Monday, March 06, 2006

Political Statement

Maraming nagtatanong sa akin kung ano raw ang opinyon ko sa nangyayari dito sa Pilipinas. Ano raw ang masasabi ko sa gulo dito? May nagtatanong kung ano ang naiisip kong solusyon sa problema.

Lahat tayo ay may sariling kuro-kuro kung ano ang dapat gawin. Meron diyang magsasabi na dapat ay bumaba na si Gloria. Meron din namang magsasabi na dapat ay tumigil na sa kakakontra ang oposisyon. Siyempre, kung panong may karapatan ang bawat isa na magpahayag ng sarili nilang opinyon, karapatan ko din na magpahayag ng aking opinyon. Kung dati rati ay wala aking kimi, hindi na pede yun ngayon dahil sa papalalang sitwasyon ng ating bansa. Para sa inang bayan, babasagin ko na ang aking katahimikan.

Ano ang solusyon sa gulo? Eto ang mga naisip ko.....

1. IBALIK ANG "THAT'S ENTERTAINMENT" - Kung naalala nyo pa, nung may That's Entertainment pa eh wala namang destabilization na nangyayari. Merong mga coup attempts pero lahat ng yun ay hindi nagtatagumpay. Nung kasikatan ng Thursday Edition ay wala naman akong naalala na nag-declare si Pres. Cory ng "State of Emergency". Kaya na-conclude ko na may kaugnayan sa kaguluhang nagyayari ngayon ang pagkawala ng "That's". Wala pa kong hard evidence pero, sa aking palagay, ang pagsigaw ni German Moreno ng "Walang tulugan!" ang sanhi ng discontentment ng mga sundalo. Mababa na nga naman ang sahod nila eh ayaw pa silang patulugin.

2. GAWING ISANGLIBO ANG PRESIDENTE NG PILIPINAS - Kaya naman nag-aaway ang mga pulitiko eh dahil gusto nila na sila ang maging presidente. Sa madaling salita eh gusto nila ng power. Ngayon, para matapos na ang political bickering, gawin na lang natin na isanglibo ang mga presidente natin. At least, lahat ng gustong umupo eh makakaupo. Hindi na kailangan pa ng mga constitutional convention chuva.

Magulo pag ganun? Eh magulo din naman ngayon eh. So walang magbabago.

3. ITIGIL NA ANG KAHIRAPAN - Paano? Simple lang. Gawin nila kong mayaman. At least may isa na na hindi naghihirap. Isa-isa lang muna siyempre. At dahil ako nakaisip nito, ako ang mauuna.

4. GAWING MANDATORY NA LAHAT NG SUNDALO AY DAPAT MARUNONG MAGCROSS STITCH - "Evil lurks in the mind of an idle man" - ika nga ng isang sobrang sikat na pilosopo (na sa sobrang sikat eh nakalimutan ko na kung ano pangalan niya). Kelan ba bumubuo ng mga plots yung mga sundalo natin? Siyempre kung kelan sila walang magawa! Parang naririnig ko na ang nagiging usapan nila pag ganung mga pagkakataon -

Sundalo 1: Pre, ano ginagawa mo?
Sundalo 2: Wala nga eh. Tambay lang dito sa barracks. Wala kasing gyera, bad trip!
Sundalo 1: Magplano na lang tayo ng coup. Makikita pa tayo sa T.V.
Sundalo 2: Sige!

Kita nyo na ang epekto? Pero kung lahat ng sundalo ay marunong macross stitch, ganito ang magiging usapan nila -

Sundalo 1: Pre, tapos mo na ba yung tinatahi mong winnie the pooh?
Sundalo 2: Hindi pa. Pero malapit na din.
Sundalo 1: Ganun ba? Hiramin ko sana yung pattern eh. Gusto mo mag-coup?
Sundalo 2: Ayoko pre. Madami pa kong tatahiin eh.

Kitams?!? Napakalaki ng pagbabagong nadudulot ng cross stitch.

5. PATAYIN LAHAT NG IPIS - Wala lang. Gusto ko lang.

Ok. Yan na lang muna. Nagampanan ko na ang aking tungkulin bilang mabuting mamamayan.

4 comments:

Anonymous said...

hahaha! umiral na naman ang kakulitan mo. okay sa mga opinyon ha! sige, ipagpatuloy mo yan, Atty! :-)

Anonymous said...

hahaha...iba rin trip mo no?!

but it would be nice to se eour soldiers cross-stitching instead of listening to the bullcrap doming out of their uber-idealistic mouths...

yeah..patayin rin lahat nang ipis...

Anonymous said...

kung gusto mong mapasama sa isang libong presidente, marami susuporta sa'yo...pki-sama ang mga nabanggit mo sa plataporma. ;-)

Anonymous said...

Okei yn! 2lungan p kita s pagpatay ng mga nkkdiring ipis... pero kaw muna, nsa likod mo lang aq... :)