Friday, November 11, 2005

What women want

Ang sulat na ito ay isinusulat ko para sa kapakanan ng mga kalalakihan. Dito ko ilalahad ang mga "signs and symbols" kung pano mo malalaman na wala kang pag-asa sa niligawan o nagugustuhan mo.

Mahirap man kasing aminin, marami sa mga kalalakihan ang mahina maka-getz. Meron silang erotic paranoia kay ande nila aga nakukuha ang message ng opposite sex pagdating sa panliligaw. Minsan eh naiisip nila na may pag-asa sila kahit na wala naman.

Dito kami talo ng kababaihan. Hindi ko din alam kung bakit pero mas malakas ang intuition ng babae. Mas magaling silang makabasa ng utak ng lalake.

Pero mga kalalakihan, wag mangamba pagka't nandito na ang mga sikreto nila. Gamitin nyo ito para malaman kung negative ba kayo sa inyong mga iniirog o iirugin pa lang. Ito ay mula sa daan-daang pagkakabasted...este....research pala.

8 NEGATIVE SIGNS

1. Pag ikaw ay nagte-text o nag-fo2rward ng mga messages, isa lang kadalasan ang uri ng reply na matatanggap mo sa kanya, to wit:________________________________________________.

2. Himalang natyetyempo na meron siyang sakit palagi kapag tumatawag ka.

3. Kung tawagin niya ang pangalan mo ay kasama ang salitang "kuya". Kapag "kuya, wag po!", mas malala.

4. Tuwing nakikita mo siya kasama ang kanyang mga kaibigan, napapansin mong laging humahalakhak ang kanyang mga friends habang nakatingin sa iyo.

5. Ayaw ka niyang dalhin sa bahay nila kahit dun ka nakikitira.

6. Kahit sa aso niya ay ayaw kang ipakilala.

7. Pag hiningi mo ang schedule nya, para sunduin siya, magtataka ka kung bakit ala-una ng madaling araw ang sasabihin nyang oras ng uwi nya.

8. Pag yayayain mo siyang magsimba, babaguhin nya ang kanyang relihiyon.


....dito muna at tawag na ako.

1 comment:

Anonymous said...

What Women Wants…

One of the reasons why Women have better intuition that Men was Women were SENSITIVE enough to the feelings of others. Makita ka pa lang nila, alam na agad nila kung nagsisinungaling ka o hindi. Ganon kalakas ang intuition ng babae. Well, kung itatanong mo naman why there are women na naloloko kung malakas ang intuition nila, its just that… nagging TANGA sila sa pag-ibig… Hindi nila sinunod ang intuition nila kahit alam nilang tama ang nararamdaman nila dahil tanga nga sila sa taong mahal nila… (wwaaahhhh!!! Am I speaking for myself?!?!?!)