Thursday, July 14, 2005

With trembling hands, I smashed

May kakaibang pangyayari kagabi. Ako ay naglaro ng badminton dun sa may sta. ana. Kakaiba ito dahil siya lang yata ang physical exercise, bukod sa judo, na nag-enjoy ako.

Masaya pala maglaro ng badminton. First time kung maglaro nun eh. Well, nag-babadminton din ako dati sa Tondo pero ang gamit ko lang na raketa eh yung bon-bon*. Ngayon eh toto ng raketa ang gamit. At sa totoong Badminton Court na rin. Nde katulad sa Tondo na ang laruan namin eh sa kalsada, kaya tuwing may dadaan na sasakyan eh nagkukumahog kaming makaiwas. Eniweyz, enjoy ako sa pagpalo sa lumilipad na bola na gawa sa balahibo ng ibon. Ang hindi ko lang alam eh kung normal lang ba sa larong badminton ang nagdidilim ang paningin sa hingal.

Nde ko pa gaano alam ang rules ng badminton. May alam na akong ibang rules pero ito ay nalilimitahan lamang sa mga sumnusunod:

1. Hindi mo pedeng hampasin ng raket sa mukha ang iyong kalaban kapag nilalampaso ka na sa laro. Ang pede lang yatang hampasin eh yung kakampi mo, kasi pede mo sabihin na hindi mo sinasadya.

2. Ang linya sa gitna ng badminton court ay nde para sa patotot. Inuulit ko, walang patotot sa badminton.

3. Kahit "in" sa court ang iyong smash na tira, nde ito counted kapag sa kabilang court "naka-in". Kahit doubles ang laro eh isa lang ang badminto court na ginagamit.

4. Nde maari na basta-basta lumipat sa kabilang team kapag napansin mong mas malakas na kakampi ang kabila. Nde katulad ng pulitika sa pilipinas, required ang delicadeza sa badminton.

Iyan pa lamang ang mga rules na natutunan ko sa badminton. Pero siyempre, beginner pa lang ako eh. Pasasaan din ba at magiging sikat din akong badminto player katulad na lamang nila paeng nepomuceno at akiko thompson.

Sa tingin ko kagabi eh madami akong na-burn na fats. Mas lalo na nung matapos ang laro. Kumain kasi ako sa pizza hut ng 2 slices ng pizza, isang spaghetti, at 1/4 na manok. Napagod ako ng todo sa pagnguya. Sobra din pawis ko sa hot sauce.
MORAL LESSON: Masarap ang magbadminton. Pero di hamak na mas masarap ang bulalo at fried rice.

No comments: