Sunday, July 10, 2005

Fear 101-A

Sobrang kulang ako sa tulog ngayon. Pano ba naman, 3 am pa lang eh gising na ako kanina. Bakit? Dahil sa isang buwisit na ipis!

Ayos na sana yung tulog ko kagabi eh. Kaso nga, bandang madaling araw eh nagising ako dahil naramdaman ko na merong insekto na ginagawang luneta yung hita ko. At siyempre pa, ng mamulat ako eh na-confirm ko nga na isang ipis ang (day-off yata) at naisipang pasyalan ang hita ko. Ang reaksyon ko ay ang karaniwang reaksyon ng isang machong katulad ko, bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga tapos eh napasigaw ng konti. Buti na lang at nde nagising sila papa, kung nagkataon eh na-boldyak pa ako.

Tinangka kong patayin yung ipis pero masyado siyang makapangyarihan para sa akin. Nung nakakuha na ko ng pamalo eh bigla siyang nawala. Parang gusto ko tuloy isipin na nakaimbento na ang mga ipis ng invisible suit para nde ko sila makita kapag may hawak akong tsinelas. Nde na tuloy ako nakatulog ulit. Pano ko makakatulog ulit eh lam ko na, sa ilalim ng kama ko, may isang ipis na anytim ehe pede na naman akong gapangan.

Hindi ko na ma-trace kung san nag-ugat ang takot ko sa ipis. Basta ayoko silang nakikita. Mas may composure pa siguro ako kung may naka-ambang na cobra sa akin, o isang pating ang papalapit sa kin at handa akong sakmalin, kesa may isang ipis na papalipad at parang desidido nang sa akin dumapo. Pag ganun ang nangyari eh parang nawawalan ako ng ulirat.

Ano ba talaga silbi ng ipis? Hindi naman sila nahihingahan ng problema. Hindi din sila ka-aya-aya sa panging. At lalo namng nde sila nakakain. (Pera na lang kung sasali ka sa fear factor.)
Minsan ang style ko pag may nakikita kong ipis sa bahay eh kinakausap ko siya. Literal! sasabihin ko - "ok. Nde kita gagalawin dyan. Bahala kang mag-ala-spiderman dyan sa kisame. Pero wag kang lilipad. At lalong wag kang dadapo sa kin." Maniwala kayo sa nde, 85% of the time eh tlagang nde nila ako liliparan. Kaya naniniwala ako na nakakaintindi din naman ang mga ipis. Yung other 15% na dumadapo sa kin, sa tingin ko eh sila yung mga ipis na walang pinag-aralan.

In fairness sa Cavite, bihira lang ako makakita ng ipis dito. Hindi katulad sa Tondo. Meron yatang frat ng mga ipis dun, at malapit sa dati naming bahay ang meeting place nila. Grabe dun. Tsaka ang mga ipis dun eh matitindi ang immune system. Isang beses eh nagising ako ng madaling araw, tapos pagbaba ko eh may nakita kong ipis na hinihithit yung baygon. Yun yata ang pinaka-drugs nila eh. Kaya ang mga ipis dun, kapag sinubukan mong apakan, nde mo madidiin yung apak mo. Napipigilan ka kasi nila sa sobrang lakas. *

Mamaya eh sa kabilang kuwarto ako matutulog. Feeling ko eh mas safe dun. Babalik lang ako sa kuwarto ko kapag naka-receive na ko ng memo galing dun sa ipis na pumasok sa kuarto ko kaninang umaga, na nagasasabing umalis na siya.

*Kasinungalingan na ito pero ano ngayon?

No comments: