Tuesday, February 14, 2006

Bakit araw lang ng mga puso?

Ngayon ay araw ng mga puso. Samakatuwid eh maraming magsing-irog ang magsasama ngayon at manonood ng sine, kakain sa labas, o kaya naman ay pupunta sa baywalk para tumambay. Meron ding mangilan-ngilan na pupunta sa Luneta siyempre. Ako naman, simple lang ang gagawin ko ngayong araw ng mga puso. Gagawin ko lang ang madalas kong gawin tuwing Valentine's Day, at iyon ay walang iba kundi magkulong sa kuwarto at magpaka-bitter.*

Ngayong araw ng mga puso eh marami ang hyper ang mga emosyon. Bihira ang nag-iisip ngayon. Kaya nandito ako para maging taga-balance ng lahat. Meron kasi akong mga bagay na naiisip na nais kong i-share. Ng sa gayon eh hindi naman puro puso na lang ang napapansin ngayong araw na ito.

Nagtataka kasi ako kung bakit, sa dinami dami ng parte ng ating katawan, puso lang ang nabigyan natin ng espesyal na araw. Parang violation ata yun ng equal protection clause na nasa ating konstitusyon. Kaya ang suggestion ko sana, bigyan din ng karampatang atensyon ang mga parte ng ating katawan na importante din naman sa ating buhay. Kasi, hindi lang naman puso ang kailangan para mabuhay.

Anyway, nandito ang ilan sa mga araw na pedeng gawing official holiday ng ating gobyerno, upang maalis ang mapaniil na sitwasyon ngayon. Itigil na ang special treatment na binibigay sa puso! Dahil pede din namang.....

January 14 - Araw ng mga Gilagid

February 21 - Araw ng mga Baga

March 15 - Araw ng Wisdom Tooth

April 11 - Araw ng mga Utak

May 13 - Araw ng mga Apdo

June 10 - Araw ng mga Kuko

June 11 - Araw ng mga in-grown

July 8 - Araw ng mga Small Intestines

August 7 - Araw ng mga Large Intestines

September 2 - Araw ng mga Buhok sa Ilong

October 1 - Araw ng mga Atay

November 21 - Araw ng mga Appendix

December 3o - Araw ng mga Tuhod

...hindi ko na nasulat lahat dahil konti lang ang mga alam kong parte ng katawan. Hindi naman kasi ako doktor eh.

Happy Valentine's day sa lahat....lalo na sa akin.

*Joke lang. Hindi naman ako ganoon ka-bitter. Ang totoo eh maglalasing lang ako ngayon.

2 comments:

Anonymous said...

Maganda ang suggestions mo, kaya lang iniisip ko kung may part talaga ng body na appendix and tawag? Question lang, nde naman ako makulit.

Anonymous said...

ngayon lang ulit ako nakapag basa ng blog niyo. tama po kayo, dapat lahat ng parte ng katawan ay meron din mga kanilakanilang araw.!