Kahit gaano kalaki ang pagkakaiba ng mga paniniwala ng mga Pilipino; kahit gaano karami ang relihiyon sa ating bansa; at kahit ano pa ang political affiliation na kinabibilangan ng isang indibidwal, isa ang tiyak ko - pare-pareho lang ang tayo kapag sumasakay sa elevator.
Ito ang na-realize ko kanina ng sumakay ako ng elevator sa PBCom. Doon kasi kami kumain pagkagaling sa banko. Nagpunta ako sa bangko para mangutang sana. Kaso ayaw pumayag kasi kailangan daw may dala kong valid I.D. Ayaw nilang tanggapin yung I.D. kung nung High School.
So un nga, nung sumakay ako ng elevator, napansin ko na parang merong unwritten rules na sinusunod kapag sumasakay ng elevator. Lahat kasi eh iisa lang ang aksyon. Bihira ang hindi nagiging conformist. Ngayon, para maging written na ang dati ay unwritten, eto ang mga rules na dapat sundin....
1. Bawal magsalita.
2. Bawal malikot.
3. Dapat mong tingnan ang LCD display na nag-iindicate kung anong floor na.
4. Kahit automatic ang elevator door, obligasyon ng nasa may harap na pindutin ang close button pag nakalabas na ang bababa sa floor.
5. Imoral ang paghinga ng malakas.
Sa tingin ko eh kumpleto na yan. Pansinin nyo sa susunod na sumakay kayo sa elevator, lahat sinusunod yan.
Ito ang na-realize ko kanina ng sumakay ako ng elevator sa PBCom. Doon kasi kami kumain pagkagaling sa banko. Nagpunta ako sa bangko para mangutang sana. Kaso ayaw pumayag kasi kailangan daw may dala kong valid I.D. Ayaw nilang tanggapin yung I.D. kung nung High School.
So un nga, nung sumakay ako ng elevator, napansin ko na parang merong unwritten rules na sinusunod kapag sumasakay ng elevator. Lahat kasi eh iisa lang ang aksyon. Bihira ang hindi nagiging conformist. Ngayon, para maging written na ang dati ay unwritten, eto ang mga rules na dapat sundin....
Sa tingin ko eh kumpleto na yan. Pansinin nyo sa susunod na sumakay kayo sa elevator, lahat sinusunod yan.
4 comments:
hahhah meron pa, pg-madami kang dala, wag mong ibaba sa floor kse baka maapakan ehehheheh
also, out of courtesy, kahit namamadali ka at meron pa space sa elevator, kailangan mo intayin ung mga nakikita mong humahabol...kahit na madami clang dala, or may anak clang maingay...
makikidagdag na rin sa listahan -- pag meron kang dalang papel na may sulat (kahit sabihin pang di mo naintindihan kung tungkol san un) -- automatic babasahin mo. :-)
pa dagdag.. ito napansin ko..
pag nagmamadali ang taong sasakay pipindutin nya ng sunodsunod at mabilis ang button ng elevator. akala nya bibilis ang pagbaba o pag bukas ng pinto nito.
Post a Comment