last december, nag-start ako mag-work sa isang law firm dito sa makati na itago na lang natin sa pangalang "chuva and associates". dahil first work experience ko ito (not counted and snatching at pagtitinda ko ng balot), marami ako experience na nais i-share sa inyo. ito ay tulong ko na rin sa mga nagbabalak magwork.
1. PEDE KANG MAGMUKHANG BUSY KAHIT HINDI NAMAN. Marami akong natutunang style kung pano magmukhang busy. Nariyan yung magtambak ako ng isang bundok na dokumento sa harapan ng table ko. Tpos kunwari hindi ko sila napapansin kapag dumadaan sila. As in parang super busy ako sa work na nakakalimutan ko na maligo. Nagiging mainitin din ang ulo ko. Kunyari eh dahil sa dami ng trabaho. pero ang totoo, mainit lang ulo ko kapag bigla silang pumapasok sa kuwarto ko, nagugulat kasi ako sa ganun. tapos namamatay ako sa larong snake sa cellphone. sayang kasi mahaba na siya.
2. WAG KALIMUTANG MAGDALA NG SCREW DRIVER. Maaaring nagtataka kayo kung para saan ang screw driver. Pero para sa isang empleyado, indespensible tool ito. Nde dhil may balak kang mag-karpintero. Ito ay kailangan mo para kalikutin ang bundy clock. Ganito ang ginagawa ko kaya ni isang beses eh hindi pa ako pumapasok na late - iyon ay ayon lamang sa aming bundy. Nde namn kasi iyon nakakapagsumbong.
3. ILISTA ANG MGA KAMAG-ANAK O KAKILALA NA PATAY NA. Ngayon ko lng nlaman na napakhalaga pla n meron kng roster ng iyong mga kamag-anak o kakilala n sumakabilang-buhay na. Ito ay para meron kang dhilan para mag-absent. Sabihin mo na patay na si ganito o si ganyan. Technically eh nde iyon masama kasi patay na naman tlaga sila. Delayed lang ang announcement mo. Pero wag magkakamaling maging masayahin pagpasok mo.
4. KAIBIGANIN ANG CR. Alam nyo ba na sa work ko eh mas madalas pa ako sa CR kesa sa kuwarto ko? At ito ay sa kadahilanang sanay na akong matulog sa loob ng CR. Although kailangan nito ng konting practice, masasanay din kayong matulog ng nakaupo. At ang maganda dito, kapag galing ka sa CR ng ganun katagal, ang presumption eh may ginawa kang nde maganda. Kaya wlang magtatangkang lumapit sayo upang kwestiyunin kung bakit matagal ka sa CR. Siguraduhin mo lang na wag maghilik.
No comments:
Post a Comment