Kagabi eh ginabi na ko ng uwi.* Kasama ko kasi sila ana at jaq. Napahaba ang kuwentuhan namin sa starbucks kaya medyo gabi na ko nakapunta ng pila sa van. Habang naglalakad papunta sa pila eh napatingin ako sa paligid ko. Ibang mundo pala ang makati kapag gabi na.
Ibang-iba talga.
Ibang-iba talga.
Maganda siya kasi puro ilaw. Pag tinitingnan ko yung mga building eh parang nakakakita ako ng miniature version ng milky way. Ako kasi eh mahilig tumingin sa mga bituin. Kaya nakakatuwang isipin na, kung medyo tamang imagine** ka pala, pede mong isipin na napapaligiran ka ng mga malilit na bituin habang naglalakad sa kahabaan ng dela rosa.
Ironic.
Ironic kasi meron kayang nakakapuna sa makati sa ganitong aspeto? Kasi sentro eto ng pasukan ng trabaho dito sa Pilipinas. Kaya i'm sure, sa isa sa mga building na nakikita ko kagabi, merong isa o higit pa na empleyado na nagmamaktol dahil gabi na eh nagtratrabaho pa din sila. O kaya naman eh meron din isa dun na gabi na eh nde pa kumakain kasi may meeting sila. Naiisip kaya nila na habang ganun ang pinagdadaanan nila, merong isang tao sa ibaba (guapo yun ciempre) na ang iniisip eh nakatira sila sa bituin?
Isa pang aspeto ng makati na nakita ko kagabi eh - may pagka-melancholic din pala ito pag gabi na.
Kasi habang naglalakad nga ko kagabi eh wala akong nakikitang tao. Well, meron akong nakasabay na mukhang indian. (Gusto ko nga sanang utangan ng 5-6 kaso baka sumigaw ng holdaper.) Pero bukod sa kanya eh parang isa lang akong kaluluwa na naglalakad dun. Taliwas sa nakikita ko sa dela rosa sa umaga kasi napakaraming tao.
As usual, napa-isip ako.
Natitiyak ko na maraming naglalakad papunta sa sakayan pauwi sa kanila na kagaya ko...mag-isa lang. Sigurado ako na nag-iiisip din sila at madaming napapansin kasi nga walang kausap. kaya ako eh nililibang ko sarili ko sa mga ganung sitwasyon. Madalas eh kumakanta ako mag-isa. Pero siyempre, kalaunan eh nakakatamad din na lagi na lang kinakantahan ang sarili. Kaya, kagaya ng karamihan siguro dito sa makati, isa lang ang tanong ko nung kagabi - hanggang kailang kaya ako mag-isang maglalakad pauwi?
*Ciempre, alangan namang kahapon ng umaga eh ginabi na ko ng uwi. Labo.
*Cguro lalo na kung nakainom.
No comments:
Post a Comment