Monday, July 11, 2005

Man is a dog's bestfriend

May aso na kami!!!

Medyo super-delayed reaction ito dahil nung linggo pa siya nasa amin. Siya ay isang pitbull na dating adik at walang ginawa kundi umiyak sa madaling araw. Malakas tlaga ang kutob ko na adik dati ang aso na yun. Kasi feeling nya yta tao siya na kailangang samahan sa pagtulog.

Anyway, nakakatuwa kasi pumayag sila papa na kunin namin yung aso* na yun. Matagal na rin kaming walang alagang aso. Actually eh nakakatatlo na kaming alagang aso. Yung una eh si shadow - ang asong naglayas. Pangalawa eh si benedicta - ang asong na-halina perez. Pangatlo eh is indiana - and asong na-depress kaya nag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon sa creek. Nde ko alam kung anong sumpa meron ang pamilya namin at laging malagim ang kamatayan na inaabot ng mga aso na inaalagaan namin. Kung may fairy godmother ang mga aso, malamang eh matagal na kaming sinumpa at ginawang aso.

Pero this time eh iba na talaga. Kung anumang kamalasan ag meron kami eh pina-cast-out na namin. Tiyak na magtatagal itong aso naming bago dahil aalagaan namin ng todo. Pinapabili nga ako ni papa ng tali para daw pag umaga eh napapasyal nya ung aso. Naks naman! Ang sweet!
Maiba lang, sa feeling ko eh sabik na ito si papa magka-apo eh. Para meron siyang inaalagaan siguro. Gusto ko man siya bigyan eh wala akong maitutulong. Nde naman ako organism na asexual ang means of resproduction.

Ngayon, balik sa aso.

Pinag-iisipan ko kung ibibili ko ng dog food yung aso namin. Bka kasi masira ulo pag mismis ang pinakain. Bka magbigti eh. Kaso iniisip ko nman, kung sanayin yun sa dog food, baka ako namn ang magbigti sa gastos. Anyway, tingnan ko na lang mamaya.

*Wala pa pangalan eh. Binigyan ko na dati kaso babae pla siya kaya nde bagay.

Sunday, July 10, 2005

Fear 101-A

Sobrang kulang ako sa tulog ngayon. Pano ba naman, 3 am pa lang eh gising na ako kanina. Bakit? Dahil sa isang buwisit na ipis!

Ayos na sana yung tulog ko kagabi eh. Kaso nga, bandang madaling araw eh nagising ako dahil naramdaman ko na merong insekto na ginagawang luneta yung hita ko. At siyempre pa, ng mamulat ako eh na-confirm ko nga na isang ipis ang (day-off yata) at naisipang pasyalan ang hita ko. Ang reaksyon ko ay ang karaniwang reaksyon ng isang machong katulad ko, bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga tapos eh napasigaw ng konti. Buti na lang at nde nagising sila papa, kung nagkataon eh na-boldyak pa ako.

Tinangka kong patayin yung ipis pero masyado siyang makapangyarihan para sa akin. Nung nakakuha na ko ng pamalo eh bigla siyang nawala. Parang gusto ko tuloy isipin na nakaimbento na ang mga ipis ng invisible suit para nde ko sila makita kapag may hawak akong tsinelas. Nde na tuloy ako nakatulog ulit. Pano ko makakatulog ulit eh lam ko na, sa ilalim ng kama ko, may isang ipis na anytim ehe pede na naman akong gapangan.

Hindi ko na ma-trace kung san nag-ugat ang takot ko sa ipis. Basta ayoko silang nakikita. Mas may composure pa siguro ako kung may naka-ambang na cobra sa akin, o isang pating ang papalapit sa kin at handa akong sakmalin, kesa may isang ipis na papalipad at parang desidido nang sa akin dumapo. Pag ganun ang nangyari eh parang nawawalan ako ng ulirat.

Ano ba talaga silbi ng ipis? Hindi naman sila nahihingahan ng problema. Hindi din sila ka-aya-aya sa panging. At lalo namng nde sila nakakain. (Pera na lang kung sasali ka sa fear factor.)
Minsan ang style ko pag may nakikita kong ipis sa bahay eh kinakausap ko siya. Literal! sasabihin ko - "ok. Nde kita gagalawin dyan. Bahala kang mag-ala-spiderman dyan sa kisame. Pero wag kang lilipad. At lalong wag kang dadapo sa kin." Maniwala kayo sa nde, 85% of the time eh tlagang nde nila ako liliparan. Kaya naniniwala ako na nakakaintindi din naman ang mga ipis. Yung other 15% na dumadapo sa kin, sa tingin ko eh sila yung mga ipis na walang pinag-aralan.

In fairness sa Cavite, bihira lang ako makakita ng ipis dito. Hindi katulad sa Tondo. Meron yatang frat ng mga ipis dun, at malapit sa dati naming bahay ang meeting place nila. Grabe dun. Tsaka ang mga ipis dun eh matitindi ang immune system. Isang beses eh nagising ako ng madaling araw, tapos pagbaba ko eh may nakita kong ipis na hinihithit yung baygon. Yun yata ang pinaka-drugs nila eh. Kaya ang mga ipis dun, kapag sinubukan mong apakan, nde mo madidiin yung apak mo. Napipigilan ka kasi nila sa sobrang lakas. *

Mamaya eh sa kabilang kuwarto ako matutulog. Feeling ko eh mas safe dun. Babalik lang ako sa kuwarto ko kapag naka-receive na ko ng memo galing dun sa ipis na pumasok sa kuarto ko kaninang umaga, na nagasasabing umalis na siya.

*Kasinungalingan na ito pero ano ngayon?

Friday, July 08, 2005

Since when did saturday become a weekday?

Sabado ngayon. Nakapagtataka man eh nandito ko sa office. Kaya siyempre, bago pa man unahin ang anumang trabaho, blog muna.

The recent turn of events in our country has prompted me to write something serious for a change. I believe that it is my inherent duty as a Filipino citizen to partipate in the call for national unity. Therefore, I beseech my fellowmen to please exercise some form of political sobriety, to prevent this country from further falling into an economic blackhole.

Sa wikang tagalog, nde pa ako nag-aalmusal.*

Kesa magsulat ako tungkol sa kaguluhan sa bansa, naisip ko na lang na magsulat tungkol sa kaguluhan sa aking pamilya. Ang isusulat ko na lang ay tungkol sa mga homo sapiens na nakatira sa bahay. Ito ay pinamagatang - "The Andeza Family - An attempt to take a closer look at something far."

PAPA (a.k.a. Diagoras) - Kapag nakikita ko si papa eh nakakaramdam ako ng takot. Nde dahil gugulpihin nya ko, kungdi dahil sa siya ang simbolo ng aking future self - la ng buhok pero nagsusuklay pa. Pero kakaiba ito si papa. Nagagalit siya kapg nag-rereduce kami at masyado daw kaming maarte. Kapag ang ulam ay baboy, ayaw nya ng nde kakainin ang taba dahil nde naman daw yun taba, yun daw ay liempo. Pero ngayon, nagsasabi na si papa na nagbabawas na siya kumain. Nakapagtataka lang na, minsan pag madaling araw eh nagigising ako, siya ay nakikita kong kumakain ng tahimik sa ibaba. Si papa din ay biglang nagkakaroon ng importanteng lakad kapag hinihiram ko ang sasakyan. Sa di malamang kadahilanan, at dulot ng hiwaga na hindi ko maarok, tyempo lagi na kapag gagamitin ko ang sasakyan ay meron siyang importanteng lakad. Nde naman siguro dahil ayaw nya lang pagamit sa kin.

MAMA (a.k.a. ELVIRA) - si mama ay dating gym-aficionado. Madalas siyang mag-aeorobics nung kami ay naninirahan pa noon sa tondo. Pero ang teorya ko, kaya nya yun ginagawa eh para lang magpagutom ng todo. Kasi pagkatapos ng kanyang aero-session eh todo naman ang kain nya sa bahay. Si mama din ang pinakamadalas bumili ng suklay. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit parang nde naman yta siya gumagmit nun. Lagi kasi magulo ang buhok. Madalas din si mama mag-imbento ng kung anon-anong luto. Yung iba ay ok naman. Yung iba nga lang eh parang wlang pinag-kaiba sa pinapakain sa mga tinotorture nung middle ages. Si mama rin ang accountant ng bahay, lagi mong makikita sa isang sulok, may hawak na notebook, at nagko-kompyut. Bilib ako dahil napagkakasya niya ang budget kahit na ang mga kumakain sa bahay ay mas malakas pang lumapa kesa sa mga tigre na patay gutom.

