Tuesday, July 05, 2005

Time flies silently

Umuulan ngayon dito sa Makati. Akala ko nga eh walang pasok. Naghihintay ako ng announcement sa radyo ng may biglang pumasok sa isip ko - hindi na nga pala ako estudyante. Kaya wa epek din sa akin kung magdeklara man ang DECS.

Ang plano ko sana eh ipagpatuloy yung blog ko tungkol sa batman. Kaso, katulad ng plano na pinaplano, nde natuloy. Kaya kung may plano kayo na gusto nyong matuloy, ang tip ko eh wag nyo itong planuhin.

Maganda ang nabasa ko kanina sa email ko. At yun ang dahilan ng blog ko na ito. Ikakasal na pala sila John at Myth. Sila yung mga ka-batch ko nuon nung nag-internship ako sa Ateneo Human Rights. Lam ko eh naging sila after nung internship namin. Ibig sabihin eh 5 years na silang "sila". Sa Cebu ang kasalan at pupunta ko siyempre. Gusto ko kasi silang batiin personally.
May kumatok na naman sa utak ko. 5 years? Limang taon na pala ang nakakaraan mula nung nag-aral ako ng law. Parang ganun-ganun lang pala lumipas ang limang taon. Halos hindi ko namalayan na naglakad na pala yung panahon. Naisip ko yung mga masasayang panahon ko nung law school. At siyempre, malaking bahagi ng law school experience ko si angel. Bigla ko tuloy naalala na hindi naman pala ako single-since-birth.

Kung bakit kami nagkahiwalay ni angel eh pinagsama-samang dahilan. Aminado ako na malaki din ang kasalanan ko sa kanya. At siguro, sa loob ng puso nya eh alam nyang hindi biro rin ng sakit na naramdaman ko nuon. Pero natutuwa ako at dumaan siya sa buhay ko. marami akong natutunang bagay tungkol sa sarili ko dahil sa kanya. At masasabi kong nag-mature din ako kahit papano sa pag-handle ng relasyon dahil sa kanya. Higit sa lahat, natuto ako kung pano magmahal ng parang wala ng bukas na naghihintay. (And hindi ko lang alam eh kung may natutunan siya sa akin bukod sa pagkain kay aling taleng at ang panonood ng sine sa orchestra, kahit balcony lang ang binayaran.)

Naisip ko rin na matagal na pala kong single na single. Matagal na palang nde "in a relationship" ang status ko sa friendster. Kung panong may advantage eh may disadvantge din ang walang ka-duet. Pero, ang problema, pag matagal ka nang soloista, nde mo na gaano nakikita yung mga advantages. Medyo blurred na yun. Ang nakikita mo na lang eh yung kamay mo na nalulungkot kasi walang isa pang kamay na humahawak.

Siguro minsan talaga eh makikipaglaro sayo ang tadhana tapos, pag ikaw na ang taya, nde na siya sasali. Maiiwan ka tuloy na naglalarong mag-isa.

No comments: