isa sa pinakamagandang katunayan/katibayan kung gaano kababa ang sistema ng edukasyon sa pilipinas eh ang pag-graduate ko. kasi, kung tlagang maayos at mahigpit ang DECS, dapat eh grade 4 pa alng ako ngyon. kasi hanggang dun lang ang kaalaman ko pagdating sa math. paglagpas ng grade na yun eh natigil na ang learning ko. kaya lng ako nka-graduate eh dahil sa pangongopya.
mayron nga akong paniniwala na (although wala sa bible), sa garden of eden dati eh walang math. kaya nung nagkasala sila eba at adan eh kasama sa parusa na kinailangan nilang matuto ng algebra, trigonometry, calculus, atbp. (nde naman ako galit kila eba at adan kasi feeling ko eh nilinlang sila ng ahas. feeling ko eh sinabi ng ahas sa knila "kainin nyo n yang mansanas. wag kayong matakot sa math, madali lang yun. tsaka pede naman mangopya eh")
pero ayoko naman na masyado i-down ang aking sarili. madami din akong alam sa math. kung i-summarize natin ang mga kaalamng kong iyon, cguro pede na kong ma-consider as average-pinoy-student-hater-of-math. (pero duda ko kung pede ko sumali o magtayo ng isang math club)
anim na taon sa elementarya, apat na taon sa high school, apat na taon sa college at apat na taon sa law - humigit kumulang labingwalong taon na pag-aaral. eto lang ang aking mga natutunan sa math:
1. Lahat ng number na i-multiply o i-divide mo sa zero eh zero ang sagot. (e.g. 9348908340995 * 0 = 0; 0984583490584390 / 0 = 0) Pinagyayabang ko na ang kaalamang ito dati sa mga bata kasi bilib sila at mabilis ang sagot ko kahit gano kalaki ang numbers na involve sa tanong.
2. Lahat ng number na multiply mo sa one eh yung number na din na yun ang sagot. (e.g. 99878 * 1 = 99878)
3. Ang "factoring" ay nde isang uri ng trabaho sa factory.
4. Ang right angle ay may 90 degrees. (ito ang suma tutal ng natutunan ko sa trigo.)
5. Ang square root ay nde isang kuwadradong parte ng halaman.
6. A pie is equal to 3.14. (ito na ang pinaka-advanced na alam ko)
7. Ito ">" ay greater than. Ito "<" ay less than. Note: Magagamit mo ito sa tamang pagpapalaki ng anak.
8. And GCF at LCD eh nde mga subversive organizations na gustong maghari sa mundo.
9. Mas mataas ang 1/2 kesa sa 1/6 kahit na parang mataas ang 1/6 kc may 6 eh. (Nde ko lang lam kung bakit.)
10. An isosceles triangle has three equal sides. (idagdag pa pala ito sa knowledge ko sa trigo.)
11. Si pythagoras ang nag-imbento ng pythagorean theorem. (impressed ka noh?)
The End
1 comment:
ang galing naman.. mas marami ka yatang alam sa kin e. nainsecure tuloy ako :)
Post a Comment