CYBILL (a.k.a PIQS) - siya ang english major na isa na ngayong opisyal na koreano. Nagtuturo ng english sa mga nde marunong mag-english. Siya rin ang supplement ko sa credit. card na kung gumastos eh ang akala yta immune kami sa demanda. Lagi nyang kasama si Piqs kahit san man siya magpunta. Kung merong hari ng sablay, eto naman ang reyna ng taray. Lalo na pag ang bf nya ng si piqs ang kausap. Laging nangangarap na magpa-rebond ng buhok dahil nagmana siya sa buhok ni mama.

CHRISTINE (a.k.a Sexy Daw) - maituturing na pinakamakapal na mukha na miyembro ng pamilya. Laging pinagkakalat na siya ay sexy samantalang mas mataba pa siya sa nanay na nagdadalang tao. Malakas kumain ng junk foods. At ginagawang source ng load ang aking cellphone. Magaling mamili ng kabiyak sa buhay. Ang mga tipo nya eh yung mga mukhang dating tao, o dili naman kaya eh yung security guard ng bangko. Kasalukuyang nag-aaral ng nursing at nagbabalak na pumunta ng amerika upang sundan si Tito Edwin.

CINDY (a.k.a. RAF) - siya ang bunso na kung umasta eh para siyang panganay. Malakas din kumain at mag-pasaload habang ako ay natutulog. Malakas ang loob makipag-usap sa cellphone palibhasa eh subscriber din ng sun cellular. Isa sa pinakamalakas uminom na babaeng nakita ko sa buong 25 years ng buhay ko. Nahuli dati ni papa na lasing pag-kagradweyt nung high school. Nursing din ito at ginagawang pampatulog ang pagbabasa ng libro. Quite recently eh na-heartbroken ang lola. Ngayon eh unti-unting bumabangon sa pamamagitan ng pagbabago ng kasarian - isa na ngyon siyang tomboy.

CID (a.k.a. AKO) - ang pinakaperpektong miyembro ng pamilya. Walang bahid o galos man lamang ng ksamaan.

*Nde talaga bagay na magseryoso ako.

Thursday, July 07, 2005

A night spent in introspection

Kagabi eh ginabi na ko ng uwi.* Kasama ko kasi sila ana at jaq. Napahaba ang kuwentuhan namin sa starbucks kaya medyo gabi na ko nakapunta ng pila sa van. Habang naglalakad papunta sa pila eh napatingin ako sa paligid ko. Ibang mundo pala ang makati kapag gabi na.
Ibang-iba talga.

Maganda siya kasi puro ilaw. Pag tinitingnan ko yung mga building eh parang nakakakita ako ng miniature version ng milky way. Ako kasi eh mahilig tumingin sa mga bituin. Kaya nakakatuwang isipin na, kung medyo tamang imagine** ka pala, pede mong isipin na napapaligiran ka ng mga malilit na bituin habang naglalakad sa kahabaan ng dela rosa.

Ironic.

Ironic kasi meron kayang nakakapuna sa makati sa ganitong aspeto? Kasi sentro eto ng pasukan ng trabaho dito sa Pilipinas. Kaya i'm sure, sa isa sa mga building na nakikita ko kagabi, merong isa o higit pa na empleyado na nagmamaktol dahil gabi na eh nagtratrabaho pa din sila. O kaya naman eh meron din isa dun na gabi na eh nde pa kumakain kasi may meeting sila. Naiisip kaya nila na habang ganun ang pinagdadaanan nila, merong isang tao sa ibaba (guapo yun ciempre) na ang iniisip eh nakatira sila sa bituin?

Isa pang aspeto ng makati na nakita ko kagabi eh - may pagka-melancholic din pala ito pag gabi na.

Kasi habang naglalakad nga ko kagabi eh wala akong nakikitang tao. Well, meron akong nakasabay na mukhang indian. (Gusto ko nga sanang utangan ng 5-6 kaso baka sumigaw ng holdaper.) Pero bukod sa kanya eh parang isa lang akong kaluluwa na naglalakad dun. Taliwas sa nakikita ko sa dela rosa sa umaga kasi napakaraming tao.

As usual, napa-isip ako.

Natitiyak ko na maraming naglalakad papunta sa sakayan pauwi sa kanila na kagaya ko...mag-isa lang. Sigurado ako na nag-iiisip din sila at madaming napapansin kasi nga walang kausap. kaya ako eh nililibang ko sarili ko sa mga ganung sitwasyon. Madalas eh kumakanta ako mag-isa. Pero siyempre, kalaunan eh nakakatamad din na lagi na lang kinakantahan ang sarili. Kaya, kagaya ng karamihan siguro dito sa makati, isa lang ang tanong ko nung kagabi - hanggang kailang kaya ako mag-isang maglalakad pauwi?

*Ciempre, alangan namang kahapon ng umaga eh ginabi na ko ng uwi. Labo.

*Cguro lalo na kung nakainom.

Wednesday, July 06, 2005

A typical day in the life of a superstar

5:30 am: Tutunog ang cellphone ko na nakaset sa ganitong oras.

5:35 am: Papatayin ko ang alarm clock at matutulog ulet.

6:00 am: Magigising sa sigaw ni mama na "gumising ka na".

6:05 am: Matutulog ulit.

6:30 am: Muling magigising sa sigaw ni mama na "Ano ka ba?! Wala ka bang balak pumasok!??! Anong oras na oh?!"

6:35 am: Matutulog ulit pag-alis ni mama.

7:00 am: Magigising at matataranta dahil alas-siyete na. Tpos eh tatanungin si mama kung bakit nde ako ginising.

7:01 am: Babatukan ni mama.

7:02 am: Maliligo.

7:03 am: Matatapos maligo.

7:04 am: Magbibihis at sisigaw ng "Mama! Nasan na yung sando ko?! Lady sando na naman ang nandito sa cabinet ko!"

7:06 am: Mahahanap ang sando at tuluyan ng makapagbibihis.

7:10 am: Kakain pagtapos ay magsisipilyo.

7:20 am: Aalis na upang pumasok.

7:30 am: Nasa pila na ng van papuntang makati.

7:35 am: Pag sinuwerte eh nakasakay na ko.

7:35 to 8:35 am: Matutulog sa byahe.

9:00 am: Darating sa opisina at sisihin ang trapik.

9:10 am: Check ng email at friendster.

10:00 am: Work.

10:15 am: Blog muna para relax.

11:00 am: Work ulit.

11:45 am: Punta sa kusina para maunahan ang mga boss sa pagpili ng ulam.

12 to 1:00 pm: Kain ng tanghalian with matching kuwetunhan.

1:10 pm: Magsisipilyo at magmumumog ng listerine.

1:12 pm: Masasaktan ang bibig dahil masyadong matapang pala ang nalagay na listerine.

1:15 pm: Iidlip

2:00 pm: Magigising dahil dumaan ang boss.

2:10 pm: Matutulog ulit pag sigurado ng nde dadaan ang boss.

3:15 pm: Gigising ng mainit ang gulo dahil masakit ang leeg.

3:20 pm: Work

4:40 pm: Meryenda

4:45 pm: Tingin sa bintana ng building.

4:50 pm: Work.

5:00 pm: Uwian na.

5:10 pm: Pila sa van pauwing cavite.

5:20 pm: Pag sinuwerte, nakasakay na ulit ako sa ganitong oras.

5:30 to 6:30 pm: Tulog sa loob ng van.

7:00 pm: Nasa bahay na.

7:00 pm: Kakain ng tirang ulam nung tanghali.

7:30 pm: Manonood sandali ng kahit ano sa TV.

8:30 - 10:00 pm: Mangangarap na merong GF na kausap sa phone.

10:30 pm: pipiliting matulog.

.......di ko na lam kung anong oras ako exactly nakatulog kasi nga tulog na ko nun. Bukas eh ganun ulit.

Tuesday, July 05, 2005

Time flies silently

Umuulan ngayon dito sa Makati. Akala ko nga eh walang pasok. Naghihintay ako ng announcement sa radyo ng may biglang pumasok sa isip ko - hindi na nga pala ako estudyante. Kaya wa epek din sa akin kung magdeklara man ang DECS.

Ang plano ko sana eh ipagpatuloy yung blog ko tungkol sa batman. Kaso, katulad ng plano na pinaplano, nde natuloy. Kaya kung may plano kayo na gusto nyong matuloy, ang tip ko eh wag nyo itong planuhin.

