Monday, May 02, 2005

Paniniwala ng isang naniniwala


sa ganang akin eh napakraming bagay sa mundo ang nde ntin kailangan pero ginagwa pa rin natin. Yan ang dahilan kung bkit napakaraming panahon, na imbis na ginugugol ntin sa mas mahahalagang bgay, eh nauubos lng sa wlang kuenta. Ako’y narito upang tulungan kyo n magbgo at gwing mas simple ang inyong mga buhay. Sa mga susunod na pangungusap eh malalaman nyo ang mga myth of the 20thcentury. Narito na sila:

1. KAILANGAN MONG MALIGO – napakalaking kasinungalingan nito. Sa aking plgay, ito ay isang propaganda ng mga water companies upang lalo silang yumaman. Kung iisipin nting mabuti –ano ang kahalagahan ng paliligo? Isa lang angkasagutan – WALA! Bkit nman ang mga caveman dati?Nliligo ba sila? Cgurado ako n wala png shampoo o sabon nun pero bkit nman matiwasay ang knilang pmumuhay. Nde lng yan. Ngakakaroon pa sila ng mga kapartner sa buhay. Samntalang madami akong kkilala (ksama na ko) n madalas mligo pero ngyon eh wala pa ding bf/gf. Sa aking pagsusuri, kapag nligo ka, nde lng mga bad bacteria, kundi pati narin good bacteria ang nawawala sa iyong ktwan.

2. SIPILYO AT IKAW - ang hinde ko maintindihan eh kung bkit nakapasok ang isyu ng moralidad sa pagsesepilyo. Bkit may bad breath?Ano ba ang khulugan ng good breath? Paano ngiging masama ang paghinga smntalang ito ay natural na proseso lng ng pagiging buhay? Kumbinsido ako na ang pagsisipilyo ang nging dahln kung kya nauso ang mabahong hininga. Nung pinangank tyo, cgurado ako n nde nmna mbaho hininga ntin. Pro cmula ng matuto tyong mag-brush your teeth, bumaho na ito.Ang di pagsisipilyo ay nakakasira ng ipin?KALOKOHAN! Balik ulit tyo sa mga caveman. Alamntin na walang sipilyo nuon. Pro bkit pag may natutuklasan n buto ng caveman na ilang libong taon na ang edad, eh may nkikita pang ipin? Samantlang ikaw na buhay pa at nagsisipilyo eh samu’t saring pasta, braces, pabunot ng ipin,pustiso, na ang nararanasan.

3. KAILANGAN NG TRABAHO PARA MABUHAY – eto na nma ang isa s mga kalokohan ng bgong pnhon.Bakit kelngan mong mgtrabaho? Sa aking pnanaw, nde kailngan ang pagtratrabaho. Ako ay may ginawang komputasyon ukol dito. Kung ikaw ay binbigyan ng nanay mo ng 100/day. Kyang-kya mo ng bumuhay ng pmilya. Bkit kamo? Pagpalagay na nting meron kang isang anak. Samakatuwid eh 3 kyong kumakain. Magkano ba ang lucky me? 8 pesos na plagay nntin. Sa loob ng isang araw, kung kakain kyo ng 3 lucky me, P24 lng ang gagastusin mo. Bili ka ngayon ng bigas n NFA. Plagay na nting P15/kg., sa isang araw eh P39 lng ang kelangan mo. Sa P100 moay meron k png P61. sa P61 n yun eh makakabili kp ng itlog kpag merong mga expesyal n okasyon 2lad ng birthdays at anniversaries. Ibig sabihin lng nito, nde mo kailngan ng trabho para mabuhay ng masagana. P100 nga lang eh kya mo nang bumuhay ng pamilya.

4. PAGKAIN NG BALAT – i really feel strongly about this one. Gusto ko kyong ma-educate. Nde mo kelngang mging isang nutritionist para mlaman na nasa balat ang mga sustansya n ating mga kinakain. Hlimbawa eh ang mga prutas. Di ba’t nsa balat nila ang sustansya nila? Kya nga naimbentoang mga fruit-peelers eh. Para di mawala ang sutansyang napapaloob sa balat, manipis lng dapat ang inaalis kpag nagbabalat. Eh ano itong kinakalat ng mga ignoranteng tao na mayaman sa kolesterol ang balat ng lechon, manok, at baka???Isang malaking kalokohan tlaga! Kung kakain k rin lng ng karne, dapat nga eh blat lng ang kainin mo dhil nanduon ang sustansya. At yun pa ang masarap. Wag kyong mniniwala sa mga tao n nagsasabing masama ito sa ktawan..ntuklasan ko na ang mga nagkakalat nuon eh wlang alam sa nutrition. Sila ay miyembro ng pro-vegetarian movement. Isang grupo na gustong i-destabilize ang supply ng baboy.

Dmi pa kong gusto ilahad subalit nanganganib nang buhay ko sa ngayon. Kelngnan ko munang itigil ito. Nawa ay nakatulong ako sa inyo kahit konti.

No comments: