Tuesday, March 28, 2006

Usapang mature

Client 1: Pre, kumusta na nga pala si Onse?

Client 2: Sinong Onse?

Client 1: Yung anak ni Aling Pasing. Yung kapitbahay natin sa Novaliches.

Client 2: Si Neil! Pare naman, mga propesyonal na tayo. Hindi porke't onse yung daliri ng tao eh "Onse" pa ring ang itatawag natin sa kanya. Hindi na tayo bata. Engineer na yun baka hindi mo alam?!?

Client 1: Ganun ba?

Client 2: Oo. Kaya wag na nating tawagin yun sa palayaw nya nung bata. Matatanda na tayo. Hindi na tama na gumamit pa tayo ng mga tawagang pambata. Baka mamaya propesyonal na pala yung tinutukoy natin eh.

Client 1: Ok.

(After 10 minutes)

Client 1: Nga pala, musta na si Ulo?

Drum Roll.........

5 comments:

Anonymous said...

haha...grabe, eh andami ko pla mababastos next class reunion :D

Anonymous said...

Kulit nun ah. Hehehehehe

Anonymous said...

Bakit nga ba Ulo?

Anonymous said...

si putol, si tenga, si abo...sa amin nga may si kalabaw pa e! only in the pilipins, he he

Anonymous said...

Malaki ba 'yung ulo nu'ng ULO? :p

Ayokong tinatawag ako sa pangalang hindi ko naman nickname or real name. Nakakainsulto. Lalo na without my consent. :|