Maganda ang nabasa ko kanina sa email ko. At yun ang dahilan ng blog ko na ito. Ikakasal na pala sila John at Myth. Sila yung mga ka-batch ko nuon nung nag-internship ako sa Ateneo Human Rights. Lam ko eh naging sila after nung internship namin. Ibig sabihin eh 5 years na silang "sila". Sa Cebu ang kasalan at pupunta ko siyempre. Gusto ko kasi silang batiin personally.
May kumatok na naman sa utak ko. 5 years? Limang taon na pala ang nakakaraan mula nung nag-aral ako ng law. Parang ganun-ganun lang pala lumipas ang limang taon. Halos hindi ko namalayan na naglakad na pala yung panahon. Naisip ko yung mga masasayang panahon ko nung law school. At siyempre, malaking bahagi ng law school experience ko si angel. Bigla ko tuloy naalala na hindi naman pala ako single-since-birth.

Kung bakit kami nagkahiwalay ni angel eh pinagsama-samang dahilan. Aminado ako na malaki din ang kasalanan ko sa kanya. At siguro, sa loob ng puso nya eh alam nyang hindi biro rin ng sakit na naramdaman ko nuon. Pero natutuwa ako at dumaan siya sa buhay ko. marami akong natutunang bagay tungkol sa sarili ko dahil sa kanya. At masasabi kong nag-mature din ako kahit papano sa pag-handle ng relasyon dahil sa kanya. Higit sa lahat, natuto ako kung pano magmahal ng parang wala ng bukas na naghihintay. (And hindi ko lang alam eh kung may natutunan siya sa akin bukod sa pagkain kay aling taleng at ang panonood ng sine sa orchestra, kahit balcony lang ang binayaran.)

Naisip ko rin na matagal na pala kong single na single. Matagal na palang nde "in a relationship" ang status ko sa friendster. Kung panong may advantage eh may disadvantge din ang walang ka-duet. Pero, ang problema, pag matagal ka nang soloista, nde mo na gaano nakikita yung mga advantages. Medyo blurred na yun. Ang nakikita mo na lang eh yung kamay mo na nalulungkot kasi walang isa pang kamay na humahawak.

Siguro minsan talaga eh makikipaglaro sayo ang tadhana tapos, pag ikaw na ang taya, nde na siya sasali. Maiiwan ka tuloy na naglalarong mag-isa.

Monday, July 04, 2005

Begins ba ang surname ni Batman?

Medyo inaantok pa ko ngayon.

Birthday kahapon ni mami peyat kaya nasa Tondo kami lahat. Ang handa niya ay manok na may pinya atsaka nilagang saging. Actually, nilagang baboy daw yun pero wala na kasi akong nakitang baboy eh. Puro saging na lang natira dahil sa mga kapatid ko. Anyway, ang isa sa pinaka-abangan kong kainin dun eh yung chicharong bituka. Tagal ko na kasing nde nakakatikim ng healthy food na yun eh. Para sa isang katulad kong health buff, malaking bagay yun.

Matagal maluto ang bituka in fairness. Kaya naisipan muna naming manood ng sine sa SM. Sakto kasi gusto ko panoorin yung batman begins. So, kasama si cybill, piqs, leo, kelly, at alex eh nanood kame. At isa lang masasabi ko....

GANDA!

Maganda talaga ang batman begins. Although mas maganda ang Spiderman 2, ang batman ang isa sa mga nagustuhan kong palabas ngayon taon na ito. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit si renz verano ang nagdub ng boses ni batman. sobrang husky kasi eh.

Ngayon din eh opisyal ko nang idindeklara na umiibig ako kay katie holmes. At kung sakaling mag-krus ang landas namin eh aagawin ko tlaga siya kay Tom Cruise. Ganda nya kasi dun sa movie. Cute na lawyer. Bukod sa akin eh siya pa lang ang lawyer na nakikita kong cute.

Madami akong natutunang mga aral sa pelikula. Halimbawa na lang eh ang pagharap sa iyong takot. Si batman eh takot sa paniki kaya hinarap nya yun. Kya naisip ko eh mamaya mismo pag-uwi eh maghahanap ako ng ipis sa bahay tpos papaliparin ko ng paikot-ikot sa akin. Gagayahin ko talaga si batman na pinalipad paikot-ikot ang mga paniki sa sarili nya.

Natutunan ko din na magandang kulay pala ng custome ang itim. Nakakapayat kasi eh.

Inaantok pa din ako. Kagabi eh andami ko naiisip na isulat tungkol sa batman tpos ngayon eh nawala lahat. Bukas na lang. Mamayang gabi eh matutulog ako ng maaga.

Moral Lesson: Imbes na gumising ng maaga para wag ma-late sa trabaho, kumpletuhin n lang ang tulog para maganda ang magawang blog.