Wednesday, March 22, 2006

169 and counting...

Effective ang ginawa kong pagpapayat. Kailangan ko talagang ipagmalaki sa mundo na napakalaki ng pinayat ko simula ng magdesisyon akong wag na kumain ng rice. Napakarami na ng mga taong nakapansin na anlaki na ng pinayat ko. Halos araw-araw eh wala akong ibang naririnig mula sa ibang tao kundi - "Cid, ang payat mo ngayon ah!".

Masayang masaya ako kaninang umaga. Kasi, mula sa box na pinadala ng aking tyuhin eh may pinadala siyang weighing scale. High Tech! Kasi digital ang output na makikita mo. Sabi ko sa sarili ko - syete, ano na kaya ang timbang k0 ngayon?!?

May konti akong excitement bago ko tuntungan ko ang weighing scale na yun. Siyempre naglalaro na sa isip ko na malamang ang laki ng ibinaba ng aking weight. Dati kasi, nakakahiya mang aminin eh mga 165 pounds ako. Kaya pakiramdam ko nga eh mas mabigat pa ko kesa sa pinagsama-samang problema ng Pilipinas. Kaya nga nagdesisyon ako na kailangan kong magbaba ng timbang. Natatakot kasi akong magakaroon ng Diabetes at baka maputulan ako ng isang parte ng katawan.

Sabi kasi sa akin, pag may Diabetes ka daw at malala na, pag nagkasugat ka daw eh hindi na gagaling. Kaya ang ginagawa daw, kesa lumala pa lalo, pinuputol na lang ang parte ng katawan na nagkasugat. Baka raw kasi magka-impeksyon. Kaya yung kapitbahay namin na mahilig sa bukayo, nung magkasugat siya sa paa, pinutol yung paa nya. Eh paano kung ulo ang nagkasugat? Puputulin din ba para wag na kumalat ang impeksyon?

Anywayz, balik tayo sa weighing scale.

Pagtuntong ko dun sa scale na yun. Ang ganda! Lumabas ang ilang buwan kong pagtitiis! Nakita ko kung ano ang epekto ng tyagaang pag-iwas sa kanin. Kasi, ang timbang ko ngayon eh 169 pounds!

Isa lang masasabi ko - sinungaling ang weighing scale na yun! Hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan pero may sama siguro ng loob yun sa akin kaya nililinlang nya ko.

Buwiset...

Moral Lesson: Ang pag-iwas sa pagkain ng sinaing ay nakakataba. Lalo na kung yun lang iniiwasan mo.

1 comment:

Anonymous said...

Sa tingin ko eh kaya nde bumababa ang timbang mo kahit iniiwasan mo na ang kanin eh sa dahilang ang utak mo ang mabigat, sobrang dami kaseng ideas na dapat eh ipamahagi mo kaya ganun na lang ang timbang mo. Suggestion lang, iwasan mo na rin kaya ang mais kase ang balita ko eh pareho lang ang carbo content ng dalawa. :p