyway, nagulat ako sa kanya dahil, ng sabihin nya ang kanyang edad, 23 na ata siya o 24. Basta wala sa mukha niya dahil mukha lang siyang 19 or 20. Ng tanungin ko kung ano ang sikreto niya, sabi nya eh nasa pananamit lang daw yun kaya siya nagmumukhang bata.
Syete! Ibig bang sabihin, sa pamamagitan lang ng pagdadamit eh magmumukha din akong college lang? Babata akong muli ng ganun-ganun lang? Ito na ba ang lihim na tinatago ng fountain of youth? Palagay ko ay ito na nga. Kaya minabuti kong maglista ng mga ihahanda kong damit para sa weekend na ito. Susubukan ko kung effective nga ang style na ganun.
Para sa sabado, ang balak kong isout ay:
1. Walang t-shirt
2. Lampin or Diapers
Para naman sa aking accessories:
1. Dede
2. Extrang Tsupon
Pasa sa Linggo. ang balak ko namang isuot ay:
1. T-Shirt na Pocahontas
2. Shorts na Barney
Para naman sa mga accessories:
1. Imbes na dalhin ko ang REVO, dadalhin ko ang Stroller ng aking pinsan.

2 comments:
Pa-ala-ala :
Wag mo ng ituloy ang balak mo, ginawa ko na ito. Hindi siya epektib, dinala lang ako sa kulungan, mabuti na lang at stripes ang suot kong diaper kaya pinalaya agad ako, napagkamalan akong mental baby, kaya inilipat agad sa Mental Hospital for Babies.
BTW, galing ng mga entries mo, ikinalat ko na din ang Turf mo sa kulungan at sa ospital na pinuntahan ko he he he.
hahhahah so, it's only with the clothes we wear eh?!
good luck sa plano mo..ehhehe
happy holidays!
Post a Comment