bantay ako sa tindahan nmin dati. eto ang mga experiences ko kya pinasara ko na ang tindahan nmin.
1. may batang bumbili. sabi nya "pagbilan nga po." ciempre tnong nman ako, "ano yun?" sabi nung bata "pagbilan nga po ng EVERYBODY." ang nasa isip ko eh baka bgong chiz curls yun oh kung anuman. hanap ako eh wla naman. tinanong ko yung bata "ano bang EVERYBODY yun?" sabi niya - "yung baterya po". ha!!!????
2. sabi ni mama sa akin "pen, ano, magkano ba itong ox?" isip naman ako kung ano yung ox. hinde ko tlga maisip kya nagtnong na ko, sabi ko - "ano bang ox yan?". sbi ni mama - "itong candy." ha???tiningnan ko yung candy. "ma nde yan ox, XO yan..baligtad hawak mo!"
3. bad trip din ang mga taga-tondo na walang magawa. yun bang tipong nakahiga ka sa tindahan eh magtri2p. sasabihin ng mga ungas - "meron ba kayo ng wala?", "pagbilan nga ng araro.", "may malamig ba kyong bola ng apoy?", "baklang balyena nga isa", "yelo nga. yung mainit", among others. pramis, ilang beses na ko muntik mapatay at makapaty dhil dito.
4. yung mga bata din na makukulit. plibhasa maliliit pa kya nguso lng ang panturo nila kung ano gusto nila bilhin. bibili sila tpos nguso ang guiding light ko. siyempre coconfirm ko - "eto ba?" (hawak ang isang chiz curls) "nde po" (hawak ulit ng ibang chiz curl) "eto ba?" "nde po"..so on and so forth na yan. abutin ka ng 2 hours bgo mo makumpirma kung ano gusto nya. in the end, mlamn mo eh kulang pla pera nya.
5. mga bata uling bumibili. nde ko alam kung mali lng ang intindi nila sa mga utos ng mga magulang nila. o di naman kaya eh adik ang nag-utos sa knila. either way, mababaliw ka sa mga gusto nilang bilin. halmbawa ay ang mga ss :
a. art paper nga yung pang-grade 6. - ha?! kailanpa nagkaron ng ganun at ano ang itsura nun?
b. yellow pad nga yung itim. - hellow!!! kaya ngatinawag na yellow!
c. sardinas nga yung green. (bibgay ko naman,maya2 eh babalik) sabi ng po tatay ko bkit didaw maanghang? - ha!!?? unang-una, nde ako angmanufacturer nyan. pngalawa, kelan pa nagingmaanghang ang green na sardinas?!! BOMALABS!
dami pang nangyari at mga sinabi. nde ko na sinulat lhat. basta ang mhalaga, sarado na angtindahan namin. nde ko na kailangan ma-torture ulit sa pagbabantay.
No comments:
Post a Comment